"Nana, tubig oh nauuhaw ka siguro dahil sa pagod" Dave said while handing Nana a bottled water.
Napatingin ako ni Dave nang marinig kong magsalita ito, tingin ko babanat na naman ito. Nilipat ko ang tingin kay Nana para makita kung ano ang reaksyon niya pero as usual halatang kinikilig pero pinipigilan lang niya ito. Tinanggap niya ito at magsasalita na sana si Nana pero nagsalita na naman si Dave na ikinatawa ko ng mahina.
"Buong araw ka kasing tumatakbo sa isip ko" Dagdag nito na ikinapula ng pisngi ni Nana.
Umiling lang si Ethan habang si Xander--uh never mind he's having a good time with his flings.
Naglalaro kaming lahat ng volleyball bago nag-swimming pagkatapos ay nagkainan at nag picture taking. May speech pang naganap hindi kao iyong nagsalita kundi iyong mga nakita ko sa backstage nagpapasalamat sila sa akin dahil sa ginawa ko kaya nginitian ko nalang sila.
Nang dumilim na ay nagkanya-kanya kaming bumalik sa kwarto para magpalit ng suot at pagkatapos kung kumain ng dinner ay nagpaalam ako ni Nana na pupunta ako sa labas para magpahangin.
Ang ganda talaga ng kalangitan kapag gabi dahil sa buwan at mga bituin na nagbibigay liwanag sa gabi pero hindi naman literal na madilim dito dahil may nakalinyang paper lantern like parang street lights siya pero nasa buhangin lang ang mga ito. Sa kalagitnaan ng aking paghanga sa lugar biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni ate.
"No more buts lady, Listen carefully. You need to put the past behind and look towards the future. Just please bring back the old YOU.... you're INCOMPLETE, you're not in your usual self, the other half of your life is FORGOTTEN."
Ano kaya ibig niyang sabihin dahil sa totoo lang hindi ko naman iyon naintindihan--I mean siguro, nasabi niya lang na-incomplete ako dahil siguro hindi ko pa napatawad ang aking sarili. Baka 'yon siguro ang meaning non.
Humugot ako ng malalim na hininga tapos kinuha ko sa aking bulsa ang bracelet na nakita ko sa casket na bigay sa'kin ni ate Sam noon. Tumingin ulit ako sa kalangitan, kumusta ka na diyan ate? okay ka lang ba diyan? namiss mo ba ako dahil ako sobra. Sana masaya ka diyan at huwag kakalimutan na mahal na mahal kita.
Mariin kong pinikit ang mata ko dahil lalabas na ang luha ko tapos ay huminga ako ng malalim para pigilan ang mga luhang papatak. Tinignan ko ulit ang bracelet pero agad na kumunot ang noo ko nang may napansin akong naka-engrave na dalawang letra na H and K pero pinagitnaan ito ng hugis puso.
Okay, ngayon ko lang ito napansin.
Teka bakit K? Akin ba talaga ito?
Inaalala ko ng mabuti kong si ate or pamilya ko ba talaga ang nagbigay sa'kin pero wala kahit sina mom and dad at mga kapatid ko. Hindi ko maalala na binigyan nila ako ng ganito o sadyang nakalimutan ko lang talaga.
Signs of aging!
Hinilot ko nalang ang sintido ko at binalik saking bulsa ang bracelet dahil sumasakit lang ulo ko sa kakaisip kung sino ang nagbigay pero feeling ko kasi si ate Sam talaga dahil mahilig siya sa mga jewelries. Napapikit ako nang mas lalong sumakit ang ulo ko tapos may mga unfamiliar faces and scene na nag-flash sa paningin ko.
"This is my gift for you, happy birthday " nakangiti na sabi ng bata
"Salamat " she giggled.
Napahawak ako sa ulo dahil parang sasabog na ang uli ko.
"Aray!!" sigaw ko dahil sa sakit.
Kinuha ko ang painkiller ko sa bulsa at agad na ininom--mabuti at nagdala ako ng bottled water. Naramdaman kong unti-unting naglaho ang sakit hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
The cold nerd meets the casanova [UNEDITED]
Teen FictionSi Hadley Nickx Dilworth ay gusto magkaroon ng peaceful na buhay sa kanyang school and now that her mother transferred her to another university she decided to hide her identity, but unfortunately he met this guy named Xander Klent Kang who is known...