CHAPTER 38

3.2K 66 8
                                    

Hanggang sa bahay namin, (oo umuwi na ako sa'min) dala ko parin ang mga sinasabi sa'kin ni Xander. Nakatatak na siya sa aking utak, hindi maalis. Bwesit! Ginugulo ko ang aking buhok dahil hindi parin mabura sa aking isipan ang mga pinagsasabi niya.

Umalis kana sa utak ko!!! Bwesit! Oo na! Hindi niya ako mahal. Hindi siya magkagusto sa katulad ko.

"Ley, malapit na ang birthday mo. Bukas na bukas, papupuntahin ko dito yung designer ng gown mo" ngiting sabi ni mama

"Sige po" ngiting sagot ko.

Naramdaman kong tumabi si mama sakin at bigla akong niyakap.

"Ley, I'm glad your back" masahang pahayag ni mama

"Saan ba ako galing Mommy?" Natatawang tanong ko.

Binigyan ako ng masamang tingin ni mommy bago ngumiti. Si mom talaga hindi mabiro.

"What I mean is  masaya ako dahil bumalik na ang lahat mong ala-ala. Buong puso ko ang pagpapasalamat sa panginoon dahil hindi ka galit sa amin at napapatawad mo rin ang kapatid mong si Nico." Masayang sabi ni Mama.

"Ang drama mo talaga, Mom" tumatawang sabi ko. Binatukan ako ni mommy. Pero yung mahina lang.

" 'To naman. Nagmomoment ako dito eh. I hate you, walang kaarawan ang magaganap period." tampong pahayag ni mama. Ito ang gusto ko kay mama dahil parang bata kung magtampo.  Niyakap ko si mama bago nagsalita.

"Sorry na mama, hindi ko na uulitin yun promise." Lambing ko ni mama. Lumiwanag naman bigla ang mukha naman saka ngumiti at pumalakpak pa.

"Finally! Pinatawad na ako ng baby ko." Masayang sabi niya. Sabay hug sakin at sinagot ko naman ang yakap ni mama.

Oh? Ang drama namin ano?. Hahahahaha.

KINABUKASAN

Habang naglalakad ako sa hallway, halos lahat na makasalubong ko ay tumitingin sa'kin at kong titignan ko naman yumuko ito.

Oh problema ng mag 'to?

" Good morning Ley, ganda natin ngayon ahh?" Ngiting sabi ni Nana.

"Alam ko na yan" Pabirong sagot ko.

Napanganga si Nana na para bang hindi makapaniwala sa saingot ko sa kanya, nabatukan tuloy ako.

"Aray! Bruha ang sakit!!" Sigaw ko habang hinimas-himas ang batok ko.

Tumitig ito sakin ng ilang segundo saka bigla ako niyakap na ikinagulat ko. "H-hoy! May problema ka ba?" Gulat kong tanong.

Binitawan niya ako saka pinisil na naman niya ang aking pisngi.

"Kyaaaaahhh!! Bumalik na si Ley. YES!" Sigaw niya sabay sayaw. Napansin kong tumitingin na ang mga estudyante sa kanya.

"Nana stop" whisper ko.

"Shhhh. Sumasayaw pa ako dito ley." ngiting sabi niya habang nakapikit ang mata. Pero nakasayaw siya. Dahan-dahan akong tumalikod bago binilisan ang paghakbang.

"Ley! Wait for me!"

"Wag mo kong iwan dito!!!, adik kang babae ka!!" Sinulyapan ko si Nana bago benilatan. Binilisan ko ang pagtakbo ko dahil hinahabol niya ako. Para itong kabayo kung makatakbo. 

"Ley, pwede magtanong ng kahit ano?" Biglaang tanong ni Nana

"Sige,magtanong kalang" kampanting sagot ko.

"Sino ba si Klent?" Seryosong tanong ni Nana.

Napako ako sa kinakatayuan ko dahil sa kakaibang tanong ni Nana.

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon