Oh God, ako? Magkakagusto sa playboy na'yon? Hell no. Hindi ko nga masikmura ang ugali at ang pagkababaero niya. Impossible naman ata yon na magustuhan ko ang gagong yon.
Pero hindi ko naman pwedeng sabihing 'hindi' dahil baka malilintikan ako sa asungot na'yon. Na sa rules din kasi niya na Dapat kami lang ang nakakaalam tungkol sa pagpapanggap namin.
Shit na malagkit naman oh.
"Oo, gusto ko siya." Nakangiting sagot ko sa kanya. Good for me dahil magaling ako pagdating sa acting.
Sorry Ethan but I have to lie.
Is it just me or I really saw him frowned for a second. Pero kalauna'y ngumiti siya.
"T-talaga?" He asked and I just nodded. "Hindi naman sa nanghimasok ako Ley at dahil kaibigan ko kayo, just a friendly advice, huwag mong ibigay ang lahat sa kanya dahil alam ko na alam mo kung ano siya especially ngayon na kayo na. I'm sorry but concern lang talaga ako sayo bilang kaibigan" seryosong sabi niya na ikinalaglag ng panga ko not because dahil sa kaseryosohan niya kundi dahil ang haba ng sinabi niya. Ngayon ko lang din siya nakitang ganito kaseryoso, kanina pa'to eh.
Nakakakonsensiya naman to, ang seryoso niya kasi tapos hindi pala totoo ang sinabi ko pero kailangan talaga eh.
"Oo naman, pero salamat ha." Sagot ko nalang na may pilit na ngiti. Hindi ko alam pero nakokonsensiya talaga ako eh.
Putik na favor na'yon!
Nginitian niya lang ako saka ginulo ang buhok, ngumit narin ako bago inayos ang buhok ko. Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa dumating ang oras na napagod kami sa paglalakad na wala namang nabili at napagdesisyunang umuwi. Hinatid niya ako pero doon lang sa condo ko dahil wala lang trip kong mag-isa ngayon.
***
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang pumayag ako sa favor niya at sa loob ng dalawang linggo ay naging magkaibigan kami and yes close na kami pero hindi pa rin mawawala ang pagtatalo. Magkasama kami sa mga kalokohan. There's this day na nagda-date 'kuno' kami at hindi ko alam kung bakit pumayag ako pero hindi ko naman ma-deny na nag-enjoy ako dahil ang ginawa namin ay pumunta sa arcade at nag pataasan ng score. Marami ngang nakatingin sa amin. Sabi nga nila sweet couple daw.
Nagugulat ako minsan ni Xander dahil ang sweet niya tapos babe ang tawag sakin kahit kami lang dalawa, nakakairita talaga siya promise, gusto ko na itong matapos ang pagpapanggap. Bakit hindi nalang ba susuko si girl? Ilang beses na niya kaming nakitang magkasama ni Xander, hindi ako magpasundo sa kanya pero sabay naman kaming mag-lunch, umuwi at inihatid niya ako sa condo ko, yes sa condo na ako tumuloy, ayokong malaman ni Xander saan ako nakatira. Malapit din ang condo ko sa school.
Naalala ko naman ang pag-uusap namin ni Nana noong nakaraang araw na hanggang ngayon ay pilit kong huwag tanggapin.
"Ley, kayo ba talaga ni Xander? Dahil sa pagkakaalam ko hate niyo ang isa't-isa" nagtatakang tanong ni Nana
Natigilan ako saglit sa tanong niya dahil pagdating sa kanya hindi ko kayang magsinungaling dahil siya lang ang nag-iisang kaibigan ko at isa pa, nasa rules ni Xander na kami lang dalawa ang dapat na nakakaalam tungkol dito pero putik ang hirap kaibigan ko si Nana, ayoko namang magtampo siya sakin.
Bahala na.
"Nana may sasabihin ako sayo basta huwag mong sabihin sa iba. I trust you okay?"
"Sure at ano naman yan? Ikaw ha change topic agad" tampong sabi nito.
Ngumiti nalang ako at sinimulan ang pagkwento, from offering a deal ni Xander. Akala ko magagalit si Nana pero anak ng kape tinawanan niya lang ako na parang aliw na aliw, hindi nga siya makapaniwala na napapayag ako sa playboy na'yon kahit binlackmail ako.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Novela JuvenilSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...