CHAPTER 2

6.4K 184 1
                                    

"Ley, tara punta tayo canteen para kain" masiglang sabi ni Nana

Tinignan ko si Nana na may halong pagtataka. Ang weird naman niyang magsalita parang kinulangan sa buwan.

"Tara" Maikli kong sabi bago siya nilagpasan. Kaagad naman siyang sumunod sa akin at sumabay sa paglakad sa'kin.

"Alam mo Ley ang daming mga magagandang tanawin dito sa school no? Hindi talaga ako nagkamaling magtransfer dito kasama ka. Kung nasan ka, andon din ako yieee" masayang sabi ni Nana.

Not again, ayoko sa drama.

Hindi ako katulad sa iba diyan na mahilig sa drama. Tss, Cookie, my cat, knows how I hate dramas, ang awkward kaya. 

"You have a crush on someone 

Nanalaki ang mga mata niya sa sinabi ko. " Paano mo nalaman?" Gulat na tanong niya.

Sabi ko na eh. Hindi naman talaga ako manghuhula sadyang nababasa ko lang sa mga mata niya. The way siyang magsalita include niyo na rin ang mood niya na colorful pa sa rainbow.

Binigyan ko siya ng ano-na-look

"Ayieee, si Ley---Oo ito na! Ang sungit mo talaga. My plan this morning was to find you but sa halip na ikaw ang makita ko, ang tatlong adones ang natagpuan ko. BUT sa isang tao lang na-stuck ang atensiyon ko. Ohmygad! Ang ganda ng mata niya Ley tapos ang ganda rin ng ngiti niya makalundag puso tapos hindi ko inaasahan kanina na kaklase pala natin siya. Mag-aaral na talaga ako ng mabuti, hindi na ako a-absent kahit magkasakit ako." kinilig niyang sabi habang ako nakatingin sa kanya.

*face palm*

Gwapo na naman, if I know hindi yan magtagal dahil kung makakita na naman siya ng mas higit pa sa nakita niyang 'adones' ay mawawala din iyon tapos malipat ang feelings niya sa bago.

Pero hindi ko sya ma-ja-judge dahil buhay niya iyon hindi sa'kin, baka way lang niya iyon para malibang niya ang kanyang sarili at magkaroon ng 'kilig moments' ang buhay niya hindi tulad sakin 'plain lang' walang 'kilig bones' na katulad kay Nana.

Pagdating namin sa Canteen ay agad na pumunta si Nana sa counter upang umorder ng pagkain, treat niya daw eh. Ang sarap lang sa ears kung ganoon palagi.

Nagsimula na akong maghanap ng vacant seat pero wala talaga akong makita, pumunta ako sa kanang bahagi at nilibot ang paningin ko nang may bigla akong nahagip sa pinakadulo na malapit sa bintana.

It's a four seater table.

Umupo na ako baka maunahan pa ako ng iba dahil napapansin ko rin na may mga naghahanap ng seat.

Ang sarap ng hangin dito.

Nilagay ko sa aking taenga ang earphones, pinahinaan ko lang ang volume para mapansin ko ang pagdating ni Nana. Nakatalikod pa naman ako sa counter.

Maya't maya napansin ko sa peripheral vision ko na panay ang tingin nila sakin at kadalasan sa kanila ay mga babae na kulang nalang ay targeten ako ng kutsilyo at siyempre nagbubulungan pero hindi ko nalng iyon pinansin dahil alam ko napapangitan sila sa'kin.

Maglaro na nga lang ako ng games dito para malibang naman ang aking sarili at makalimutan ang mga chismosa sa paligid.

Habang naglalaro ako napansin kong biglang tumahimik ang paligid. I mean, biglang nawala ang mga murmurs.

Mabuti naman.

Nagulat ako ng hinabol ako sa malaking unggoy, temple run kasi ang nilaro ko, kaya yumuko ako kasama ang phone ko pero sa halip na mag focus ako sa nilaro ko ay bigla akong napatingin sa lupa kung saan may nakita akong dalawang pares na paa.

Pang lalaki ang sapatos?

Inangat ko agad ang ulo ko para makita kung sino ang nagmamay-ari.

 I like his hair and his deep brown eyes. But I still don't care, buhok at mata lang yan, magupit lang ang buhok at madukot lang ang mata. Ngayon ko lang napansin na tatlo pala silang nakatayo sa harapan ko pero yung dalawa medyo dumistansiya ng kaunti sa lalaking nasa harap ko at ang ipinagtataka ko lang ay nakatingin silang tatlo sakin.

Yung isa binalik ang tingin niya sa librong binasa, yung lalaking nasa harap ko ay nagdeath glare at yung isa naman nakataas ang kilay, oh? problema ng mga 'to ?

"Hey nerd" sabay hampas ng table, halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat kaya tiningnan ko kaagad siya.

 "What the hell are you doing here?" may bahid na inis niyang tanong na ikinataas ng aking kilay, magsasalita sana ako pero nagbago ang isip ko at binalik ang atensiyon sa Cellphone .

"Hey! Unattractive woman. Are you deaf?!" Galit na sigaw niya sabay hablot ng headset na nasa taenga ko. 

What the fuck?

Mabilis ko siyang tinignan sabay kuha ng headset ko. Kitang-kita ko ang pagliliyab ng galit sa kanyang mata "Why the hell did you do that? " Malamig kong tanong. Nakita ko ang pagkagulat niya pero agad itong nawala. "Who the hell are you to talk to me like that?" 

"Tao" pang-aasar kong sagot na mas lalong ikinagalit niya. Kung ang tingin ng tao ay papatay siguro kanina pa ako nakahandusay dito.

"I know, stupid! Wait, you want me to notice you, right? Congratulations, I noticed you. Now, get out of my sight!"  very unmanly, tsk. Napakafeeling naman nito, akala niya lahat ng babae, gusto siya. Narinig ko ang paghihiyawan ng mga estudyante, may narinig pa akong nag-bet sa likod namin.

Gusto ko siyang magalit pa kaya hindi ko siya sinagot at tinignan lamang ito na may bahid na pangungutya.

"You can't answer? It's because you're STUPID! You can't understa---"

Hindi man lang makuha sa tingin, I cutted him off "Shut up, para kang babae kung magsalita." pang-iinis ko pa sa kanya. I know, anytime may lilipad na kamao sa mukha ko. Bakit ba ang tapang ko ngayon bwesit. I will regret this later, putik. Ang peaceful na hiningi ko hindi natuloy. Ang gaga ko.

"Did you just fucking disrespect me in my own school and infront of these people?!" hahawakan na niya sana ang braso ko pero umatras ako.

"Oh sayo pala? Congrats." kalmadong sabi ko pero sa totoo ay nagsimula na akong kabahan dahil nararamdamn kong sumasabog na ito sa galit. Shit, anong ginawa ko. Sa kanya pala itong school, putik! Hindi na matuloy ang peaceful life ko.

"Do you know who I am?" itritableng tanong ni Xander

"No, why? Ikakaasenso ko ba 'pag kilala kita?" Pilosopong sagot ko. Ang bibig ko! Kailangan ko na talaga makaalis dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. 

The whole canteen filled with laughters at pati ang dalawa niyang kasama ay tumatawa.

"All of you, shut up!" Sigaw niya kaya natahimik naman ang lahat

"You--unattractive bitch!" nagulat ako nang bigla nya akong hinila na sobrang lakas, akala ko nga ay mahihiwalay ako sa aking braso. Bago pa niya ako magawan ng mas nakakasakit pa nito physically ay tinuhod ko ang little birdy niya saka ako tumakbo. Hindi pa ako nakalayo ay narinig ko ang pag "Oww" ng mga lalaki. 

"You son of the Demon! Fuck. I will make you pay for this unattractive woman, I will make your life like hell!"

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon