BIA's POV
Tumuloy ako sa office ni Sir Johnny ng makarating kami sa school. Hinatid pa ako mismo ni Kevin dito. Wala naman akong magawa kasi nasa kanya ang bag ko.
"Ahm, pwede ba kita ihatid mamaya sa bahay niyo? Please?" medyo nahihiyang tanong ni Kevin.
"You don't need too, may driver naman ako na magsusun--"
"But I insist. Pumayag kana, paano ko papatunayan sayo na gusto talaga kita kung di mo naman ako bibigyan ng pagkakataon?" he has a point. Bumuntong hininga ako.
"Fine. Hintayin nalang kita sa gate mamaya." sabi ko naman. Inabot ko ang bag ko tsaka ko siya nginitian "Thanks for the lunch and sa paghatid sakin dito." sincere kong sabi sakanya.
Tumango naman sya "Mauna na ako." paalam niya. Tinanguan ko naman sya.
"This meeting is about your incoming Senior Ball." panimula ni Sor Johnny.
Tumango ako. Senior Ball is a ball night para sa mga seniors sa school n ito. Hindi allowed pumunta ang mga Juniors pero pwede umattend ang mga tagalabas lalo na kapag ininvite sila ng mga Seniors na nag-aaral dito, like maging date nila ganun.
Ang alam ko masaya ang Senior Ball, well this is my first time to attend kasi kapag may ganito sa school di ako umaattend mas gugustuhin kong matulog kahit na ako ang School Campus President, di naman kasi kami pinipilit na pumunta. Pero ngayong taon, iba na. Hindi na ako exempted na di pumunta dahil ito na ang last year ko sa school na ito.
"The theme will be a masquerade Ball, dahil may inihanda kaming twist that night syempre kami lang nakakaalam na mga Admin." sabi naman ni Principal Stacey.
Kumunot ang noo ko "Even me? Hindi ko pwede malaman ang twist na tinutukoy niyo Ma'am?" tanong ko.
"Of course Bia. Wala ng Twist kung sasabihin namin sayo." nakangiting sabi ni Sir Johnny. Humagikgik naman si Principal Stacey, Okaaaaay? Ano nanaman ang plano nila?
"Excited na ako sa Ball! Kailangan gown ko, ang pinakamaganda"
"Gown lang? I will be the next Mystical Queen that night!"
Halos ng madadaanan namin ay tungkol sa Senior Ball ang pinag-uusapan. Lahat kita mong excited, well sino bang hindi? Chance na yun ng mga babae para magpa-impress sa mga crush nila para mayaya silang maging date nito.
"Sana si Kevin ang makadate ko that night!"
"Kyaaah, kahit si Andrei nalang ang sakin"
"Charles will be mine hihi"
"Ops, basta si Louie sakin ah?"
At ang mga ugok na yun ang pinakapinapantasya dito. Napailing nalang ako. Anyway, speaking of Kevin. Kailangan ko na pala syang puntahan sa may gate baka nandun na yun.
Naglakad na ako papunta sa gate ng makasalubong ko yung tatlo.
"President!" bati sakin ni Andrei na syang unang nakapansin sakin. Tinanguan ko sila at nilapitan.
"Si Kevin?" tanong ko.
Nagkatinginan naman silang tatlo "Uy, hinahanap si Kevin. Ano, inlove kana sa kaibigan namin no?" tukso sakin ni Charles.
Naramdaman kong pumula ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin.
"Mga baliw." sagot ko nalang "Hinahanap ko sya kasi, sya daw maghahatid sakin. Gusto ko ng umuwi kaya pwede ba sumagot nalang kayo?" sagot ko.
Natawa lang silang tatlo "Nasa Greenhouse si Kevin." si Andrei ang sumagot.
Kumunot ang noo ko "Anong ginagawa niya dun?"
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Fiksi RemajaThe ultimate troublemaker and the School Campus President.