CHAPTER 40

2.9K 50 19
                                    

Paglabas ko ng kotse, biglang tumahimik ang paligid pero bumalik na naman ito sa pag-ingay. Most of them are whispering, I didn't hesitate to gave them a death glare. Kaya mabilis itong nagsi-iwasan.

Kami nalang ang natira dito sa parking lot.

"Let's go?" Ngiting aya ni Xander sakin sabay lahad ng kamay niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at ramdam kong nag-iinit na rin ang buong mukha ko.

Xander, what did you do to me?!

Dahan-dahan kong pinatong ang kamay ko sa palad niya ng mabilis niya itong iniwas
Nagtataka naman ako at binigyan siya ng 'what' look. Binukas na naman niya ang palad niya at nilahad na naman, ipapatong ko na naman sana ang kamay ko ng bigla siyang nagsalita na ikina-init ng pisngi ko dahil sa hiya. 

"Give me your bag not your hand" he said and chuckled. Pinamulahan naman ako sa hiya.

"Oh! Eto!" Sabay tapon ng bag ko at sapol ito sa mukha niya. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang

"Pinagtitripan mo lang ako hinayupak ka !" Inis kong sabi habang mabilis na naglalakad.

Nakakahiya talaga. Yung bag lang pala ang gustong kunin niya, hindi ang kamay ko. Shit! Lamunin mo na ako lupa, maawa ka.

"Hindi naman kita pinagtitripan ha? Gusto ko lang naman dalhin yung bag mo. Saan ba don ang-------- oh, you want me to hold your hand too?" Mapang-asar niyang tanong na ikinahinto ko.

Bwesit!!

"H-hindi ah, ano ka sinswerte?!" I tried to act normal but I can't manage to talk calmly. Napaigtad ako ng biglang niyang kinuha ang kamay ko at in-intertwined. Natigilan ako sa ginawa niya, hindi ako makakilos dahil mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Don't worry, you can hold my hand everyday" kindat niyang pahayag na ikinalaglag ng panga ko. Bago pa ako mahulog sa kanya ng malalim ay sinungitan ko siya. I tried to pulled my hand but he is so strong.

Nakakinis !!

"Let go, Xander. May girlfriend ka na" cold kong sabi.

"I said, we broke up yesterday and it turns out na ikaw na ang mahal ko. Hindi ka ba nakinig sa'kin?" Inis niyang paalala sa'kin. I just rolled my eyes at nagpatuloy sa paglalakad kasama siya habang hawak ang kamay ko.

"We are here" sabi niya.

Inangat ko ang ulo ko at aakmang bubuksan ang pinto ng inunahan niya ako. Rinig na rinig ko ang ingay na gawa ng mga tao sa loob. Pagbukas namin sa pinto, napatingin silang LAHAT sa'min. Ang tahimik ng paligid, naiilang tuloy ako.

"Xander, bitawan mo nga ang kamay ko" i whispered

"Ayoko" iling niyang sabi. Sabay hila sa'kin papasok. Nakakahiya talaga to, promise.  Nang nasa tapat na ako ng aking upuan ay binitiwan na niya ang kamay ko. Finally!  Nagmamadali akong umupo sa upuan at maya't-maya dumating na ang prof namin. Bumati siya at nagresponse naman silang lahat. Habang ako ay lumilipad ang utak. Nagsimula ng magdiscuss ang prof namin pero hindi ko siya naiintindihan dahil sa ginawa ni Xander at pesteng utak to!! Hindi makaget-over!

"Oyy, what's with the holding hands" mapang-asar na tanong ni Nana.

Biglang uminit ang pisngi ko dahil hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang kamay niya sa palad ko.

"A-ah, yun? Wala ... Oh tama.. W-wala .. Hihihi" naiilang na sabi ko.

"Weeeh? Bakit ang pula ng mukha mo?" Mapang-asar na tanong niya sa'kin

"Mainit, Nana" palusot ko. Napatakip naman siya sa bibig saka nag peace sign.

Kahit deep inside gusto ko nang tumili.

Nang matapos ang morning class ko ay agad akong pumunta sa library para gumawa ng assignment for tomorrow.  Tatlong linggo na ang lumipas simula noon sinundo ako ni Xander sa bahay namin at sa loob ng tatlong linggo ay hati'd sundo niya ako at mas lalong nagkalapit pa kami sa isa't isa na mas ikinahulog ng loob ko at hindi mabuo ang araw ko kapag hindi ko siya makita't maka-usap. Parang sanay na ako sa presence niya. Ganon?

Alam mo Xander nakakainis ka! Nahuhulog na naman ako sa'yo but this time malalim na. Nakakainis ka talaga, as in. Alam mo kung bakit? Dahil, sa akin 'tong puso ko, pero sayo lang ito tumitibok, tanginamo.

Oo nga pala, nakikita ko araw-araw si Kristina pero ang ipinagtataka ko lang ay hindi na niya ako hinaharangan at inaaway. Parang wala na siyang pakialam sa'kin? Ata?.. Ahh, basta kapag makasalubong namin siya ni Xander ay yuyuko lang siya.

"Boo!" 

"Ayy, kabayong palaka!!"  Ako

"Ano ba Ethan, kung may sakit lang ako sa puso kanina pa akong nakabulagta dito!" Sabi ko habang hinimas ang dibdib dahil sa gulat. Tumatawa naman ito saka ginugulo ang buhok ko.

"Wag mo ngang guluhin itong buhok ko. Alam mo bang kakasuklay ko lang?" Pagtataray ko.

"Sos! Ang arte, halika na nga." Sabay hatak sa'kin patayo.

"At saan naman tayo pupunta?"  Takang tanong ko.

Bigla siyang ngumisi saka kumindat.

"Magda-date tayo sa labas, tutal wala na naman tayong klase" sabay hila sakin.

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya.

"H-hoy! Anong date ang pinagsasabi mo?!" Gulantang kong tanong.

Sasagot sana si Ethan ng biglang nagsalita ang librarian.

"Shhhh." Librarian.

Tsk. Nasa library nga pala kami.

Kinaladkad niya ako sa labas. Bago nagsalita.

"Joke lang 'yon" Mabilis ko siyang nabutakan dahil pinagtitripan naman niya ako.

"Aray!" daing niya. I just gave him a hanging tounge at kumaripas ako ng takbo.

"Hoy, huwag mo akong iwan dito " sigaw niya sabay habol sa'kin.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nabangga ako sa matigas nabagay. At thanks God hindi ako napa-upo. Dahan-dahang kong inangat ang ulo ko.

Bigla akong kinabahan dahil nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

"Ley" tawag ni Xander sa'kin.


The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon