CHAPTER 39

3.1K 63 2
                                    

Nandito ako ngayon sa garden, pagkatapos kasi ng morning class ko ay dumiretso ako sa canteen para mag-lunch, kasama ko si Nana kanina kumain kaya lang dumating si Dave at ayon naglalandian ang dalawa. Iniwan ko nalang ayoko maka istorbo sa dalawa.

"Hi Ley." Ngiting sabi ni Ethan. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti.

"Oh? Naparito ka?" tanong ko.

Tumabi mona siya bago magsalita. "Hmm. I just want to see you" kinindatan niya ako. Parang may mga butterflies na nagliliparan sa sikmura ko. May naalala ako sa mga kindat na yan.

"Oh, Natahimik ka? May naalala ka no?" pang-asar nyang tanong.

"Wala, itigil mo nga 'yan. Hindi bagay sayo para kang babae!" biro ko sa kanya. Nakita kong nawala ang ngiti niya saka napalitan ito ng ngisi. Yung parang may masamang balak na gawin. I think you said something that isn't good to hear Ley.

"Parang babae? Let's see" nakangising sabi nya. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko na ikinatindig ng mga balahibo ko. Umaatras ako habang nagsasalita.

"J-joke lang. Ang sabi ko mukha kang ...." Putik ano ang idudugtong ko? Shuta!

"Mukhang ano?" Curious niyang tanong habang patuloy sa paglapit sakin.

Paatras lang ako ng paatras habang nag-iisip kung ano ang magandang ipapalusot hanggang sa naramdaman ko sa likod ko ang tree. Napatingin ako sa lips niyang pula. Napalunok ako. Pumikit ako dahil ang lapit-lapit na ng mga mukha namin. Anak ng pating naman oh!

Hindi ako makahinga,

Hahalikan niya ba ako? Pinigilan ko ang aking paghinga dahil ang lapit na niya sa'kin, ramdam ko na ang hininga niya sa mukha ko.

"Aray! Ansakit ha"  habang himas ang noo kong pinitik niya.

"Why are closing your eyes, Ley?" Mapang-asar niyang tanong. Uminit naman ang pisngi ko sa tanong niya.

"Hey, why are you blushing?" At Aakmang hawakan ang magkabilang pisngi ko. Pero mabilis ko itong iniwas bago magsalita.

"W-wala, ang init dito" nagkandabulol kong pahayag.

Shuta!  Why am I stuttering?!

"Oh, I see"

Napatingin ako sa kanya dahil bigla siyang tumawa ng napakalakas.

"Why are you laughing?" Kunot-noong tanong ko.

"You're blushing dahil akala mo'y hahalikan kita " halatang pinipigilan ang pagtawa.

"Hindi no!" Mataray kong pahayag.

"Guilty" asar niya sakin.

"No, I'm not!"

"Tumingin ka nga sa mata ko, kung hindi ka nga guil--- aray! .... Sino ang nagtapon nitong bola sakin?" mapang-asar na mukha ang binigay niya sakin pero dahil sa bola na sapol sa ulo niya ay napalitan ito ng naka kunot na noo.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon