CHAPTER 29

3.3K 57 0
                                    

Hawak pa rin ni Xander ang kamay ko, napakatigas talaga ng ulo niya, kanina ko pa siya sinabihan na bitawan ang kamay ko dahil masyado na siya nakakahatak ng mga atensyon sa estudyante. Nakakainis na siya, kaya sinungitan ko.

"Wag mo nga akong sungitan diyan, remember ginawa ko--"

"Urgh! Oo na, Saan mo ba ako dadalhin ?!" iritadong tanong ko, nabitawan niya ang kamay dahil nagpumiglas ako. Pero nginisihan niya lang ako at kinuha ulit ang kamay ko.

"Xander, wag mong painitin tong ulo ko"  naiinis na talaga ako sa kanya.

"Xander, is that you?" someone interrupted, babae.

Magkasabay kaming humarap sa babaeng nagsalita sa likod namin, bigla akong sinalakay ng hiya dahil ang ganda niya. Her skin is fair and glossy, her long hair is ebony-black and straight. Her pointed nose sits fitly on her face and her body is sculpted perfectly. For the first time in my life I feel so insecure.

"Omg! I can't belive it nagkita ulit tayo. I miss you so much, Xander. You are so gwapo na" masayang sabi niya bago dinambahan ng yakap si Xander. Nabitawan ni Xander ang kamay ko at may naramadaman akong kakaiba sa tiyan ko, hindi ko mabatid kung ano iyon. Hindi ko din alam kung bakit nagbago ang mood ko.

Napatingin ang babae sa'kin akala ko ngingiti siya pero inirapan lang ako. Nakaramdam ako ng inis, akala ko pa naman mabait 'tong babae na'to

"Who is she, Xander?" she asked while still hugging Xander.

Abah! Nag-enjoy yata sa yakap ng babae na'to. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung bakit nanatili pa ako rito. Nagulat nalang ako sa ginawa ni Xander sa babae, mahinang tinulak niya ito at hinarap.

"Excuse me, miss. Do I know you? I think we haven't met before or are you one of my flings?  Well, If so, then please get out of our way because MY girlfriend is hungry." He said in a serious tone, hindi ko alam kung bakit sumaya ang puso ko dahil sa sinabi niya. Nawala din ang pagkainis ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng babae na tila ba'y hindi makapaniwala sa sinabi ni Xander. Alam ko namang mahirap paniwalaan na may girlfriend siya dahil babaero din kasi  ang isang 'to.  

Ci'nareer ang pagka-girlfriend, Ley ha. Sigaw ng aking isipan.

Kinuha ulit ni Xander ang kamay ko saka hinala palayo sa babaeng nakatulala pa rin. Guni-guni ko lang ba 'yon o nakita ko talaga sa mata ng babae na may bahid na galit bago kami nakalayo ni Xander.

Akala ko ba kakain kami ni Xander pero dinala niya ako pabalik sa classroom namin pero nagulat na naman ako dahil may binigay siya sa'kin na paper bag, saan galing 'to? Bakit hindi ko ito napansin kanina. 

"I know, may klase ka pa mamaya. I'll just give you this, token of appreciation 'to dahil sa pagpayag ng deal" Nakangiting sabi niya at agad akong iniwan na hindi nakapagpasalamat. Don't tell me, nahiya siya? Napangiti nalang ako ng lihim at umupo na sa upuan. Tatlo lang kami dito sa loob mamaya ko nalang ito buksan kapag nakauwi na ako.

Nang matapos ang klase namin ay umuwi agad kami ni Nana, hindi parin mawala sa isip ko ang babae kanina. Hinatid kami ni Dave sa condo ko bago niya hinatid sa bahay si Nana. We bid our good byes before I went inside to the building.

Nagsusuklay ako sa buhok ko, kakaligo ko lang. I feel so refreshed. Biglang nagflashback ang nangyari kanina sa school. Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng inis sa babaeng biglang yumakap sa boyfriend ko-ah esti ni Xander, sino kaya 'yong babaeng 'yun? Ang ganda niya talaga pero feeling ko masama ugali niya.

Ano kaya ang meron sa kanila ni girl? May nakaraan ba sila pero nakalimot lang si Xander? I sighed deeply.

"Boo!" hindi ako nagulat si ginawa ni Nana, ganito ba ako ka-bother sa babae kanina?

Tiningnan ko lang si Nana tapos binalik ko ulit ang tingin sa labas.

"Hindi ka ba masaya na nandito ako sa condo mo? Anong nangyari sa'yo, Ley? Ang lalim naman yan hindi ko ma reach!" nagtatakang tanong niya.

"Anong ginawa mo dito? Akala ko hinatid ka ni Dave sa inyo" iksing sagot ko

"Eh, kasi my dear friend. I smell something different sa'yo kaya hindi pa kami nakaabot sa amin ay pinabalik ko si Dave dito. Na-bobother ako sa katahimikan mo. I mean, tahimik ka naman pero kakaiba kasi ang aura ng quietness mo girl." Tinignan niya ako ng mabuti habang sinusuri ang pagmumukha ko.

"Pagod lang ako, Nana." Ikling sagot ko. Tinabihan niya ako at inagaw ang suklay sa kamay ko at siya na ang nagsuklay ng buhok ko kaya hinayaan ko nalang siya. Nagustuhan ko din naman.

"Oy ikaw ha, malungkot ka no? Dahil seven days nalang ang natitira sa deal ninyo ni Xander no?" Mapang-asar na tanong ni Nana.

Natigilan ako sa sinabi ni Nana at nakaramdam ng lungkot. Pero binalewala ko lang iyon. Nalluungkot lang siguro ako dahil babalik na naman kami sa dati kapag tapos na ito. Kahit sinusungitan ko siya palagi hindi ko rin naman ma-itatanggi ang totoo na naging masaya ako tuwing kasama siya.

"Matanong nga kita Ley, gusto mo na ba si Xander?" diretsahang tanon niya na ikinalaki na mata ko kaya agad akong umiling.

"Hindi no! Imposibleng mangyari 'yan" mabilisang sagot ko. Bakit ko naman magustuhan ang lalaking 'yon? Bukod sa masaya siya kasama pero palagi namang nakakairita dahil sa mga kalokohan niyang nakkairita.

"Ang bilis sumagot" nakangising sabi niya.

"Nakakagulat kaya ang mga tanong mo" pangatwiran ko

"Sus, nagpalusot pa" inirapan ko nalang siya  kahit hindi nakita dahil sinusuklayan pa rin niya ang buhok ko.

"Gusto mo siya no?" ulit na tanong niya. Ang kulit talaga.

"Nope" iksing sagot ko habang pinakalma ang sariling  bigwasin si Nana.

"Gusto nga?" tumigil siya pagsuklay ng buhok ko at inilagay sa center table ang hair brush.

"Hindi nga"

"Mahal mo nga eh"

"Hindi nga eh" I sighed.

"Gusto" pilit niya pa sa'kin.

"Hindi" iling ko. Umilaw ang selpon niya saka kinuha ito

"Si Xander nag-text sa'kin" bigla sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Nana at dali daling napa dungaw sa phone niya. Nilaki ko talaga ang mga mata ko para makita ko ng mabuti.

"Ano daw sabi?" tanong ko. Hinanap ng mga mata ko ang mensahe ni Xander sa phone niya pero kay tita lang ang nakita ko. Kumunot ang noo ko. Napansinko ang pananahimik niya kaya tiningnan ko siya at nakita kong nagpipigil siya ng tawa at doon ko narealize na pinagti tripan niya ako. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti bagi magsalita

"Yan pala ang walang gusto ha?" Mapang-asar niyang tanong at may kasama pang kindat.

"Ewan ko sayo." sabi ko sabay tapon ng throw pillow at ayon sapol sa mukha niya.

"Aray! Ang harsh mo talagang kaibigan Ley, alam mo ba yun?"

"Mahal mo naman" I confidently said.

"Hmp! Nagtatampo na ako sayo"  tampong sabi niya pero alam kong peke lang iyon.

"Aysus" sabi ko nalang at nagtawanan kami.

"Dito ako matutulog ngayon kung okay lang sayo. Wala sina Mom and Dad ngayon sa bahay dahil pumunta sila ng Korea may inasikaso lang at nag leave ang mga yaya namin ng 1 week para daw makapag pahinga sila. Oh diba ang bait ng mga magulang ko." Siya na ngayo'y nakahiga sa kama ko.

"Okay lang, walang problema iyan sa'kin"

"Ang bait ng kaibigan ko. I love you" masayang sabi niya.

"Alam ko na 'yan, matulog ka na nga diyan" ngiting sabi ko sabay tapon ng stuff toy sa mukha niya. Kaya lang nasalo niya. Ayy sayang. Umiling iling lang siya at niyakap ang stuff toy na tinapon ko sa kanya.


The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon