CHAPTER 6

4.8K 111 0
                                    

  May batang babae na umiiyak sa Park dahil inaaway siya ng mga kapwa bata, wala siyang magawa kundi ang umiyak sa kadahilanang sumobra na ang pang-aasar nito sa kanya. Maya't maya may biglang dumating na batang lalaki at matapang siyang pinagtanggol sa mga ito.

"Stay away from her monkeys"  Sigaw ng batang lalaki sa umaaway ng batang babae

"Can't you see? We're making fun of her, we destroyed her toys! Hahaha and now she's crying like a baby~" tumatawang sabi ng batang umaway

"Get out of my sight. Now! Or else I'm gonna call a cop for making her cry!!" Banta niya sa mga bata. Kahit nama'y ang totoo ay wala siyang number sa cop.

Labis ang pangangamba ng mga kaaway sa batang babae nang marinig nila ang sinabi ng batang lalaki kaya kumaripas ito ng takbo. Nang mawala na sa paningin niya ang mga kaaway ng batang babae ay tumawa ito ng malakas na nakakuha ng atensyon sa batang babae, napansin ng batang lalaki ang pagtingin sa kanya ng batang babae kaya agad itong tumahimik bago lumapit sa batang babae na hanggang ngayo'y nakaupo sa lupa at namumula pa ang mga mata galing sa pag-iiyak.

"Are you okay?" Tanong ng batang lalaki

"Y-yes,I'm okay now and thank you for saving me from those jerks" nakangiting sabi ng batang babae na ngayo'y nakangiting tumitig sa batang lalaki

Biglang lumakas ang pagtibok ng puso sa batang lalaki dahil sa ngiti ng batang babae kaya umiwas agad ito ng tingin.

"No problem. What's your name?"  Tanong ng batang lalaki

"Well, just call me----

Napadilat ako sa pag-ring ng cellphone ko, tsk! Sino kaya ang tumawag sakin na ganito ka aga?! Kainis, inaantok pa ako. It's 4:00 o'clock in the morning for pete's sake! Patay ka sakin kung sino ka mang tumawag sakin na ganito ka aga. Hindi pa naman ako makabalik sa pagtulog pag nagising na ako =____=

"SINO TO!? AT SINONG MAY SABING TUMAWAG KA NG GANITO KA AGA!!?" Galit na sigaw ko sa kabilang linya without knowing the caller

[Chill Hadley it's me Nate, your handsome brother]

Tsss. Ang hangin talaga ng gag#

"What do you want?"

[I'm going home tomorrow, Hadley]

"That's great" sarcastic na sabi ko... sinira niya ang pagtulog ko

[Tsk Hadley! What's with the sarcasm ey? Hindi kita bibilhan ng chocolate]

"joke lang,  sige I'll see you tomorrow, bye I'll hung up na, I'm going back to sleep" walang ganang sabi ko sabay end call

Ang sama ko no ? Ganito lang talaga ako kapag si kuya Nate ang kausap ko and hello? I'm in a deep slumber with a creepy dream.

Weird.

Hindi ko nalang iyon iisipin, panaginip lang naman iyon at blurred yung mga mukha nila. Minumulto na ata ako dahil sa letseng lagnat na yun! Teka, anong konek?

 Three days na pala ang nakalipas simula nong nangyari sa gym.

2 days akong hindi nakapasok dahil gusto ko lang magrelax muna. At alam ko kung sino ang may pakana sa nangyari sakin sa gym at sinabi din sakin ni Nana kung sino ang tumulong at nagdala sakin sa Hospital, isa daw siya sa mga kaibigan ni Xander. Pero nagtataka talaga ako kung bakit niya ako tinulunga. Magkaibigan naman sila nung demonyo na yun.  Ayy, bahala na nga basta mag t-thank you nalang ako kahit labag sa kalooban ko,  ayoko lang talaga mag thank you  kasi nahihiya ako at hindi ko kilala ang tao.

Maaga akong nakarating sa school 6:45 pa at 8:00 pa mag start ang class ko. Dumeritso ako sa Garden dahil wala pa si Nana at nalaman kong ang Garden ay walang katao-tao so that means PEACEFUL ang pagstay ko doon. Habang tinungo ko ang daan sa Garden ay nag Text ako kay Nana.

To: Nana

 Nana, nandito na ako sa school garden ng school. Puntahan mo ako  dito kapag nandito ka na.

*Sent*

Pagdating ko sa Garden ay agad akong umupo sa Grassland at nilagay sa may puno ang aking mga gamit. Tinanggal ko muna ang aking eyeglasses bago humiga, inunan ko ang aking kamay habang nakatitig sa dahon ng kahoy hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Pero maya't maya ay nagising ang diwa ko dahil may naramdaman kong taong papalapit sa hinihigaan ko pero hindi ko binuksan ang aking mga mata. Wala namang sigurong mamatay tao dito and realization hit me. Shuta! May mga bullies pala dito. Bago ko pa mabuksan ang aking mga mata ay may biglang nagsalita.

"Hey Nerd, I know you can't hear me 'coz you're obviously sleeping and I look like a crazy handsome here talking to an ugly sleepyhead. Well, this is my first time to say this word, I hope you are not listening because this is so embarrassing, oh sht tulog ka nga pala, uh.. I-I'm s-sorry for what I did to you 3 days ago. That's it."

 Akala niya siguro na tulog ako. Alam ko kung sino to, boses palang nakakairita. Anong magawa ng sorry mo? Teka, may nag-sorry ba sa taong natutulog? Hayaan na nga lang, hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Galit pa ako sa ginawa niya at alam ko sa tono pa lang ng pagsasalita niya ay labag sa kanyang kalooban ang pagsosorry niya. Tss, pero atleast nag-sorry siya BUT that doesn't mean na napapatawad ko na siya at isa pa hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sakin.

Nang maramdaman kong nakaalis na siya ay saka ko binuksan ang aking mga mata at laking gulat ko nang lumabas si Nana galing sa tinataguan niya na may ngiting nakapaskil sa labi. 

"Akala ko tulog ka, narinig mo pala ang sinabi ni Xander ba't hindi mo binuksan ang mga mata mo para mahiya iyon" nakangising sabi nito.

"Ayoko ng gulo, Nana" ikling sagot ko saka pinulot ang bag ko. "Tara na" aya ko sa kanya at nakangiti lang itong sumunod sa'kin.

Sumapit ang hapon ay tapos na ang klase namin, magkasama kami ni Nana na palabas pero tumigil ito dahil sa nabasa niya sa kanyang phone.

"Ley pwedeng mauna ka nalang? My dad wants me to go visit his office" Sabi ni Nana

"Sige, mag-ingat ka" sagot ko bago niya ako niyakap and then we parted ways.

Sa waiting shed ko nalang siguro hihintayin si Manong.

Damn! Tatawid pa ako sa kalsada para makapunta sa waiting shed. Hanggang ngayon masakit pa rin.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon