"Hindi naman ako lumalapit sa kanya Kristina" kalmadong sabi ko.
"Hindi ka nga lumalapit pero gumawa ka naman ng paraan para makalapit sa kanya at yun ay ang sumasama sa mga kaibigan niya. Pwede ba Ley, itigil mo na yang pagpapanggap mo, nasa loob lang naman yang kulo mo! MALANDI!!" insulto niya sa'kin
Kung makapagsalita, akala nya kung sino. Magsasalita sana ako ng nagtatanong na naman siya.
"Tell me, sino ka ba talaga?! Ilang taon mo na bang kilala si Xander?!"
"Sino ako? Si Hadley Cruz at ngayon ko lang siya nakilala." Casual na Sagot ko.
"Akala ko ikaw yung kababata ni Xander" may binulong siya pero hindi ko narinig
"Ano?"takang tanong ko
"Tsk. Nothing. " roll eyes niyang sabi.
Tatalikod na sana ako ng nagsasalita na naman siya na ikinatigil ng mundo ko.
"Akala mo ba, hindi ko nakita na nasasaktan ka noong tinapos ni Xander ang DEAL thingy niyo. Akala mo ba na hindi ko napansin ang kalungkutan mo sa tuwing magkasama kami ni Xander mo. Gusto mo siya diba? Kawawa ka naman, I'm not sorry to tell you this, pero hindi ang mga katulad mo ang type niya, hampas lupa!" Dagdag niya pa
Para akong binugbog sa last part na sinabi niya at ito'y tumagos sa puso ko. Gustong tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko.
"Ano bang problema mo sakin? Ha?! Wala naman akong ginagawang masama sa'yo. Tell me, insecure kaba? At isa pa , sa ating dalawa mas mukha kang desperada, alam mo kung bakit? Dahil kinausap mo pa ako na layuan ko siya which is lalayuan ko naman talaga. Ikaw ang kawawa dahil makakalimutan ka niya kapag nandiyan ako na isang hamak na hampas lupa!" Galit kong sabi.
Natahimik siya sa sagot ko.
Napuno na talaga ako. Nakakainsulto na siya.
Malandi? Sino ako?
Eh siya pa nga itong nakulangan ng tela dahil sa kaiksihan ng suot niya!
"I have to go. Why am I wasting my time to talk about this non-sense" Inis na sabi ko at tinalikuran siya.
Nakalawang hakbang palang ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng balat ng ulo ko dahil sa pabiglang paghigit ni Kristina sa buhok ko. Pati anit ko parang sumama.
Shit!
"Who told you to turn your back bitch? Hindi pa tayo tapos!!" Mas hinigpitan pa niya ang pagkapit ng buhok ko.
"Ano ba! Let go of me! Aray!" daing kong sabi.
Tinapakan ko ang paa niya at ng nabitawan niya ang buhok ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.
Umikot ako saka binigla ang paglipat ng kamay niya sa likod niya at Napasigaw siya sa sakit dahil diniinan ko ang paghawak nito. Pinasandal ko ang katawan niya sa locker.
Black belter ako kaya huwag mong isagad ang pasensiya ko.
"Don't you dare mess up with my hair!" Sigaw ko sa bandang taenga niya. Nagmamakaawa siya sa sakit ng pagdiin ko sa kamay niya na hanggang ngayon na sa likod parin habang hawak ko.
"P-please Ley, let go of my hand. It's so masakit." Pagmamakaawa niya.
May konsensiya naman ako pero bago ko siya pinalaya may sinabi pa ako sa kanya
"Promise me you will say sorry."sabi ko.
"Y-yes , I promise.. just.. just let go of my hand." Mabilisang sagot niya.
Nang mabitawan ko siya ay kaagad niya akong sinampal, hindi ko iyon napansin. I let my guard down. Shit! bakit ba ako nagtiwala sa babaeng to?
"Gullible" ngising sabi niya. Biglang kumulo ang dugo ko sa ginawa niya. I grabbed her hair again and nilapit ko ang bibig ko sa bandang taenga niya at.
"No one dared to slap me not even you bimbo!" Inis kong sabi sabay bigay ng napakalakas na sampal sa kaliwang pisngi niya. Napasapo siya sa pisngi niyang sinampal ko.
"You're messing up with a wrong girl. Kilalanin mo muna itong kinalaban mo!" Sigaw ko at binigyan siya ng malakas na sampal sa kabilang pisngi niya. This time, dalawang pisngi na ang sapo niya habang dumadaing sa sakit ng pisngi niya na ngayo'y namumula na.
"Oh ayan, may instant blush on ka na" ngising sabi ko.
"You bi--"
"Oh ano, hihirit ka pa ha?!" Sasampalin ko pa sana siya ng may biglang humigit sa akin palayo ni Kristina.
"LEY STOP!"
Nanlamig ako sa taong sumigaw galing sa likod ko, dahil iba ang tono ng pagsigaw niya. Bigla akong natatakot, parang handa niya akong bugbugin.
Si Xander....
Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang siya narinig sumigaw at nakitang galit na galit.
"Why the hell did you do that to my girlfriend?" Matigas na tanong niya at bakas ang galit sa tono ng panalita niya. Umiiyak na patakbong lumapit kay Xander si Kristine sabay yakap.
"I---I didn't do something wrong t-to her but S-she slapped me" nagkandautal na sumbong niya kay Xander habang humagulhol. Pabalik niya itong niyakap at hinagpos ang likod nito. Binaling ko nalang sa ibang direksyon ang mukha ko para hindi ako masasaktan sa scene nato
"What is wrong with you Ley?! Bakit mo sinaktan ang girlfriend ko?! Wala naman siyang ginawang masama sayo!!" Galit na sigaw niya sa'kin.
Sumikip bigla ang puso ko sa dahil ako pa ang may kasalanan. Ay oo nga pala, girlfriend niya 'yan. Siyempre ipagtatanggol talaga niya.
"N-nagtatanong lang naman ako love kung b-bakit hindi siya p-pumasok 2 days, imbes na sagutin niya ako , bigla niya akong sinampal at pinagsabihan ako na makipagbreak sayo at layuan raw k-kita love" liar.
Ako pa ang naging masama sa aming dalawa, ang galing talaga. Napaniwala niya si Xander sa mga kasinungalingan niya.
"Totoo ba 'to Ley?!" Nakakunot-noong tanong niya
Hindi ako sumagot, para saan pa? para hindi paniwalaan?
Ang pangit kaya kapag mag-explain ako sa totoong nangyari na hindi naman niya paniniwalaan.
"Silence means yes. Ganyan ka ba ka-desperada at manira ka pa ng relasyon namin?! Ley naman, ano ba ang gusto mo?! Ang makuha ako? Kahit kailan hindi kita gusto Ley, itatak mo yan sa utak mo, DEAL lang yun wag mong tutuhanin! At isa pa hinding-hindi ako magkagusto sa katulad mo!" Insultong sabi niya.
Mas dumoble pa ang pagsikip ng dibdib ko sa mga katagang yon. Parang tinutusok na naman ng milyon-milyong karayom ang puso ko. Siguro dumudugo na ito dito. Huminga ako ng malalim bago siya sinagot.
"Ang lakas naman ng loob mong sabihin n'yan, bakit? May sinabi ba akong gusto kita? kailan?! At isa pa hindi mo nasaksihan ang buong pangyayari kaya wag kang padalos-dalos sa mga salita mo! Ang hirap kasi sa'yo mabilis maniwala at mauto at kung maka-react ka, parang alam ang buong estorya. Tutal girlfriend mo naman siya, siyempre maniniwala ka talaga sa mga sinasabi niya. Aalis na nga lang ako. Why am I saying these stupid words. Your not even worth to waste my saliva." Lakas-loob kong sabi sabay talikod. Habang naglalakad ako nkinuyom ko ang aking palad dahil sa totoo lang nasasaktan talaga ako sa mga sinasabi ni Xander. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang loob ng pagsagot niya kanina.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
أدب المراهقينSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...