Prologue

78 3 13
                                    

"Alessandra Bridgette Mayapa..."

"Present!"

Lahat ng tao sa room na ito ay napatingin sa akin. Especially Ma'am Rabillo who's my Ethics professor.

"How nice of you to come on time, young lady. Doesn't it feel good to be with us at the start of the class?"

"Yes, indeed, Ma'am Rabillo. And it makes my day more pleasant to see you smile early in the morning."

Pinakitaan ko siya ng pinakamatamis na ngiti na kaya kong ibigay. Lahat naman ng mga kaklase ko ay halatang nagpipigil na ng tawa dahil pinapaandaran ko na naman si Ma'am Rabillo.

"If you would stop waltzing in the room at the middle of our discussion and start attending the whole of my classes, then I might consider smiling more often."

At di na napigilan ng klase na magtawanan dahil sa amin ni Ma'am Rabillo. Bawat klase namin sa Ethics, lagi kaming may ganitong eksena. At ineenjoy ko ang bawat pagkakataon na magkakabatuhan kami ng mga ganung linyahan kasi napakaastig niyang prof. Napakasport niya sa mga estudyante niya. Malapit siya sa aming lahat. Kaya niya kaming i-motivate at i-encourage na gawin ung mga bagay na di namin ginagawa dahil sa takot o pangamba namin. Minsan dahil din sa katamaran.

At ngayon nga ang unang araw na pumasok ako ng maaga sa first period ko. Sa buong college life ko. Seryoso. At dahil un sa kanya.

"Now take a seat, princess. Let me finish this roll call, and we'll start the class."

"Yes, madam, milady."

Umupo na nga ako sa aking pwesto. Alphabetical arrangement kami sa klaseng to kaya nasa may gitna ako. Buti nalang nasa tabi ako ng bintana sa kaliwang side.

"Alice, ano namang naisipan mo at maaga kang pumasok? Grabe. Totoo palang may himala. Hahaha."

Napalingon ako kay Kyle Natanauan na nakaupo sa tabi ko.

"Oo. Meron. At baka makaexperience ka rin ng himala if you just stop being an asshole."

"Woah. Easy. Agang-aga oh. Bilis naman mainis. Hahaha."

Hinarap ko sa kanya ang aking kamay. Natigil naman siya nang maintindihan niya ang ibig kong sabihin.

'Talk to the hand, jerk.'

Natapos nang mag-attendance si Ma'am Rabillo kaya naman umayos na kaming lahat ng upo. Kinuha ko na ang filler notebook ko sa Ethics pati na rin ang ballpen ko sa loob ng bag.

"Since we'll be having the Graduation Ball soon, I think it's proper to discuss table etiquette for today. And of course, for the next days, I'll be teaching you guys on proper decorum in attending formal parties like the Grad Ball. Am I understood?"

"Yes, Ma'am!"

Bigla naman akong kinulbit ni Kyle.

"May date ka na sa Grad Ball?"

"Ako? Wala pa. Wala pa namang nagyayaya sa akin eh. Ikaw ba? May date ka na?"

"Ako pa? Sus. Maliit na bagay. Daming nagyaya na babae sa akin. Namili nalang ako sa kanila. Hahaha."

Napangiti nalang ako sabay iling dahil sa sinabi ni Kyle. Napakayabang talaga kahit kailan.

Totoo namang gwapo siya. At sadyang maraming nagkakagusto sa kanya. Pero ung ugali niya, kabaliktaran ng pinapakita niya. As in.

Medyo maangas ung aura niya. Ung tipong lalaking self-righteous? Pabida. Pabibo.

Pero ang realidad ay ang kabaliktaran nito.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon