Chapter 21

1.5K 18 1
                                    

Bia's POV

Maaga akong nagising ngayon kahit na puyat ako dahil sa nangyari kahapon. Katulad ng nakasanayan ko ay nagbihis na ako para magsimba.

Siguro after mass nalang ako dadalaw kay Kevin.

Suot ko ngayon ang binili sakin ni Mommy na white dress na hanggang tuhod. Simple lang sya. Plain white kaya nagustuhan ko din naman. Nag-flat shoes lang ako  at yung buhok ko naman inipit ko lang ang bangs ko para kitang kita ang buo kong mukha. Hinayaan ko lang na naka-lugay ang mahaba kong buhok.

Kinuha ko na yung bag ko at pababa na sana ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa nun si Mommy.

"Mom." lumapit ako sakanya at humalik. Tiningnan ko ang suot niya. Naka-Sunday dress din sya kagaya ko, pero kulay pula naman ang suot niya. Di ito ang hospital outfit ni Mommy kaya nagtataka ko syang tiningnan. "May iba kang lakad today Mom?"

Umiling sya at ngumiti "Well, matagal na tayong di nagsisimba together kaya I fix my schedule para makasama sayo na magsimba ngayon." sabi niya. Natuwa ako sa sinabi niya "And nabanggit sakin ni Jeziniah na may balak ka pang bumalik sa Hospital kaya I decided na sabay na tayo pumunta dun mamaya."

Niyakap ko naman sya. Namiss ko talaga ang Mommy ko. Nasa iisang bubong lang kami nakatira pero mas marami kasi siyang oras na nauubos sa Hospital kesa dito, which is acceptable naman dahil profession niya yun.































After Mass, nagdesisyon kami ni Mommy na kumain muna ng breakfast sa fast food chain na pareho naming paborito.

We ordered spaghetti, burger, and coffee.

"Nga pala, yung designer ng dress na isusuot mo sa birthday mo is tumawag sakin kagabi. Meet daw natin sya sa boutique niya para masukat mo." panimula ni Mommy habang kumakain kami.

Napa-irap naman ako, akala ko pa naman nai-cancel na yung designer kuno na yan "Marami pa naman akong dress sa bahay na diko nasusuot Mom. Di naman natin kailangan gumastos." sagot ko tapos sabay kagat sa burger ko.

"Hija, hayaan mo nalang ang Mommy ha? Alam mo namang sa ganito nalang ako bumabawe sayo. Alam ko namang nagkukulang na ako ng time sayo kaya gusto ko kahit sa birthday mo lang ako ang punong abala." sabi naman niya.

Nakita ko naman kung gaano niya kagusto yun. Mukhang matagal na niya talagang gustong gawin to "Fine. Pero iwasan niyo ng isipin na nagkukulang na kayo sakin Mom, dahil diko naman iniisip yun sa ganung paraan." sabi ko nalang.

Nginitian lang ako ni Mommy tapos ay tahimik na naming itinuloy ang pagkain namin.













Habang nasa kotse  papunta sa Hospital.

"Baby, wala ka man lang bang idadala na kahit ano para sa kaibigan mo?" tanong sakin ni Mommy.

"Para saan Mom?" tanong ko.

Ngumiti si Mommy "Alam mo hija, ang pagbibigay ng mga simpleng bagay sa isang patient ay nakakapagpagaan ng loob nila. Kaya dapat kapag dumadalaw ka sa isang pasyente meron at meron kang dala na alam mong makakapagpagaan sa nararamdaman nila."

Tiningnan ko sya. Bat nga ba diko naisip yun? "Hmm, tulad ng alin Mom?"

"Tulad ng flowers." sabi niya.

"Mom, lalaki ang dadalawin ko. At wala syang hilig sa bulaklak kaya sigurado akong di siya matutuwa dun." sagot ko. Totoo naman ih, baka nga sumama pa ang loob nun kung bakit sa dinami dami ng pwede kong dalhin eh bulaklak talaga.

"Kapag importante ka sa isang tao, kahit maliliit na bagay na galing sayo, importante narin sakanila. Kahit na ayaw nila yun o di sila mahilig dun" sagot naman ni Mommy. "Ayan Hija, may nagtitinda ng bulaklak." turo ni Mommy sa batang may hawak ng bulaklak sa may kalye.

Hininto ni Mommy ang sasakyan at inutusan akong bilhin ang bulaklak. Inopen ko ang bintana ng kotse tapos ay tinawag ang bata.

"Bata, magkano yang roses mong tinda?" tanong ko sakanya. Magaganda at fresh na fresh ang tinda niya kaya natuwa din ako.

"50 pesos isa ate ganda" sagot naman niya. Nako nako! Nanguto pa! "Tatlo nalang ito ate ganda, bilhin niyo po para po makauwe na ako. Kailangan ko pa po kasing bumili ng bigas at iluto yun para makain ng mga kapatid ko." sabi niya.

Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Tingin ko ay Pitong taon palang sya  pero heto sya at nasa kalsada para kumita ng pera at may ipambili ng makakain nila. Hinugot ko ang 1000 sa bag ko at inabot sakanya yun.

"Eto oh! Kukunin ko na lahat" nakangiti kong sabu. Iniabot naman niya sakin ang bulaklak pero diparin niya inaabot ang bayad ko.

"Nako Ate, kulang po kasi ang pamalit ko sa pera niyo." medyo nahihiya niyang sabi.

Ngumiti naman ako "Hindi okay lang bata. Ipambili mo nalang ng bigas yung matitira, tapos bumili ka narin ng damit mo tignan mo oh, sira na ang damit mo. Mas magiging kumportable ka kapag maganda ang suot mong damit. Kaya sige na kunin mo na!"

Umiling naman sya "Pagagalitan po kasi ako ng Nanay ko kapag tinanggap ko yan Ate. Bilin po kasi niya ang wag manlamang sa kapwa."

"Hindi ka naman nanlalamang eh. Tsaka bigay ko to para sayo." pilit ko pero di parin niya ito kinuha, napahinga ako "Ganito nalang ha, ibibigay ko sayo ang address ko. Araw araw mo nalang akong padalhan ng bulaklak na ganito kagaganda hanggang sa quits na tayo." sabi ko nalang.

Ngumiti naman sya at kinuha ang bayad ko "Sige po ate ganda." sabi niya. Natawa ako ganun din si Mommy. Kumuha ako ng isang pirasong papel at isinulat dun ang address namin tapos ay binigay ko sakanya.

"Mag-iingat ka sa paglalako!" paalam ko, si Mommy naman ay nagwave sa bata.













Sa labas palang ng room na sinabi sakin kanina sa nurse station kung saan naka-admit si Kevin ay kita ko na si Louie na may kausap sa cellphone niya.

Hinatid ako ni Mommy hanggang sa room ni Kevin kaya kasama ko sya ngayon.  Saktong pagtapat namin sa pintuan ng kwarto ay sya namang lingon samin ni Louie na agad nagbabye sa kausap niya sa cp niya.

"Goodmorning President. Aga mo ah?" bati nito sakin. Nginitian ko sya.

"Gising ba sya?" tanong ko.

"Oo. Kakagising niya lang, si Lyca lang ang nasa loob kasama si Andrei. Pasok kana lang, nautusan kasi akong bumili ng pagkain eh." nagkakamot na sabi nito.

Tinanguan ko nalang sya.

Ako na ang nagbukas ng pintuan. Agad na napatingin samin si Andrei at Lyca na nakaupo sa sofa, napatingin ako sa hospital bed na bakante.

"Oh President. Pasok ka, nasa CR lang saglit si Kevin. Naglabas ng sama ng loob." si Lyca ang bumati samin.

Ngumiti ako at bumati, si Mommy naman ngumiti lang. "Ahm, Mommy ko nga pala. Ah, Mom this is Lyca one of my SSC colleague." pakilala ko "And sya naman po si Andrei, schoolmate ko. Barkada ni Kevin."

Bumati naman silang dalawa kay Mommy. "Its nice to meet you both. This is my first time na makakilala ng kaibigan ng anak ko. And I am very happy!" sabi ni Mommy.

"Mom.." pigil ko.

Natawa lang sya, ganun nadin yung dalawa

"Haaaaaay sa wakas, nalibas ko narin lahat." sabay sabay kaming napatingin sa bigla nalang sumigaw.

Kung nabigla kami sa paglabas niya sa CR mas nabigla sya ng makitang hindi lang si Andrei at Lyca ang nasa loob ng kwarto niya.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon