5 weeks have passed simula noong pumunta sa bahay si Xander sa amin. Mabilis ba? mabilis talaga, lalong-lalong na kapag nag-enjoy ka hindi mo talaga mapansin ang bilis ng takbo ng oras. Napakilala ko na pala si Xander kay mom at sa mga kuya ko. Ang sabi pa nga ni kuya Nate "kapag daw malaman niyang pinapaiyak ako ni Xander ay hindi raw siya magdadalawang isip na ipalapa sa buwaya" oh diba? Ang sweet ng kuya ko ? Ang tanong saan kaya siya kukuha ng buwaya ? Gago talaga.
At si mommy naman ay gusto niya din si Xander para sa'kin dahil gwapo raw? Pfft—sweet, mabait at magalang. Nong first monthsary naman namin which was noong November 25— sinurprise niya ako at grabi puso ko'y tunaw na tunaw dahil sa ginawa niya.
And today is November 29 that means Birthday ko na. Kinakabahan talaga ako ngayon, hindi ko alam kung bakit. Siguro kinabahan ako dahil sa excitement at makaharap ko ang maraming tao, alam niyo naman na hindi ako mahilig na makipagsocialize sa mga tao, in short introvert person ako hindi extrovert katulad ni Nana.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko minake-upan ng mga make-up artist na kinuha ni mom at kalahating oras na akong nakaupo dito. Isa lang ang masasabi ko "masakit na ang pwet ko sa kakaupo".
Alam niyo bang kahapon pa ako hindi nakakalabas dito sa kwarto ? Dinalhan lang ako ng pagkain ni Butler dito. Naiinip na nga ako dito ehh.
Napabalik lang ako sa reyalidad ng biglang magsalita si Fransisca imbes na Francisco, hindi siya halatang bakla, kasi ang ganda niya, natalbugan pa itong beauty ko.
"Walla, OMG ang pretty mo girl, look in the mirror nga" ngiting sabi niya sabay paharap sakin sa salamin and I completely agree with her, maganda naman talaga—saan ba ako nag mana? Sa parents ko syempre.
"Thank you" I said politely.
"Naku! You're always welcome. Come on, let's change your clothes dahil malapit ng mag start ang party mo, OMG! I'm so excited!" Masayang sabi ni Francisca.
Matapos kong palitan ang aking damit into gown ay pinababa na ako dahil ako nalang ang hinihintay sa baba. Actually, nag start na ang program at malapit na akong tawagin for my grand entrance.
"Let us all welcome our gorgeous debutant— Ms. Hadley Nickx Cruz Dilworth. Let's give her a resounding applause!"
Huminga muna ako ng malalim bago humakbang sa red carpet. Pagpasok ko sa loob ng venue, a sea of people welcomed me. I am wearing a red sparkly ball gown—as I walked through the carpet I can't help myself but wowed by the place, red hue leaves plastered all of over the place and golden lights especially the chandelier made it look more elegant.
Grabi! Kinabahan talaga ako dahil ang daming taong nakatingin sakin at nakangiti —hindi ako mapakaling lumakad para akong matapisod sa paglalakad.
Napagawi ang tingin ko sa right side at doon ko nakita ang buong taga KANG'S UNIVERSITY, invited pala sila? Wow! Hindi ako nainform. Nakita ko ang mga gulat sa mga mukha nila parang hindi sila makapaniwala na isa akong Dilworth na binubully nila noon, tumawag na pangit, gold digger, bitch, hampas lupa at ano pa nga ba yun? May iba ngumingiti sakin na halata namang pilit.
Pwede wag ka nalang ngumiti kung pilit naman pinapagud niya lang muscles niya sa mukha. In my peripheral vision, I saw Kristina and she was smiling—I don't like how she smiles, it creeps the hell out of me.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Teen FictionSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...