Dinala ako ni Nana sa bahay nila dahil siguro napansin niya ang kakaibang emosyon na nakita niya sa mata ko. Nakakapanibago sarili dahil feeling ko ang liit ko dahil sa pag-ibig. I never imagined myself being hurt because of love pero kunti lang naman. Hindi ako pwedeng magdrama dahil hindi naman talaga naging kami. Napatingin ako ni Nana na kakapasok lang sa kwarto niya na may dalang Oreo at chukkie?
"Ito oh, pampawala ng sakit" pigil-tawang sabi ni Nana.
"Si Nana talaga, panira ng moment" hindi ko mapigilang mapangiti.
"Pasalamat ka, binigyan kita ng oreo at chukkie ko." nakangusong sabi niya.
Napahagalpak ako ng tawa d
ahil mukha siyang bata.
"Pero atleast, worth it siya dahil napatawa kita. Hihihi" dagdag pa niya.
"Thanks Nana" ngiting sabi ko sabay inom ng chukkie
Kumuha naman siya at uminom rin
"No worries Ley, basta sa susunod wag ka ng malungkot diyan baka maubusan pa ako ng stock sa oreo at chukkie . Kidding aside, well, about kanina. Hindi siya worth it sa pagda drama mo Ley. Remember may ibang lalaki naman diyan, baka nandiyan lng siya sa tabi-tabi" sabi niya sabay kindat sakin.
"Nako, ikaw talaga. Sige nga sino naman ang nasa "tabi-tabing" pinagsasabi mo?" tanong ko.
"Secret"
"Pero infairness pareho kayo ng name ni girl, yun nga lang name niya talaga yun. Sayo ay palayaw lang." Dagdag pa niyaNapaisip naman ako bigla sa sinabi ni Nana.
"Oo nga no, hindi ko napansin" inosenting pag agree ko.
"Yan kasi ang napapala mo, lagi mong iniisip si Xander. I mean nakatuon lang ang buong atensiyon mo sa kanya kaya hindi mo siya napansin"
"Napansin? She's not even worth to notice" taas kilayng sabi ko.
"Oyy selos." Mapang-asar na sabi ni Nana.
"No, I'm not" saka inubos ang oreo na ikinalaki ng mata niya.
"ANG OREO KO" pero tinawanan ko lang siya. Ang sarap tumawa kahit naiiyak kana, ang sarap mag-joke kahit nahihirapan kana, ang sarap mag-saya kahit di mo na kaya. Ganyan kapag nasasaktan na ang puso, pati sarili pinaplastik ko na.
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtunog ng selpon ni Nana "Ley, sasagutin ko muna 'tong tawag ha?"
"Si Dave yan ano?" Nakakalokong ngiti na tanong ko.
Kinagat niya bigla ang labi sabay tango. Aba, ang landi. Charot.
Napaigtad ako ng tumunog din ang aking selpon.
Sinagot ko ito without looking kung sino ang caller.
Kita tayo sa coffee shop, I have something important to tell you , Ley. Kung okay lang sa'yo na ngayon na. I will wait for you and I'll just send you the location.
Sige.
Toot toot!
Biglang akong kinabahan sa anumang sasabihin niya.
After 10 minutes
Bumalik si Nana na may ngiti sa labi habang ako ay di mapakali. Iniisip kong ano ang maaaring sasabihin ni Xander.
"Nana, punta muna ako ng coffee shop ha? Babalik ako later"
"Sige" Nakangiting sagot niya.
Pagdating ko sa coffee shop ay agad ko siyang hinanap. Nang makita ko na siya ay agad akong lumapit sa table na inuupuan niya.
"Hey" bati ko nang makalapit na ako
"Hi" ngiting bati niya.
"Ano nga palang importanteng sasabihin mo, Xander? Hmala hindi mo kasama ang girlfriend mo" I hope it didn't sound bitter.
Ngumiti ito bago magsalita
"May pinuntahan lang. But anyway, hindi ako magtatagal dahil may sasabihin lang talaga ako sa'yo. First of all, I want to say thank you for everything, nadamay ka pa sa kagaguhan ko and I'm very sorry, I admit I was a jerk to you and pain in the arse at pinagsisihan ko 'yon and lastly, let's end our deal. Hanggang dito nalang dahil ayokong makita ka na kinainisan ka ng mga tao sa paligid." ngiting sabi niya.
Biglang umasim ang sikmura ko at sumama ang pakiramadam ko. Ngumiti nalang ako ng tipid.
"Tutal malapit naman talagang matapos ang deal natin, 5 days left nalang diba? Then bumalik na rin ang girlfriend ko at alam niya din tungkol dito at nagalit nga yun eh. So, free ka na. Thank you for everything, Ley." Masayang sabi niya.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ako alam kung anong ang sasabihin ko. Na speechless ako. Walang kami pero nasasaktan ako sa sinabi niya. Pinipigilan ko nalang ang sarili ko na wag maiyak kasi kapag umiyak ako ay ito ang nagpapatunay na weak ako at isa pa baka malaman niya na may nararamdaman ako sa kanya.
Ito pala ang kahinatnan ng deal namin? Bwesit, talo ako.
I tried my best to face him without making any sad reaction and yes I did it.
" You're welcome at napapatawad na kita. Atsaka magkaibigan naman tayo" tinignan ko ang aking relo, I just want to go home. "Halah, mukhang natagalan ako. Sige ha, aalis na ako hinintay pa kasi ako ni Nana sa bahay eh." Nginitian ko nalang siya kahit hindi ko alam kung paano ito gawin sa sitwasyon ko ngayon.
"Sige, mag-ingat ka"
Tumayo ako at nagsimulang humakbang palayo sa kanya. Deal lang naman yun Ley. Walang kayo Ley. Nagsimula na namang sumikip ang dibdib ko. Nang makalabas na ako sakto rin ang pagbuhos ng ulan. Ang swerte ko naman pati langit nakikisabay sa'kin.
Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko dahil wala naman akong magawa nabasa na ako dahil sa buhos ng ulan. Sa totoo lang, walang akong pakialam kung mabasa man ako basta ang gusto ko lang ngayon ay ang mailabas ko ang lahat. Gusto kong magwala pero wag nalang baka magmumukha akong tanga dito.
Yakap-yakap ko ang aking sarili habang tulalang naglalakad sa gilid ng kalsada.
Grabe, ito pala ang pakiramdam kapag nasaktan ka no? Pero itong sa akin ay iba dahil wala kaming relasyon at kung meron man ay FAKE lang iyon. Ako lang ang nahulog sa aming dalawa, ako ang tanga habang siya ay nagpapakasaya sa piling ng iba.
Habang naglalakad ako naramdaman kung nanghihina na ang katawan ko at ang ulo ko ay biglang sumakit. Kaya napatigil ako sa paglalakad at hinilot-hilot ang sintido ko. Ngayon lang ako nakaramdam na ganito kasakit ang ulo ko kaya napapikit ako pero sa pagpikit ng mga mata ko ay may nakita akong dalawang bata na masayang naglalaro habang kumakanta.
Bakit parang pamilyar ang dalawang bata?
All I ever need
Baby your amazing, your my angel
Come and save me ohhh~"Ikaw naman Klent" humahagikhik na sabi ng isang batang babae
"When it comes to you, oh baby your addictive
Your like a drug no rehab can fix it" kanta ng batang lalaki"Haddy, bukas maglalaro ulit tayo dito sa park ha? Basta same time, huwag ma-late okay?"
"Oh sige maglalaro ulit tayo dito and promise hindi na ako mala-late para sa'yo"
May bigla akong narinig na napakalakas na busina ng sasakyan na mas lalong ikinasakit ng ulo ko. Biglang sumigaw ang bata atsaka lumapit sa babaeng nasagasaan.
"Ate Sammy!!"
"N-no, Please don't leave m-me"
"T-this is all my fault"
"AHHHHHH! Ang sakit!" Sigaw ko. And everything went black
"LEY!"
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Novela JuvenilSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...