CHAPTER 5

5K 119 0
                                    

Bakit parang iba ata ang pakiramdam ko ngayon? Isa pa itong ulo ko na kanina pa sumasakit tapos may baon pang sipon. Bad timing mukhang lalagnatin ako.

Habang naglalakad kami ni Nana sa Hallway hindi ko maiiwasang kabahan, hindi ko alam kung bakit. Kanina ko pa ito narararamdaman simula pag-gising ko, nakakainit lang ng dugo. Tumigil sa paglalakad si Nana kaya huminto din ako.

"Ley? Okay ka lang ba? Ba't parang namumutla ka?"alalang tanong ni Nana.

"May sipon kasi ako" tugon ko.

"I knew it, may lagnat ka" may bahid na pag-alala ang boses niya sabay hawak ng noo ko.

Ang bigat na ng katawan ko tapos ang ulo ko parang pinukpok ng martilyo. Tinakpan ko ang bibig ko dahil bigla akong bumahing. Ang ayaw ko talaga sa lahat ay ang lalagnatin ako kasi ang weak ko. Kikilos ako sa weird na paraan, ngingiti ako bigla o kaya'y maging iyakin at malambing.

"Ahh Ley dito ka lang huh? Pupunta ako sa locker mo, kukuha lang ako ng gamot. Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ni Nana. Actually, may gamot ako para sa kung sasakit ang ulo ko.

"Oo, pero sasamahan nalang kita" I insisted

"No, diyan ka lang baka mapagod ka. I'll be right back." alalang sabi niya sabay takbo papuntang locker room. Lumapit ako sa upuan na old wood like design para doon maghintay ni Nana, nang makaupo na ako ay may biglang lumapit sa'kin na babae.

"Ahh miss, ikaw ba si Hadley Cruz?" Tanong niya sakin

"Oo, bakit?" sagot ko

"Pinapapunta po kayo sa gym ni m-miss.... Liana po yung b-bespren mo" nauutal niyang sabi

Problema nito? Nakakatakot ba ako tignan?

"Sige"

Itatanong ko sana sa kanya kung bakit, pero bigla nalang itong kumaripas ng takbo. Ano kaya ang problema non? Ang weird talaga ng mga estudyante dito.

Sobrang tahimik ng paligid pagdating ko sa Gym at halata na walang tao. Teka, pinagtitripan ba ako ng babae kanina? May lagnat na nga ako tapos nauto naman. Paglapit ko ng konti sa Gym, bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. Mas lumapit ako sa may pinto nang may marinig akong yapak ng mga sapatos.

Meron palang tao baka si Nana iyon. Pumasok ako sa loob pero sobrang dilim, walang ilaw na nakabukas or bintana. Napakunot ang noo ko nang may narinig akong maliit na kaluskos teka, parang may mali dito. Ang hunted tignan ng Gym na'to ngayon ko lang napansin.

Bakit dito pa niya ako p--- t-teka si Nana ay nandon sa Locker room para kunin ang gamot ko.

SH*T

This is a trap.

Ito na nga ba ang sinsabi ko eh, kaya nga ayaw kong may lagnat dahil maliban sa malambing, iyakin at palangiti, Gullible din ako. Nakakatamad kasing mag-isip kapag may lagnat.

Biglang nagka-ilaw ang loob at bumungad sakin ang mga estudyante na nakapalibot sakin kaya pala mas lalong uminit ang paligid, akala ko dahil sa may lagnat ako. Iyon pala pinalibutan na pala ako ng mga estudyante. Sabi ko na nga ba at may mali dito eh.

Humakbang ako palayo at akala ko ay hindi nila ako papayagang umalis pero nag-gi-give way sila sakin. Nasa tapat na ako ng pinto nang biglang may bumuhos sa'kin ng tubig.

Fck! Ang ginaw.

Tinignan ko ang ibabaw na bahagi ng pinto. May nakabitay na balde at wala na itong laman at malamang, nabuhos na iyon lahat sakin.

Nagsimula na akong manginig dahil sa ginaw ng tubig na bumalot sa damit ko. Ang ginaw, nilakbay ko ang aking paningin sa gym, andaming estudyante dito. Halos sa kanila ay babae't bakla, may tumatawa, may nanglalait, nangiinsulto at iba pa.

The gym was filled with laughters.
Dahil nakita nila akong basa sa tubig. Ang babaw talaga ng kaligayahan nila kung makatawa akala nila nakakatuwa. Ganito ba talaga ang mga tao rito? Kapag makakita na ng taong nahihirapan, feeling nila masaya?

Bakit pa kasi ngayon ako nilagnat!
Ayokong makita nilang akong umiyak.
Ayokong makita nila akong weak.
Panira ang lagnat ko!

"Serves you right, bitch!" Sigaw ng boses babae na hindi ko kilala. Binato niya ako ng itlog kaya yung iba sumunod na rin. Iba't ibang klase ang mga ibinato sa'kin, balat ng saging, Harina, kamatis at iba pa, hindi ko na maaninag dahil lumalabo na ang paningin ko.

Napayuko nalang ako dahil hindi ako makalaban at para rin hindi matanggal ang disguise ko at dahil sa mahina ang katawan ko. Ang sama talaga ng pakiramdam ko tapos tinapunan pa nila ako ng mga prutas na bulok.

"S-stop" nanghihinang sabi ko

Nahihilo na talaga ako at parang anytime bibigay na ang katawan ko.

"Hindi ka namin titigilan hangga't hindi ka aalis dito sa school"

"Hindi mo nirespeto si Xander kaya nababagay lang sayo ang parusahan"

"At hindi ka pa humihingi ng tawad!"

"T-tama na" naaiiyak na sabi ko

Masakit at mahapdi na talaga ang katawan ko! Di ko na kaya.. kung hindi lang talaga ako nilalagnat ngayon, malamang nakaalis na ako.

Mas lumala ang paglabo ng aking paningin hanggang sa tuluyan na akong kinain ng kadiliman. Pero bago pa ako tuluyan mawala ng malay ay nararamdaman kong may bumuhat sa akin and has a manly scent.

Puting pader ang sumalubong sa aking paningin nang imulat ko ang mga mata ko. Napapikit ulit ako dahil naramdaman kong sumakit ang ulo ko. Nang mawala ito ay unti-unti akong bumangon sa hinigaan ko.

"OMG! Ley, gising ka na. Ito, tubig inumin mo ito" Sabi ni Nana na may bakas na pag-alala. Kinuha ko ito at ininom.

"Paano ako napunta dito?"  tanong ko nang maubos ko ang tubig. Alam kong nasa Hospital ako. Tiningan ko ang aking sarili at nakapagpalit na ako ng malinis na damit at hindi na rin malagkit ang katawan ko. 

"Ethan and I brought you here. Nakita ka nya sa gym kanina na-"

"Okay enough. Thank you sa inyo Nana" mahinang sabi ko. Ayoko siyang patupusin sa sasabihin niya dahil ayokong maalala iyon. Tanginamo Xander. Aalis na sana ako sa hinihigaan ko nang may naalala ako.

"Nana, did you tell me parents about this?" 

"I was about to pero naala kong ayaw mo pala silang mag-alala tulad... noon" full of guilt na sabi nito.

"Thank you talaga, Nana" para akong nabuhayan sa narinig at nawala ang bigat dito sa dibdib ko. Mas mabuti pang hindi nila ito malaman dahil ayokong makitang malungkot si Mommy. Hinatid ako ni Nana sa bahay namin, she insisted aayaw sana ako dahil nakakahiya na. We bid our goodbyes before I went inside.




The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon