CHAPTER 31

2.9K 55 8
                                    

"Ley tulala ka na naman? Grabe talaga ang tama mo kay-" Dali-dali kong tinakpan ang bibig niya bago niya masabi ang pangalan ni ano.

"Nana naman eh. Huwag kang maingay diyan" habang pinanlakihan ng mata.

"Hehe sorry po "Humagikhik lang siya tsaka nagpeace sign.

"Hi girls"

"Hello Ethan, what's up? where's my Dave?"

Tumawa si Ethan sa tanong ni Nana. Kung maka"my" parang kanya talaga ha. Ikaw nagluwal te?

"Sumama sa ibang babae, joke lang. Nasa rooftop siya, puntahan mo raw dun para masolo ka" Tumatawang sabi ni Ethan.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya itong pabirong sinapak si Ethan sa braso pero tinawanan niya lang ito "Wag mo akong biruin ng ganyan Ethan baka ikaw pa ang mapatay ko, ikaw pa naman ang nasa harap ko hmmp! Diyan na nga kayo. Magdate na kayo tata~!!" Inis na pahayag niya nauwi sa asar at binigyan niya pa ako ng nakakalokong ngiti.

"Kung ako sayo agahan mo ang pagkilos mo baka kasi maunahan ka pa sa iba diyan. Ciao!" Makahulugang pahabol ni Nana kay Ethan bago kumaripas ng takbo.

Napailing lang si Ethan sa sinabi ni Nana. Pero ako? Nagtataka ako kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Lets go?" Ethan asked

"Saan?" I answered

"Sa puso ko" nakangiting sagot niya na ikinainit ng pisngi ko. Shuta!

Hoy! Wag kayong mag-isip ng kung ano. Namumula ako hindi dahil kinilig kunndi nahiya lang ako sa sinabi niya baka may ibang nakarinig.

He bursted in laughter "Just kidding. Syempre pupunta tayo sa canteen"

Pabiro ko siyang sinspak sa braso.

"Aray! Sakit non ha" Reklamo niya habang himas ang braso.

"Siyempre masakit yun" pang-asar ko sa kanya.

Ginugulo lang niya ang buhok ko bago hinila ang kamay ko. Nagpatangay nalang ako dahil gutom na rin ako.

Pagdating namin sa loob humanap kami ng table para doon kakain pero pinaupo niya lang ako at siya na raw ang mag-order sa food. Kaya pumayag nalang ako dahil hindi ko naman siya mapilit. Kanina pa ako naghinatay sa kanya pero ang tagal niya.

Asan na kaya si Ethan?

Tiningnan ko ang mga table medyo marami-rami na ang mga estudyante dito. Napatingin ako sa bandang unahan ng makita siya kasama niya si Xander na mukhang nag-uusap.

Tumakbo ako papalapit ni Ethan na nakatalikod.

"Andito, kalang pala. Kanina pa kita hinahanap" Lumingon silang dalawa sa'kin.

"Kaya nga hindi mo agad ako nakita kasi ang liit mo." tumatawang tukso sa'kin ni Ethan.

"Wow ha, nahiya naman ako sa height mo Ethan" pabirong asar ko sa kanya.

Ngayon ko lang napansin na marami na palang nakatingin sa'min. Pero hindi ko nalang sila pinansin dahil naman silang magawa, kaibigan ko na ang dalawang 'to.

"Hi Ley" akala ko galit to ang isang to sa'kin. Bakit nakangiti? At mukha pang masaya? Akala ko ba nagtatampo ito sa ginawa ko kanina. 

Napalunok ako ng maalala ko ang usapan nila ng babae, kinabahan ako dahil baka nalaman niyang nakinig ako sa pinag-usapan nila. 

"Mag-usap tayo mamaya, okay?" Bulong niya sakin na hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. 

Shuta! Ito na nga ba ang sinasabi ko baka nag-feeling ito. 

Tumango nalang ako at pilit na iniiwasan ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. Hindi talaga ako mapakali.

Napatingin ako sa katabi ni Xander at ngayon ko lang napansin na kasama niya pala si Haddy. Bigla ako nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Parang may bumara sa dibdib ko nang akbayan niya ang babae na ngumiti sa'kin ngayon.

"Who are they, Klent?" Tanong ni Haddy habang nakangiting nakatingin sa'kin.

"Oh, Sorry! This is Ethan Ryle Sy and this is Hadley Nickx Cruz, they are my friends" Xander said while pointing us.

Okay, friends.

Nakita ko ang pagbago ng mukha niya at bahagyang ngumisi. Nang-asar ba siya o sadyang na aasar lang talaga ako sa pagmumukha niya. I mean sa paraan ng pang-ngisi niya.

"Hi, I'm Kristina Haddy Walters. Xander's chilhood friend and now, he's my boyfriend." Nakangiting sabi niya habang nakipag-shake hands sa'min ni Ethan. Tinanggap ko iyon."I thought girlfriend ka ni love, hindi naman pala at act lang iyon " nakangising sabi niya sa'kin at binitawan ang kamay ko bago yumakap sa braso ni Xander. 

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Boyfriend? Teka, hindi ko maintindihan. Paano nangyari 'yon or tama ang iniisip ko kanina na may relasyon sila noon tapos iniwan siya ng babae at ngayon na bumalik siya, nagkabalikan sila.

 Ngumiti nalang ako sa kanila pero pilit lang, sana hindi nila iyon napansin. Kinuyom ko ang aking palad upang pigilan ang kakaibang emotion na naramdam ko. Ang Sakit.

Tiningnan ko silang dalawa at nakita ko kung paano niya hinalikan ng mabilis sa pisngi ni Xander at tumawa sila ng napakalakas na akala mo'y silang dalawa lang ang tao dito.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya. Bigla akong nakaramdam ng selos. Hindi ko maintindihan ang tibok ng puso ko, ang bilis pero bawat tibok nito ay parang may tumutusok.

"Ley, Are you okay?" Biglaang tanong ni Xander na may bakas na pag-alala.

"Yes, gutom lang talaga ako" tumawatang sagot ko.

He chuckled then binalik agad ang atensiyon niya sa girl. Nakita ko ang pagngisi ni Kristina. Pero I think guniguni ko lang yun.

"I'm sorry! I'll order our food na Ley" natatarantang sabi ni Ethan na ikinagiti ko nalang dahil ang cute niya mataranta. He is a composed man pero ngayon ko lang siya nakita mataranta. 

Nagpaalam kami sa kanila ni Xander bago pumunta sa counter. Pagkatapos naming kumain ay hinintay ko si Ethan na matapos kumain. Napatingin ako sa gawi nila Xander at hindi ko mapigilang mapalunok dahil parang may kumirot sa puso ko dahil sa ka-sweetan nila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo ako "Ethan, I should go. Naalala ko na may gagawin pa ako. Kita nalang mamaya" sabi ko habang pilit na ngumit sa kanya. This is so rude of me pero kailangan kung umalis para makahinga ng maayos.

"Sige, okay lang" nagtataka man siya pero pumayag pa rin.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas. Pero bago pa ako lumabas nagnakaw ako ng tingin kay Xander na ngayo'y nakatitig lang kay Kristina.

One of the hardest thing to do is to stole a glimpse to the person you like loving another person. And secretly, feeling the pain in the chest alone.

Binilisan ko ang paghakbang dahil gusto ko ng makalayo dito. 

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon