CHAPTER 30

3.3K 60 0
                                    

Naglalakad ako patungo sa room namin nang may biglang umakbay sa'kin na ikinatalon ng puso ko. Pusang gala. Mukhang alam ko na kung sino to.

"Hi baby, good morning. Na-miss mo ba ako?" kinindatan niya ako. Ang agang nang-aasar ha.

I just rolled my eyes in a joking way to ignore my heart beating wildly. 

"Ayy hindi mo ako namiss?" Dismayadong tanong niya

"Why would I miss you? Palagi naman tayong nagkikita. " iling kong tanong sabay kuha ng kamay niya na nasa balikat ko.

"Kung hindi tayo magkikita, mamimiss mo na ako?" Ngising tanong niya and this time ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at butterflies sa tummy ko dahil sa ginawa niya.

Shit ka Xander.

"H-hindi pa rin, bakit ba tanong ka ng tanong. Bitawan mo nga ako!" Inis kong sabi sabay talikod sa kanya. Nakita kong nagbago ang expression ng mukha niya.

"Ganyan ka naman palagi eh, hindi mo ako namimiss tapos sinusungitan mo pa ako buti pa si Ethan nginingitian mo" parang batang tampo niya na ikinagulat ko. First time ko makita ang ganitong side niya. Bigla akong napangiti ng palihim. Hinarap ko siya pero nakatalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo sa'kin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sinabi ko iyon sa kanya.

Ginulo ko ang sariling buhok dahil nagsimula na din akong nalito sa nararamdaman ko pati sa pinakita ni Xander sa'kin. Napansin ko ang pagtingin ng mga estudyante sakin na dumaan sa harap ko. Hindi ko sila pinansin at sinundan si Xander, medyo malayo-layo na rin ang nilakad niya. Nakailang hakbang pa lang ako nang makita ko ang babae kahapon na palihim na sumunod ni Xander, kumunot ang noo ko at na-curious. Binilisan ko ng konti ang aking lakad hanggang sa nakarating kami sa tambayan nilang Xander. Hindi pa nila ako napansin, nung pumasok si Xander sa loob ay nagtago ako sa isang haligi. Sumilip ako at nakitang pumasok sa loob ang babae pero hindi niya sinara ang pinto kaya lumapit ako doon.

"Hi Klent" rinig kong bati ng babae sa loob. Nasa labas lang ako habang nakasandal sa pader ng tambayan nila.

"You are the girl who hugged me yesterday, right?" I heard him asked in a serious tone.

"Yes" ramdam ko ang ngiti ng babae sa sagot niya. Nainis ako bigla.

"Don't call me that. Who are you?" He asked in a cold tone. Wala akong narinig na sagot mula sa babae.

"It's me, Haddy" kumunot ang noo ko sa pagpakilala sa babae.

Haddy? What kind of name is that ? Parang nickname. 

Teka, bakit ba ako nakikinig sa usapan ng iba? Kailangan ko ng umalis baka may makakita sa akin. Aalis na sana ako nang biglang sumigaw si Xander. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil may bahid na galit ang sigaw niya.

"Get out!" Malakas na sigaw ni Xander. Umiral naman ang aking pagkachismosa kaya sumilip ako sa loob. Nagmumukha akong tanga dito.

Nagulat ako dahil bigla siyang dinambahan ng yakap sa Haddy na'yon, "P-please, don't be like that. I miss y-you" naiiyak na sabi ng babae parang may bumara sa dibdib ko sa nakita.

Nagulat ako nang malakas niya itong tinulak kaya napa-upo ito sa sahig. Hindi ko nakita ang reaksyon ni Xander dahil natabunan ng cabinet ang mukha niya pero feeling ko galit na galit siya. Naawa ako bigla sa babae  dahil sa ginawa ni Xander, wala talaga itong pinipili kahit babae pa ang kaharap niya. 

"Please Xander, hear me out first" She desperately pleaded. Hindi sumagot si Xander bigla akong kinabahan sa maaaring sasabihin ng babae kaya umalis nalang ako dahil bigla ako nawalan ng gana makinig. Saktong tumunog ang school bell kaya tinahak ko ang daan patungo sa room ko.

Nagdi-discuss lang ang aming professor sa harap pero kahit anong explanation na ginawa niya ay hindi ko parin maiintindihan. Hindi ako makapagconcentrate dahil hindi mawala sa isip ko ang usapan ni Xander at ng Haddy kanina. 

Ano na kaya ang ginawa nila ngayon? Pinatawad niya kaya ang Haddy na iyon?

Urgh! Bakit ba iniisip ko ang mokong na'yon, nakakairita. Wala akong pakealam kung magkapatawaran pa sila.

"Ms. Cruz?"

Girlfriend niya siguro si Haddy at iniwan siya kaya nag-sorry. Pero bakit bigla ako nakaramdam ng kalungkutan sa tuwing naalala ko ang eksina kanina? Nagugustuhan ko na ba talaga siya gaya ng sinabi ni Nana sa'kin?

"Ms. Cruz?"

Shuta, delikado!

"I'm calling the attention of Ms. Cruz." May sinabi ang prof namin pero hindi ko narinig.

Napansin kong nakatingin silang lahat sa'kin pero wala akong pakealam. Natigil lang ako sa kaisip nang siniko ako ni Nana.

Tiningnan ko siya at tinanong kung bakit pero ngumuso lang siya sa harap at doon ko lang napagtanto na nakatingin sa'kin ang prof habang nakataas ang kilay.

"What happened to you Ms. Cruz? Did you find my discussion boring?! I called your attention a hundred times but you did not----

Naputol ang sasabihin niya pero biglang tuminog ang school bell kaya napabuntong-hininga nalang siya dahil wala siyang magawa.

Thanks you! I was saved by the bell.

"Next time if you're not interested in my subject and find it boring, please get out! understood Ms. Cruz?" Taas kilay na pahayag niya.

"Yes Prof and I'm really sorry for what I did. I'll assure you that it will never happen po." Paumanhing sabi ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay bago lumabas.

Great! Pinagalitan ako.

"Hoy Ley! Anong nangyari sayo kanina? Alam mo bang kanina ka pa tinawag ni Prof? Pero hindi mo siya pinakinggan kasi TULALA ka." Tinignan niya ako suspiciously.

"M-may iniisip lang a-ako okay?" Palusot ko.

Unti-unting kumunot ang noo niya tapos biglang nag-crossed arms at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Sorry Ley, pero hindi ko mabibili ang palusot mo. Akala mo ha maisahan mo ako. Spill it Ley, wag kang magtatago ng sekreto sa'kin at kahit ilihim mo pa 'yan malalaman ko din yan" ngising sabi niya kaya inirapan ko nalang siya.

Nana is always Nana.

Hindi talaga ako makakalusot sa babaeng to.

"Fine" I told her about my confused feelings toward Xander but she concluded na gusto ko siya.

"I knew it! Ikaw ha, may gusto ka pal--"Mabilis kong tinakpan ang bibig niya, baka may makarinig samin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. 

"Sana hindi ko nalang sinabi sayo at isa pa I am not sure kung may feelings na ako sa kanya" napailing nalang ako habang nag-peace sign siya.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon