Bianca's POV
"BIBILANG AKO NG LIMA. KAPAG DI PA KAYO NAGSILAYAS JAN PAGBUBUGBUGIN KO KAYOOOO!" Halos pumiyok ako sa ginawa kong pagsigaw.
Letse! isa sa mga rules ng school ang 'NO VANDALIZING' pero ang mga walanghiyang studyanteng ito, pinuno nanaman ng vandalized ang wall ng school namin na last week ay kakalinis lang naming mga School councils at bagong pintura yang mga yan! Letse talaga. Ang aga agang pampuputakte!
Sabay sabay namang nagtakbuhan ang mga grupo ng mga pasaway na studyante palayo, dahil di talaga ako magdadalawang isip na pagsasapakin tong mga to! Mapa-lalaki o babae pa sila!
Bwisiiiiitttt! sira nanaman ang araw ko!
"Goodmorning Miss President!" napatingin ako sa nagsalita. At lalo lang nasira ang umaga ko dahil sa pagmumukha ng mokong na to.
Kevin Lance Lee. o mas kilala bilang 'THE ULTIMATE TROUBLEMAKER'.
"Sa tingin mo, anong maganda sa umaga ko?" pataray ko sakanya.
"Ahh. dahil nakita mo ang magandang lalaking katulad ko?" nang-aasar na sabi nito.
Natawa ako ng mapakla.
"Ang hangin ah!" sabi ko. Nagkibit balikat lang sya. At paalis na sana ng pigilan ko sya.
"Sandali Mr. Lee." huminto naman ito sa paglalakad at nakangiting aso na humarap sakin.
"tsk. Sino nagpapasok sayo sa campus aber?" tanong ko.
"Ah yung guard?" sabi nito.
Umiling ako, mukhang wala nanamang SC ang nagbantay ng gate. "Hayst sakit sa ulo. Sa reflection room. Ngayon na!" utos ko.
"Ha? Bakit?" tanong niya.
"Nagtanong kapa. Last week ka pa pinagsabihan dahil jan sa haircut mo diba? Hello, wala ka sa korea para mag-ayos ng ganyan! Clean haircut po ang rules dito sa school natin." sabi ko dito.
"Pero-"
"May reklamo ka?" medyo pasigaw ko ng sabi. Naiirita na ako. Umiinit nanaman ang ulo ko!
"Sabi ko nga." sabi nito tsaka sumunod na sakin maglakad papuntang reflection room.
"Matagal paba yan?" tanong ko kay mokong na nagsusulat na ng 'SORRY LETTER' you know, sa mga nilabag niyang rules ngayong araw.
"Wag ka nga maingay jan President. Nag-fofocus ako dito oh!" sabi naman niya.
"Hello? Magsosorry kalang dahil sa wrong haircut mo. Gaano ba kahirap yun? At mukhang nobela na yang sinusulat mo jan?" kairita. 5mins left may first subject na ako!
"Eto na eto na. Napaka-reklamadora mo talaga! Dinala dala mo ako dito tapos di ka naman marunong mag-antay!" sabi nito.
"Bilisan mo na!" inis kong sabi.
"Babasahin ba to?" tanong niya.
"Hindi. Kaya bilisan mo na jan!"
"Hays, sayang effort ko. Lagi nalang sinasayang yung effort ko. Minsan talaga nakakasakit na."
"Letse humugot kapa! Amina na nga yan!" Kinuha ko na yung papel na pinagsulatan niya at pinirmahan ko yun, nakakatamad basahin ang haba haba. Pinasok ko na ito sa envelope.
"Ganun lang yun?" tanong nito.
"Aba. Makapagtanong. Ano ? First timer? Tsk. Sige na umalis kana. Bukas, pagupit kana ah!" sabi ko dito tsaka naglakad na paalis.
----At 6:30 naglakad na ako pauwe sa bahay. Malapit lang ang bahay namin dito, kaya pwedeng lakarin pero minsan hatid sundo ako ng Mommy ko kapag di sya busy sa trabaho.
Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Maica. SC din sya kagaya ko, secretary ang position niya.
"Hi Bia!" bati nito sakin. Nginitian ko naman sya. Di ako friendly pero di naman ako snobber.
"Balita ko may lilinisin nanaman tayong wall?" sabi nito.
"Oo, may mga hinayupak nanamang nagpapahirap satin." sagot ko.
"Kailan kaya magbabago yung mga yun?" tanong niya. Kibit balikat lang ang sagot ko.
"Ay nga pala sama ka samin bukas, birthday ni Lyka. May konting handaan sa bahay nila, bilin niya sakin ayain kita kapag nakita kita. Buong SC kasama." sabi nito. Si Lyka, SC din sya kagaya namin.
"Pagiisipan ko." Di naman sa ayaw ko sumama ok? di lang talaga ako mahilig sa mga ganyan, mas gusto ko pang matulog maghapon kapag sabado.
"Haynako! Minsan lang naman eh. Sige na!" pilit nito.
"Pag-iisipan ko nga. Tsaka wala akong maireregalo, di ko naman alam na birthday niya eh." sagot ko.
"About sa gift, nagcontribution ang SC para makabili ng cake sakanya. If you want, sali ka nalang sa Contribution namin." nakangiti nitong sabi. Tinignan ko sya. "Please?? Dika pwede mawala dun, ikaw ang President namin eh!" pilit niya.
Huminga ako ng malalim. "Osige na." no choice kong sagot.
"Yey! Oh basta bukas ah? 3:00 sabay na tayo pumunta sunduin nalang kita!" sabi nito. Tumango naman ako.
"Magkano pala yung Contri?" tanong ko.
"100 per head." sabi nito.
Kinuha ko yung wallet ko sa bag ko at binigay ang 100 sakanya.
"Thank you Bia! Oh mauna na ako, ayan na bahay niyo eh! Babye!"
Nginitian ko naman sya.
Pumasok na ako ng bahay namin. Tahimik, ibig sabihin dipa dumadating si Mommy.
"Ay nanjan ka na pala Bianca." bati sakin ni Manang, katulong namin since nung bata pa ako.
"Wala pa po si Mommy?" tanong ko tsaka ako naupo sa sofa.
"Wala pa. Tumawag nga sya sakin na, sabi malilate daw sya ng uwe ngayon dahil maraming pasyente sa hospital." sabi nito.
"Buti pa sayo manang tumawag sya." sabi ko dito pagkatapos ay tumayo ako sa pagkakaupo.
"Nako tong batang to, nagtampo nanaman sa Mommy niya." sabi naman ni Manang.
"Sanay na ako." sagot ko nalang tsaka ako umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
Pagkatapos kong magshower, nahiga agad ako sa kama ko. Haaaaay. Mag-isa nanaman ako, may naturingan akong magulang pero lagi namang wala.
Nga pala bago tayo magkalimutan. Ako nga pala si Bianca Eunice Park. Half Korean ako. My Mommy is a Filipina, doctor sya sa isang sikat na Hospital dito sa Manila while may Daddy is a Korean and His a businessman, sa Korea sya base ngayon dahil nandun ang main company ng business namin. 16 years old na ako. May kuya ako nasa Korea kasama ang Daddy ko, 24 na si kuya at sya ang kasa kasama ni Daddy sa pagpapalago ng business namin.
Kaya ayon. Lagi akong nag-iisa sa bahay well may kasama naman ako si Manang, pero iba parin talaga kapag pamilya mo ang nakakasama mo. Hay drama.
END
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.