Bianca's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil nakasanayan ko ng magsimba every Sunday first mass. Ang first mass dito samin ay nagsisimula ng 5:00 kaya 4:00 palang gising na ako.
Naligo na ako at nagbihis.
Nag-pants ako at sa top is simpleng blouse tapos rubber shoes.
Ganito lang ang Sunday outfit ko. Tsaka didiretso narin ako mamaya sa school, kaya nag-confi outfit nalang ako para di dyahe.
At 4:50 tapos na ako mag-ayos kaya bumaba na ako.
"Goodmorning Manang." bati ko kay Manang na kasalukuyang naglilinis ng bahay.
"Oh Bianca, magandang umaga din hija. San lakad mo?" tanong nito.
"Magsisimba po. Ahm si Mommy po pala?" tanong ko.
"Nako tulog pa sa ngayon hija. Halos dalawang oras palang ang nakakalipas ng dumating sya." sagot naman niya.
Napatango nalang ako. Napapadalas ata ang pag-uwe ng late ni Mommy. Di kaya magkasakit sya sa ginagawa niya.
Anyways, nagpaalam na ako kay Manang at lumabas na tsaka sumakay sa kotse namin. Itetext ko nalang si Mommy na nagsimba ako at tutuloy na ako sa school.
Sakto lang ang dating ko sa simbahan. Naupo ako sa pinakagilid. Ako lang ata ang walang kasama kung magsimba kung sabagay, di naman yun issue sa Diyos.
Kasalukuyan akong nakikinig sa sermon ng Pari ng may marinig akong hagikgik. Diko nalang sana papansin kaso humagikgik ulit ito.
"Hihihi, ano ba baby wag kang maingay nasa simbahan tayo ahihihihi." malanding sabi ng babae.
Pasimple akong lumingon sa bandang likuran kung saan nanggagaling ang ingay. At putakteng yan, may naglalandian sa bahay ng Diyos. Juskopo!
Ang posisyon nila ay nasa dulo sila, bale iilan lang kaming nakaupo dito sa may pwesto namin. Ang iba ay nasa harapa. Tatlo lang kami sa likod kaya ako lang ang nakakapansin. Pusha!
Nakasiksik yung ulo (Head) ng lalaki sa babae na wari'y hinahalikan ito kaya siguro nakikiliti yung babae.
Napatingin sakin yung babae, kaya umayos sya at pinaayos niya rin ang kasama niya. Ako naman tumingin na ulit sa harapan.
Nakakahiya sila, di na nagawang gumalang sa Simbahan jusko. Ginawa pang motel ang simbahan. Sabihin nalang nila sakin kung wala silang pang-check in, handa akong magdonate wag lang madungisan ang Catholic church. Kairita sila.
Awa ng Diyos natapos ang misa na di na naulit yung naririnig ko. Lumabas na kasi sila, mukha kasing kating kati na yung lalaki kaya inaya na yung jowa niya. Ok, don't get me wrong! Hypothesis ko lang naman yun.
Anyways, pagkatapos ng misa nagpahatid na ako sa driver namin sa isang fast food chain malapit sa school para lalakarin ko nalang mamaya.
Maaga pa naman kaya kakain muna ako ng breakfast ko.
Umorder lang ako ng burger, spaghetti, pizza at coke. Hinintay kong iserve yung order ko kaya nagmasid masid muna ako.
Nakakita ako ng isang pamilyang kumakain sa malapit sa pwesto ko. Naalala ko noong nandito pa si Daddy at Kuya. Sabay sabay kaming nagsisimba tuwing linggo at kumakain sa isang restaurant. Haaaay, kailan kaya mauulit yun?
Napapansin kong, napapadalas ang pag-iisa ko. Di kaya kailangan ko ng maghanap ng kaibigan? You know, Eating buddy, travel buddy haaay pero imposibleng may maka-tagal sa ugali ko. Di naman masama ugali ko ok? Its just that, masyado akong moody at kung di ka sanay, siguradong isusumpa mo ako.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.