CHAPTER 36

3.2K 62 5
                                    

NANA'S POV

Kanina pa nagsasalita ang prof namin pero niisang salita wala akong naintindihan. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako basta nagsisimula ito noong na-ospital si Ley. Para kasing may nagbago kay Ley at hindi ko alam kung ano iyon. 

The creaking sound of the opening door caught our attention. Napatingin kaming lahat sa taong kakapasok lang na nag ti tip-toe para hindi mapansin 'kuno' namin. Hindi ko alam kung sino ito dahil hindi siya tumingin dito at ang mukha niya ay natabunan sa buhok niya. Napatawa nalang ako ng mahina kasi napagtanto ko na Si Ley pala dahil sa balat at buhok nito.

Anong trip ng babae na'to?

"Why are you late, Ms. Cruz?" Seryosong tanong ng prof namin.

Napatigil ito sa paghakbang saka unti-unting tumingin sa'min na may gulat ang mukha pero mabilisan din itong ngumiti at nag peace sign, yung halos mawala ang mata sa ngiti niya. Nagulat ako sa inakto niya.

"I'm so sorry Ms. Capablanca, na-late po kasi ako ng gising" magalang na pagkasbai niya at binigyan niya pa ito ng matamis na ngiti. Tumango nalang ang prof at tinuloy ang discussion niya habang si Ley naman ay binilisan ang paghakbang patungo sa upuan ko.

Actually magkatabi na kami.

"Hi" nakangiting bati niya sa'kin. Nagtatakang tinitigan ko siya, nawierduhan na talaga ako sa kaibigan ko. Bakit ang saya niya ngayon kahit late, she is never a late comer and hate niya talaga ang ma-late.

"H-hey?" Naiilang na sagot ko. Ngumiti lang ito saka kinindatan ako at nakinig sa prof namin na nagsalita sa harapan at ito pa nagsulat ng notes na mas lalong ikinagulat ko. Nakakapanibago ang mga kilos niya ngayon. Ito ba ang impact ng pagpapa-ulan niiya noong isang araw?

Walanjo! Anong nangyari sa babaeng to?! Jusko! Baka nasaniban siya ng masamang ispiritu. Maya't-maya ay tumunog ang school bell at narinig ko ang pag'yes' ni Ley na ikinatingin ko sa kanya pero hindi niya ako tinignan dahil inayos niya ang gamit niya sa bag. Nang matapos niya ayusin iyon ay inaya na niya akong lumabas patungo sa canteen. Habang tinahak namin ang daan ay nagrereklamo siya tungkol sa kapatid niyang si Nate na ikinagulat ko na naman. 

Bakit ang daldal niya?

Nang dumating kami sa canteen ay nakita namin sina Ethan, and Dave. Kumaway sa'kin si Dave at sinenyasan na sa tabi ako uupo kaya tumango lang ako. Doon kami umupo ni Ley matapos naming umorder ng pagkain.

"Ley, mabuti't pumasok kana. Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Concern na tanong ni Ethan

OMG! I smell something fishy. Nakatingin lang ako sa kanila habang sumubo ng french fries.

"Okay na okay, siya nga pala Ethan. Salamat sa pagdala sa'kin sa ospital." Ngiting pasasalamat ni Ley

"You're welcome, ikaw pa malakas ka sa'kin " ngiting sabi ni Ethan. May huling sinabi si Ethan pero hindi ko iyon masyadong narinig dahil ang hina ng boses niya.

Pero infairness, bagay sila. May nakita akong spark sa kanilang dalawa. Aweee, concern si Ethan. Nafefeel ko talaga na may gusto siya kay Ley hindi niya lang pinahalata paano kasi manhid itong kaibigan ko.

"You're welcome, ano?" Tanong ni Ley. Namula naman ang taenga ni Ethan saka umiling-iling

"W-wala. Oo nga pala, saan ka nga pala galing noon, Ley?" Curios na tanong ni Ethan.

Nakita kong natigilan si Ley sa tanong ni Ethan, tinignan niya ito sa mata pero agad naman siyang yumuko bago sumagot.

"M-may binili lang hehe" sagot niya. Tumaas ang kilay ko saka tinignan siya ng mabuti pero nakayuko parin siya. She's not good in lying talaga. 

The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon