CHAPTER 28

3K 65 0
                                    

Magkasabay na naman kaming lumabas ng room ni Ethan at ngayon kasama na naminh si Nana, kanina pa kami tumatawa ni Nana dahil sa mga kwento ni Erhan na puro kalokohan. Hindi ko alam na palabiro din pala itong si Ethan, ngayon ko lang ito nasaksihan ang ganitong side niya. May klase pa kami mamayang hapon kaya napag-isipan nalang ni Ethan na sasama sa amin ni Nana. Nagtataka lang ako kung bakit siya doon sa kaibigan n'ya sumama. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama, nakapagtataka lang talaga. 

"Guys, pwede bang hiramin si Nana sa inyo?" biglang sumulpot si Dave tapos nag-apir pa sila ni ethan.

"Itatanong pa ba 'yan? Sige na, alis na kayo" Pagbibiro ko sa kanila kaya nagtawanan nalang kami.

"Inlove na Inlove Nana ha" pang-aasar ko sa kanya pero pabirong inirapan lang ako bago siya inakbayan ni Dave. 

Tumungo kami sa garden ni Ethan para doon mag-relax. Wala masyadong tumatambay kasi doon. Pagdating namin doon ay umupo kami sa bench atsaka kinuha ang lunch box na may lamang lasagna. Pinaluto ko talaga ito kay Nanay kaninang umaga dahil namiss ko bigla kumain ng lasagna. 

"Kain tayo Ethan, ito oh" sabi ko saka binigyan siya ng fork. Sa amin sana ito ni Nana kaso sumama siya ni Dave pero okay lang. Hindi naman sa lahat ng panahon umiikot ang mundo ni Nana sa akin. I support her lovelife pero kapag sinaktan siya nito, siyempre, ako ang makakalaban ni Dave. 

"Thank you, Ley. Ikaw ba nagluto nito?"  tanong ni Ethan. 

"Hindi, pinaluto ko lang iyan ni Manang pero nanay ang tawag ko sa kanya dahil bata pa lang ako nasa aming bahay na siya." 

"Ah kaya pala, ang sarap naman nito" sabi niya habang nginunguya ang pagkain na ikinangiti ko.  "Masarap talaga magluto si Nanay kaya isa ito sa mga paborito ko" kwento ko pagkatapo ko malunok ang pagkain. Nagulat ako nang makating nakatitig si Ethan sa'kin.

"Hoy, bawal tumitig" pagbibiro ko na ikinailing niya. 

"May sasabihin sana ako sa'yo, Ley" bigla siyang sumeryoso, nagtataka ako. 

"Sure, ano ba 'yan?"  sagot ko habang kumuha ng panibagong lasagna

"Huwag kang mabibigla ha? I just want you to know what I feel for you. Ley? I li---" naputol ang sasabihin ni Ethan dahil bigla nalang itong tumahimik at nagulat nalang ako ng bigla itong tumayo.

"Shit, bugs!"Sigaw nito

"Anong bugs bang pinagsasabi mo diyan?" gulat na tanong ko

"There's bugs over there. Look!" gulat at may bahid na kaba ang pagkasabi niya habang nakaturo don sa dalawang bakukang na kawawang nakahiga sa grass at hirap na hirap sa pagbangon. Pinigilan ko ang aking sarili na huwag matawa.

Tiningnan ko ulit siya at binigyang nakakaloko na ngiti.

"Don't tell me takot ka sa mga salaubang, Ethan? "

"Ha? H-hindi" mabilis niyang sagot.

"Ah kaya pala hindi ka sumigaw kanina" Pang-aasar ko.

"Nagulat lang ako dahil bigla itong dumapo sa balikat ko! " mabilisang sagot niya. Defensive. Matripan nga

"Ganon ba?" Pinigilan ko ang sarili ko na hindi matawa dahil sa expression ng mukha niya.

"A hundred percent yes, what do you think of me? Matakutin? Hell no!" Ngising sagot niya

"Ah talaga lang ha, eh ano yang nasa balikat mo na----"

" Where?! Where?! Shit!!" Siya habang nakatingin sa balikat niya at mabilis na pinagpagan.

And I bursted in laughter dahil sa reaction niya na halatang nataranta. Napatigil ako sa pagtawa dahil binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Niloloko mo lang pala ako ha?-- hey! San ka pupunta?"

Hinawakan niya ang braso ko sabay paharap sa kanya. Nginitian ko lang siya at binigyan ng peace sign.

Pero hindi niya ako pinansin tinignan niya lang ako ng may nakakalokong ngiti.

Oh-uh.

"Sorry na Ethan, please. Kaibigan naman tayo. Sige na, patawarin mo na ako, Hindi ko na talaga uulitin 'yon. I swear to everyone hope you die ah este hope you smile pala" nakapeace sign kong pahayag.

Nakita kong parang nawala ang ngiti niya, oh bakit naging malungkot siya? May nasabi ba akong mali?

"Ouch, friendzone" sabi niya na may pahawak pa sa dibdib. Pero hindi ko narinig ang sinabi niya dahil mahina lang ito.

"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko

"Ah wala ang sabi ko okay lang yun, at isa pa kaibigan mo naman ako " ngumiting sabi niya

"Yown ! Yan ang kaibigan ko pero teka asan na kaya si Nana? Yung bruhang yun iniwanan na niya ako dahil may boypren na."

"Alan mo, magkaboyfriend ka kapag sinagot mo ako, alam mo bang gusto kita? Ay hindi mahal kita" taas-babang kilay na sabi niya

Natigilan ako at gulantang napatingin sa kanya.

Nakaramdam ako ng awkward atmosphere dahil sa sinabi niya.
Pero nawala din ito kasi alam kung pinagtitripan na naman niya ako. Maybe payback time? Ganon?

"Hahahaha, tumigil ka nga diyan. Pinagtitripan mo lang naman ako eh."umiiling na sabi ko

Sumeryoso bigla ang mukha niya

At biglang nagsalita

"Sa to--" naputol na naman ang sasbaihin anaiya dahil may biglang nahulog sa harapan namin at may kung anong saya sa puso ko nang makita ko sino ang taong 'yon. Kinakabahan ako bigla.

"Ang ingay niyo naman diyan, natutulog 'yong tao eh, 'yan tuloy nahulog ako. Maka-alis na nga dito" inis na sabi niya at hinawi kaming dalawa ni Ethan dahil dumaan siya sa pagitan namin.

"Maka-alis daw, eh ba't sinama mo ako?" Taas kilayng tanong ko. Yes, hinigit niya ang kamay ko.

"May sinabi ba akong, ako lang ang aalis?" sabi niya

Tumingin ako sa likod at nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Ethan. Nagshrugged nalang ako sa kanya dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. I saw a different emotion in his eyes pero hindi ko iyon mawari kung ano. Nagpatangay nalang ako ni Xander dahil gusto ko naman sumama sa kanya. Ang landi.


The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon