Dinala ako sa aking mga paa sa canteen dahil hula ko kumakain na naman si Nana at hindi nga ako nagkakamali dahil namataan ko siya na nag-iisa sa table habang pasimpleng tumingin sa phone niya. Isusubo na sana niya ang fries pero bigla ko itong ninakaw sa kanyang kamay at kinain, mabilis niya akong tinignan na may bahid na pagkainis. Napangisi nalang ako.
"I knew it! Nandito ka" sabi ko bago umupo at kumuha sa Fries nya. Alam kong mahilig mag-share si Nana sa pagkain maliban sa fries. Sobrang adik niya dito eh.
"Nakakarami ka na Ley ha" Nakasimangot na sabi niya
"Masarap eh" tumatawang sabi ko.
"Whatever. Matanong nga kita, totoo bang boyfriend mo si Xander?" Pag-iiba niya ng usapan. Iniiwasan ko nga itong tanong na ito eh pero sinagot ko nalang siya.
"Hindi no gawa gawa lang niya yun para mainis ako" inis kong sabi. Napawi naman ang mapanuyang ngiti nya at napatango-tango nalang na para bang naniwala siya.
"Kinikilig ka naman?" Bumalik na naman ang kanyang ngisi.
"Asa siya! That will never happen. Alam naman nating playboy siya, walang magawa sa buhay kundi ang paglaruan ang mga babae dito. At isa pa, siya ang nagsimula ng lahat kaya siya ang dahilan kung bakit hindi natupad ang peaceful na pag-aaral ko dito." I said with full of detestation.
"Pero teka, diba Oo at hindi lang naman ang maisagot mo sa tanong ko ba't ang dami ng sinasabi mo? Ayeeeiii may something ano? " pang-asar niya sa akin. She loves to tease me talaga, kainis.
"Tigilan mo nga ako, Nana." Pagtataray ko sa kanya at kumuha na naman sa fries niya.
"Ley kanina ka pa kuha ng kuha sa fries ko ha. Mauubos to"
"Damot mo naman" sabi ko at kumuha na naman. Hindi makapaniwalang tinignan niya ako at kinindatan ko nalang siya.
"Hi girls may I join?" Napatingin kaming dalawa ni Nana at nakita si Ethan ang nagsalita habang nagdala ng kanyang pagkain.
"Sure naman" sagot ko.
"Maupo ka" sabi ni Nana kaya umupo siya.
"Ethan matanong nga kita kahit kumain ka diyan, para sayo totoo ba yung sinabi ni Xander?" Curios na tanong ni Nana habang nagsimula itong kumain.
"Ang alin?" Takang tanong ni Ethan.
"Yung Girlfriend niya raw si Ley?" Tanong ni Nana. Nagulat ako sa tanong niya, bago pa ako maka-react narinig ko ang magkasunod na ubo ni Ethan. Mabilis naman siyang nabigyan ng tubig ni Nana tapos binigyan itong kakaibang titig na para bang may hinahanap si Nana sa mukha ni Ethan.
"Ano nga iyon?" tanong ni Ethan ulit. Tinapakan ko ang paa ni Nana para huwag magsalita pero inirapan niya lang ako. "Aray ha"
Binalingan nya ulit si Ethan at nagulat ako sa bagong tanong niya "May gusto ka ba kay Ley?"
"Nana wag mo ngang pagtripan si Ethan. Kita mo namang kumakain yung tao eh." Sabat ko dahil ang awkward ng tanong niya.
"What? Tanong lang 'yon." Natatawang sabi niya tsaka inirapan ulit ako.
"Saan mo naman 'yan nakuha, Nana? " natatawang tanong ni Ethan.
"Sus! Na sense na kita huwag mo ng itago" Tuksong sabi niya
"Hoy! Tahimik na. Ba't naman magkagusto sa'kin si Ethan, hindi ako ang type nya no" Sabi ko at sumubo ng fries. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil hindi naman kami ganoon ka-close ni Ethan. Ang daldal talaga ni Nana, nakakahiya ni Ethan. Narinig kong tumawa si Ethan dahil sa mga pinagsasabi ni Nana. Mabuti at nag change topic si Nana dahil feeling ko naiilang na rin si Ethan.
"Alam mo Ethan, simula naging sila ni Dave naging ganito na siya ka malisyosa" tumatawang sabi ko at sumubo na naman ng fries.
"Walang ganyanan kaibigan mo ako. " tampong sabi niya na ikinatawa naming dalawa ni Ethan. "Yeah right, parehas talaga sila ni Dave mga malisyoso" he agreed
"Sige, pagtulungan niyo lang ako pero okay lang basta ang importante maganda ako." hagikhik ni Nana
"Sige ikaw na maganda" mapang-asar na sabi ko.
Parang biglang nagslowmo ang paligid at siya lang ang nakikita ko. Hindi ko alam pero ngayon lang ulit ako nagkakaganito sa isang babae na para bang hindi ko talaga mapipigilang tumitig sa magandang mukha, lalong lalo na kapag siya ay tumawa o ngumiti.
"Maganda naman si Nana, lalong-lalo na ikaw.... Ley" biglaang sabi ni Ethan na ikinapawi ng ngiti ko.
Ngayon ko lang napansin na nakatitig si Ethan sa akin. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya pero nawala din ito at napalitan ng tawa. Weird.
"Ikaw Ethan ha, nag make move ka na kay Ley. I smell something fishy not sardines" mapang-asar na sabi ni Nana pero tumawa lang si Ethan.
I mentally face-palm. Ang ingay ni Nana, ang sarap lagyan ng ductape ang bibig.
"Alam ko namang maganda ako, salamat ha. Atsaka itigil mo nga iyang pang-aasar mo Nana, nakakahiya na kay Ethan." sabi ko. Abah, siyempre! Ang ganda kaya ng mga genes namin.
Nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko kaya agad akong napatayo. Nakaramdam ako ng inis nang makita ko kung sino ang humila sa'kin. Nagpumiglas ako pero ang higpit ng pagkakapit niya sa kamay ko letche.
"Ang bastos mo Xander, kita mo namang may kausap ni Ley" Sabi ni Ethan habang umiiling sa ginawa ng kaibigan niya.
Nagpumiglas ulit ako at masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaso hindi siya nakatingin sakin kundi kay Ethan lang. "Bitawan mo nga ako kung makahila parang-"
"Handsome boyfriend here"
And my jaw dropped.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Teen FictionSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...