Chapter 2

3.3K 40 1
                                    

Bianca's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na galing sa bintana ko, nakalimutan ko nanamang ibaba ang kurtina kagabi.

Nag-inat inat muna ako bago tumayo. Tiningnan ko ang alarm clock ko. Bali kapag Saturday and Sunday diko ini-aalarm ang alarm clock, bakit? Simply as gusto kong masulit ang tulog ko kahit na dalawang araw lang.

Anyway 8:56 na pala, sakto lang ang gising ko. Pumunta ako sa banyo ng kwarto ko para maghilamos at mag-toothbrush narin. Pagkatapos magtoothbrush, suklay ng konte bago bumaba para mag-stretch ng konti sa may poolsite.

Nagbihis narin ako, naka-short shorts lang ako at sandong itim. House fashion ko yan.

Nakasalubong ko si Manang ng makababa ako, galing ito sa kusina.

"Oh Bia, ihahanda ko na ba ang breakfast mo?" tanong nito.

Umiling ako, "Maya maya na po ako kakain." sagot ko. Tumungo muna ako sa may kusina para uminom ng tubig.

Pagkarating ko sa poolsite namin sa backyard ng bahay nagsimula na akong mag-stretch. Konting Stretch sa kamay, Paa, ulo, at iba pa. Ginawa ko din ang Jump in Jack ng mga 32counts at nag-push-up din ako ng mga 16counts lang.

Mas maganda sana kung medyo mas maaga akong nagising at nagpapawis.

Naupo ako sa swing doon habang medyo hinihingal pa.

"Joyce??" rinig kong sigaw ng Mommy ko galing sa loob ng bahay. "Joyce anak, nasan ka?" sigaw ulit nito.

"I'm here Mom." sagot ko.

Maya maya pa ay nasa harapan ko na si Mommy.

"Hey, what are doing here? Are you going to swim at these time? Its too early anak." sabi nito "And sabi ni Manang, di kapa kumakain. You should eat your breakfast in a right time sweetheart!" mahaba nitong sabi.

"Mommy talaga. I'm not going to swim or what so ever kaya ako nandito ok? I'm here for my weekend exercises Mom. Tsaka kaya dipa ako nakakakain, kasi kakagising ko lang." sagot ko naman.

Bumuntong hininga ito. "Alright sweetie. Anyways, eat your breakfast na. At ako, aalis muna ako. Sigurado akong napakarami nanamang pasyente sa Hospital!" sagot nito.

Sabay na kaming pumasok sa bahay ni Mommy.

"Hindi mo ako sasabayan sa pagkain ng breakfast Mom?" tanong ko.

"Not today anak, nagmamadali kasi ako tsaka on diet ako eh. Sige na hija, mauuna na ako." sabi nito tsaka ako hinalikan sa pisngi.

"Ok, ingat ka Mom!" sagot ko.

"I will. At ikaw maligo kana, bawal matuyuan ng pawis ok?" sabi niya. Tumango ako.

"Ah wait Mom!" pigil ko ng akma na syang sasakay sa kotse niya, naalala ko yung birthday ni Lyka.

"Yes?" tanong.

"Birthday po kasi ng co-SC ko ngayon. She invited to their house, can I come?" tanong ko.

"Alright. Basta wag kang masyadong gagabihin ok? Then, text moko kung paalis kana ng bahay." sagot niya.

Nginitian ko sya, at tumango then she wave goodbye.

Pumasok na ulit ako ng bahay.

"Manang, pahanda naman po ng breakfast. Maliligo lang ako sandali." pakiusap ko kay Manang.

"Osige hija." sagot naman ni Manang.

"Thank you po." sagot ko tsaka ako tumakbo paakyat.







2:30 na ng hapon kaya, minabuti kong magbihis na baka mamaya early bird pala si Maica. Ayoko pa naman sa lahat yung nagpapahintay na akala mo kung sinong VIP.

Nag-jeans lang ako, yung high-waist 5botton. Then sando blouse na white, tinack-in ko ito tapos ay pinartneran ko lang ng black rubber shoes para mas confident gumalaw galaw.

Kinuha ko yung shoulder back kong maliit na kulay white. Nilagay ko yung phone ko at wallet. Pagkatapos ay tsaka ako humarap sa salamin.

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok, pagkatapos ay pinatuyo ko gamit yung blower. Nung tuyo na tsaka naman ako nag-pony tail ng isa. Nagpowder lang ako at konting lipgloss tsaka nag-suot ng simpleng hikaw at wristwatch. Ok na ako.

Pababa na ako ng hagdan ng may magtext.

FROM: MAICA
Hey Bia, punta na ako sa bahay niyo. See yah!

Nireplyan ko lang sya ng ok pagkatapos ay binalik ko na ang phone ko sa bag ko.

Naupo muna ako sa sofa habang inaantay si Maica.

Maya maya pa ay may nag-doorbell na. Ako na ang lumabas dahil sigurado akong si Maica na yun.

Paglabas ko si Maica na nga. Nakasuot ito ng dress. Mahilig sya magdress, medyo kikay kasi siya di kagaya sakin. Naka-light make-up.

"Hey Bia!" masigla nitong bati.

Nginitian ko sya tsaka ako lumabas ng gate.

"Tara na?" sabi nito. Tumango naman ako pero napahinto sya ng makitang may hawak ako.

"Uy. Bumili ka parin ng regalo mo?" tanong nito.

"Ahh. Oo, minsan lang naman hehe." sagot. Oo nagpabili ako kay Manang kanina ng simpleng wristwatch lang. Nahihiya kasi talaga akong pumunta na walang kahit na anong dala.

"Haha siguradong matutuwa si Lyka. Tara na!" sabi nito.

Sumakay na kami sa kotse nila Maica. Nasa kabilang subdivision kasi nakatira sila Lyka kaya medyo malayo.







After 45mins na byahe, buti nalang di gaanong traffic kundi baka inabot pa kami ng 1 at ½ oras.

Malaki din ang bahay nila Lyka. Ang alam ko parehong businessman/woman ang parents niya.

Pumasok na kami sa bahay nila. Medyo marami rami ang bisita niya. Di ganun kabongga ang birthday niya, pero maraming handa. Akala ko nga OP ako kasi karamihan sa bisita niya ay naka-dresses, pero merong iilan na naka-pants kagaya ko. Phew!

"Maica! President!" tawag samin ni Lyka ng makita kami. Yes, they used to call me President in or out of the campus.

Lumapit kami sakanya. Unang bumati si Maica.

"Oh my god your too beautiful today. Haha Happy Birthday Ly!" bati nito tsaka sya bumeso.

"Awww thank you Haha. Thanks sa cake ha! Alam kong ikaw nanaman may pakana haha." sabi naman ni Lyka.

"Hahaha of course!" sabi naman nito.

Ako naman ang lumapit kay Lyka.

"Happy birthday Lyka. Thank you for inviting me." bati ko

"Haha your welcome President. Ano kaba, pamilya tayong SC kaya dapat lang na counted na na kasama ka dito sa konting salo salo ko haha. Well thanks sa pagpunta!" mahaba nitong sabi tsaka ako niyakap.

"Ah nga pala, here. Birthday gift ko for you." tsaka ko binigay sakanya yung regalo ko.

"Aw thank you President!" sabi nito tsaka ako niyakap ulit.

"PINSAAAAAAAAAANNNN!" napalingon kaming lahat sa sumigaw.

-____________________-

Bat kailangan kong makalimutan na magpinsan si Kevin at Lyka? Takte, sana pala di nalang ako nagpapilit kay Maica. Siguradong di ako mag-eenjoy ngayon Haaaaaay.

END

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon