Chapter 31

1.1K 13 9
                                    

Bia's PoV

"Ayan tapos na." nginitian ko sya pero bigla akong nailang ng makitang nakatitig lang sya sakin "B-bakit?" tanong ko.

"Wala lang, napapaisip lang ako. Ilang beses mo na bang ginamot ang mga sugat ko? Haha. Para tuloy nag-eenjoy akong makipambuno kapag ikaw ang mag-aasikaso sakin." Baliw talaga to. Binatukan ko nga "aw"

"Subukan mo pa ulit makipag away at talagang ako na ang bubugbug sayo." sabi ko naman sakanya.

Natawa naman niya tsaka niya hinawakan ang mukha ko "Okay Future Girlfriend"

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, jusko naman, ngayon pa ba ako kikiligin? Tsk wrong timing naman nakakainis! Umiwas ako ng tingin sakanya.

Biglang tumahimik hanggang sa naramdaman kong ipinatong niya sa balikat ko yung jacket na suot niya. Napatingin ako sakanya.

"Sa susunod wag kang aalis ng bahay na ganyan ang suot okay? Masyadong sexy, baka makapatay ako ng taong kanina pa tumitingin sayo." napatingin naman ako sa tinitingnan niya.

Nagkasalubong ang mga tingin namin nung waiter pero bigla syang tumalima ng alis.

"Bat ba kasi ang ganda ganda mo?" napatingin ako ulit kay Kevin.

Bigla nanaman akong namula sa tinuran niya. Narinig ko naman syang natawa.

"Haaaaaaaay! Tapos na ba kayo mag-ligawan jan? baka kasi gusto niyo ng umuwi? 2am na kasi at may pasok pa tayo bukas." Charles.

"Oo nga, bukas niyo na ituloy yan, masakit na ngipin namin kakapanood sa kabaduyan niyo." Andrei.

"Bahala kayo, basta ako gusto ko na matulog." Louie.

"Nangangamoy bitter!" Charles and Andrei to Louie.

At ayun, nagkulitan lang ulit sila. Para talagang mga bata tong mga to haaaaay!




Palabas na kami ng Bar ng biglang huminto si Kevin at hinawakan ang kamay ko kaya napahinto rin tuloy ako.

Kunot noo ko syang tiningnan. "Bakit?" takang tanong ko.

"Anong sinakyan mo papunta rito?" kunot noo niyang tanong sakin.

"Ah. Nagbike ako, ayun nga yung gam--"

"NAG-BIKE KA NG GANYAN ANG SUOT MO?" halos magulantang ako sa lakas ng sigaw niya. Kahit kailan ang OA niya. Ano bang masama sa suot ko?

Maikling short, nakasando tapos nakatsinelas. Bigla akong namula ng tingnan nila ako isa isa. Waaaaaah! Bat ba kasi di man lang ako nakapagpalit bago umalis ng bahay? Huhu. Kaya pala kanina pa ako nilalamig!

"Tsk. Hoy Andrei, pahiram ako ng Jacket mo!" Kevin to Andrei.

"Ha?"

"BILIS NA!" sigaw nanaman niya. Hilig niya sumigaw tsss.

Inalis naman ni Andrei yung jacket na soot niya tsaka ito binigay kay Kevin.

Akala ko kung anong gagawin niya, pero nagulat ako ng bigla niya akong hinila palapit sakanya tsaka niya itinali ang jacket ni Andrei sa Bewang ko. Dahil sa laki ng jacket sa size ko, ayun nagmukha lang Mahabang palda ang jacket sa legs ko. So ayun, balot na balot na ako isama pa ang mabangong jacket ni Kevin na suot ko ngayon.

"Ihahatid na kita sainyo, gamit yung kotse ko." bulong niya, tama lang para marinig ko.

"Hindi ko pwedeng iwanan ang bike dito. May sentimental Value sakin yan, baka mawala pa dito yan eh." Sabi ko naman. Regalo sakin yan ni Papa, bago sya umalis papuntang Korea. Yan ang pinaka-last na gift niya sakin na sya mismo ang nagabot sakin.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon