Until now galit pa rin ako sa asungot na Xander na 'yon. He's such a jerk, magnanakaw ng halik. Akala ko ba, ayaw niya sa'kin pero why do I care?
Bwesit siya! Kung legal pa lang ang pagpatay ng tao sigurado akong matagal na siyang nasa hukay.
Paglabas ko sa kotse ay agad akong pumasok sa loob ng school at hindi ko mapipigilang mapatingin sa mga estudyanteng nakatingin din sa akin.
Oh? Problema ng mga 'to? I know I don't look much good right now because of this disguise of mine na wala namang silbi.
"Sino siya?"
"Ang ganda niya bro"
"Newbie siguro"
Rinig kong sabi ng iilang estudyante pero hindi ko nalang sila pinansin dahil wala ako sa mood.
Pagdating ko sa room agad akong pumasok dahil nadidistract ako sa mga tingin na ipinupukol nila sa akin pero sa pagpasok ko sa loob, langya, hindi rin ako nakatakas sa mga mata nila na nakamasid sa'kin.
Dahil sa mga tingin nila hindi ako makalakad ng maayos at parang anytime ay madadapa ako sa paglalakad. Pero hindi nalang ako nagpapahalata na distracted ako sa mga tingin nila at tinuloy ko parin ang paglalakad ko pero this time ay mas binilisan ko pa ang paghakbang patungo sa upuan ko.
"Oh Ley buti't dumating ka na kumusta ang lagay mo? Nakatulog ka ba ng maayos?" kilala na niya talaga ako. Napahinto siya saglit "Teka? Himala ata at hindi mo na sinuot ang disguise mo." nakangising sabi ni Nana
Hindi ko sana sasagutin si Nana sa tanong niya dahil alam ko na naman kung saan ito tutungo pero natigilan ako sa dinagdag n'yang tanong.
Mabilis kong kinapa ang aking mukha pero wala akong nakapa ni eye-glasses WALA.
Shit. I forgot to wear them! Putik, kasalanan talaga 'to ng Xander na 'yon!
Hinila ko si Nana. "Nana, nakalimutan ko!" I whispered
"Huh? Nakalimutan? Edi mabuti" natatawang sabi niya. Pero napatigil siya sa pagtawa dahil sinamaan ko siya ng tingin. "Sa totoo lang Ley, Wag mo ng itago ang totoong ikaw. Kalimutan mo nalang ang rason kung bakit ka nagtatago sa makakapal na eye-glasses tutal mga kaklase natin nakakita naman sa'yo and I bet nakikita na rin ng lahat ng mga estudyante dito sa campus" dagdag niya.
Biglang nawala ang pagkunot ng noo ko at bumuntong hininga nalang.
May point naman siya. Oo nga nakita na ako ng mga kaklase ko at nakita na rin ako ng mga estudyante rito. Tss. Pahamak talaga itong si Xander. Ang sarap talagang balatan ng lalaking 'yon. Akala niya siguro nasisiyahan ako sa mga pinanggagawa niya sakin.
Bwesit!
Tinignan ko si Nana saka iniba ang topic. Ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol sa kagagahan ko, sa totoo lang wala akong masabi sa sinabi niya.
"Kanina ka pa ba dito Nana?" Pag-iba ko ng topic
"Yep kanina pa ako" nakangiting sabi niya
Ba't ang saya ng babaeng 'to? Kanina pa to nakangiti simula nung pumasok ako rito sa room at himala, maaga pa siya sa akin.
Di siya halatang inspired no?
"Nginingiti mo diyan?" takang tanong ko.
Pero ngumingiti lang siya tapos hinawakan ang dalawang pisngi sabay tingin sa taas. Kaya tumingin rin ako doon kung anong tinitignan niya na nagpapangiti sa kanya baka may nagti-twerk na butiki.
Pero wala naman akong nakita.
Tiningnan ko siya ulit bago tinanong "Nakahithit kaba Nana?" Kunot-noong tanong ko.
"Nope, nakalimutan mo na ba?" Tanong niya
"Ang alin?" Takang tanong ko
"Tsk! Yaaan! Yan ang napapala mo! Palagi mo kasing pinapasok sa isipan ang kiss ni Xander " bulong niya sa huling sentence dahil baka marinig kami ng iba"Ayieeh! ikaw haaa" dagdag niya pa.
Napa-ubo ako sa sinabi ni Nana. Paano kaya kapag uminom ako ng juice sa harap ni Nana tas ganyan ang sinabi niya sakin siguro mabugahan ko siya ng juice.
"Hoy! Ano bang pinagsasabi mo? Ako? Hindi no, ASA! Gumaganyan ka na ngayon sakin? Dahil kayo na ni Dave? And oh speaking of him he's here and unfortunately he's not alone" inis kong sabi.
Nakita kong biglang pag-ningning ng mga mata ni Nana pagkatapos ay namumula ang pisngi.
Ew, inlove.
"hi Love, saan ba kayo galing?" Pabebeng tanong ni Nana
What the fuck?
Guys matanong ko nga kayo. Maging pabebe ba ang mga babae kapag nagka-jowa or si Nana lang talaga?
"Hi Love good morning, galing kami sa tambayan namin" nakangiting sabu nito.
"Good morning Ley, oh? himala ata at hindi mo na sinuot ang nerd outfit mo ngayon?" Takang tanong ni Ethan sakin
"Trip ko lang" yan lang ang nasagot ko.
Eh baka kung sasabihin kong nakalimutan ko baka pagtatawanan lang nila ako.
Pagtingin ko sa gawi ni Xander nahuli ko siyang tumingin sa'kin pero agad niya itong binawi na may halong iritasyon.
Nang dumating ang prof namin ay agad nagsiupuan ang lahat. Nang matapos ang klase namin ay pumunta ako ng Canteen pero hindi ako nag-iisa dahil sumama sila. Kanina pa ako tapos kumain at nakatingin lang ako sa dalawang mag-jowa habang blangko ang expression. Nagsubuan lang naman sila, I feel so out of place. Hindi naman ako naghahanap ng ka-ganyan pero ang nag-iisang kaibigan ko may lovelife na at hindi ako sanay. Pero suportado naman ako sa ano mang gawin niya sa kanyang buhay.
"Gusto mo subuan din kita Nickx? Parang nainggit ka kasi sa dalawa ehh. Say ahh " landing wika ni Xander habang hawak ang kutsara na inilapit sa bibig ko. Mahina kong tinabig ang kanyang kamay para hindi mahulog ang pagkain na nasa kutsara. Sayang 'yon.
Kumulo talaga ang dugo ko sa kanya, nakakainis lang kasi pakinggan ang boses niya.
Nagsimula na naman ang bulungan sa paligid. Really? Ganyan ba nila kamahal si Xander na kahit gaano kahina ang boses niya ay narinig parin nila? Ayoko talaga sa attention eh, ayokong pagchismisan. Bwesit talaga 'tong lalaking 'to.
"Look what you've started? " bulong niya sa bandang taenga ko. Nagsitayuan lahat ang mga balahibo ko sa balat dahil sa hangin na mula sa bibig niya pero isinawalang bahala ko nalang ito.
"The hell I care." ngising sabi ko .
Nagulat ako dahil bigla siyang tumayo at kinuha ang atensyon ng mga estudyante. Pati tuloy sila Nana, napatingin din
"Did you guys know this girl beside me?" Tanong ni Xander sa mga estudyante.
May iba umiling pero karamihan sa kanilang ang tumili.
"Kyaaaah! Hindi Xander babe" see?
"Okay, from now on, she's my girlfriend her name is HADLEY NICKX CRUZ" ngising sabi.
Napawi ang pagka kunot ng aking noo at napalitan ito ng gulat. Matagal ito bago magsink- in sa utak ko. Pero alam kong hindi lang ako ang nagulat pati sina Ethan, Dave at Nana.
What the fuck, Xander?
Nagsimula na namang nagbubulungan ang mga estudyante dito sa loob. Hindi ba napagod ang kanilang mga mababahong bunganga sa kakachismis? Mga bwesit! Mga walang magawa sa buhay. Mga anak ba talaga ito ng mga mayayaman? Mukhang walang pinag-aralan kasi.
Ang ayoko talaga sa lahat eh yung pag-uusapan ako sa ibang tao. Kumusta naman kaya ang mga buhay nila? Pwede ba ang buhay na naman nila ang ichichismis nila ?
Pahamak talaga 'tong si Xander. Walang ibang magawa kundi ang SIRAIN ANG ARAW KO.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Teen FictionSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...