CHAPTER 20

4.2K 94 3
                                    


Alam niyo habang tumatagal mas lalong kumukulo ang dugo ko sa playboy na'to, nakakasakit na siya ng ulo. Akala niya siguro lahat ng babae ay makukuha niya sa simpleng paraan. Pwes! Ibahin niyo ako. Hindi ako katulad ng mga nagkandarapa sa kanya. Iniisip ko palang kung may magandang mangyari bukas pero huwag na, mukha namang wala dahil makikita ko palang ang pagmumukha ng unggoy na 'yon, kukulo na ang dugo ko. Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang na iyon kanina ay lumabas lang ako sa canteen, ayokong makipag-talo sa kanya dahil ayokong gumawa ng scene at baka aabot ito sa mga magulang ko.

I closed my laptop before I went to bed.

I need to get some sleep and ignore that shameful occurrence earlier. I bet tomorrow is a long horrid day. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ng kung ano-ano, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN

"Good morning Ley" mapang-asar na bati ni Xander sa'kin tapos kinindatan pa ako. Ang aga pa tapos ito na agad ang bubungad sakin? Ang saya naman.

Nilampasan ko lang siya at tinuloy ang paglalakad, bakit ba ang laki ng school na'to? Hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sakin.

"Hey"

Annoying jerk!

Hindi ko pa rin siya pinansin.

Pinasakan ko ng headset ang taenga ko para hindi ko na marinig ang boses niya, hindi naman ganon kalakas ang tugtog. Nagsimula na akong mairita sa kanya.

"Babe naman! Huwag ka ng magtampo, sorry na" sigaw niya na ikinatigil ko. Napansin kong tumingin ang mga estudyanteng BABAE sakin and most of them ay death glare ang ipinukol.

Tinanggal ko ang headset at malamig siyang hinarap.

"Anong sabi mo?" I asked coldy

Nginitian niya kang ako yung abot sa taenga.

"Ang sabi ko, babe huwag ka ng magtampo, sorry na." Nakangising sabi niya habang papalapit sakin.

Aba't ni-repeat niya pa talaga. He's getting on my nerves. I want to rip his face. 

Tumigil siya sa harap ko habang nakangising-aso, tumingin siya sa paligid at mas lalong lumaki ang pagngisi niya. Nang tumingin siya sakin ay biglang lumungkot ang mukha niya.

God this jerk is using his acting skills para siya ang magmukhang biktima.

Bwesit!

"B-babe sorry na, galit ka ba sakin dahil nabitin ka sa ginawa nati--" bago pa siya may masabing kalokohan ay mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"Shut up. Stop making up stories, idiot" I whispered and irritation is evident in my tone.

What would you expect when surrounded by snoopy people? Well, as I expected they started to whisper things that aren't appropriate to hear.

Full force kong kinaladkad si Xander patungo sa garden dahil alam kong wala masyadong tao don. I want to talk to this jerk.

Pagdating namin sa Garden ay agad ko siyang binitawan tapos tinulak pa na ikinagulat niya.

"What the hell is your problem!" Galit na sigaw ko.

"Well, as you can see ang sarap mo kasing asarin. You're so cute when you're annoyed because you look like a pug" tumatawang sabi niya sabay hawak pa sa tiyan.

Nawala ang pagkakunot ng noo ko dahil natigilan ako. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa na as in tawa talaga na walang halong asar.

Parang nag so-slowmo ang paligid at parang kami lang ang tao dito. Siyempre, kami lang naman talaga ang tao dito.

Tinititigan ko lang siya habang tumatawa pero natigil ito nang makita niyang nakatitig ako sa kanya kaya bago pa siya mag-isip ng kahanginan ay tinaasan ko na siya ng kilay sabay irap.

"Alam mo naaasar talaga ako sa pagmumukha mo kaya pwede ba tigilan mo na ako? Maghanap ka nalang ng ibang asarin, HUWAG AKO!" I irritably said before walking out.

Mas binilisan ko ang aking paglalakad dahil baka sinusundan na naman niya ako. Kailangan ko ng makaalis dahil malapit na ring mag-start ang klase.

Siya nga pala hindi ko na sinuot yung disguise ko dahil wala naman yung silbi. May pa hide identity pa akong nalalaman. Malalaman din naman nila.

Parang lumindol ang mundo ko nang mabangga ako sa matigas na bigay at napaupo ako "ouch"

Akala ko magso-sorry siya pero nakatakip parin ang mukha niya sa libro.  Tatayo na sana ako nang magsalita ito at binaba ang libro "Ley?! Are you okay?"  gulat na tanong nito at nilahad ang kamay sa'kin kaya kinuha ko ito at tumayo pagkatapos ay pinagpagan ang sarili. 

"Salamat"

"I'm sorry, hindi ko talaga sinadya" may halong concern sa boses nito

"Sorry talaga. It was my fault dahil nagbabasa ako habang naglalakad dito" paumanhing sabi niya sabay kamot sa ulo

"Ano ka ba, okay lang. Sige ha, mauna na ako kasi pupuntahan ko pa si Nana" ngumiti ako 

"Sige ingat ka" ngiting sabi niya, tumango lang ako saka siya nilampasan.




The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon