Chapter 12

1.6K 25 0
                                    

Bia's POV

"For Pete's Sake Mom, 17th Birthday ko palang yun. Sabi mo Simple Party lang! Eh bat may pa-planner pa?" Nakasimangot kong bulong kay Mommy.

Eh paano ba naman, kaya pala niya ako pinapunta dito dahil nandito yung kinontak niyang Party Planner. Tsk! Ang ini-expect ko lang is formal Party, yung tipong walang paganito! Ghad! I'm not into Parties, because I promote SILENCE!

"Eh once a year lang kasi mag-birthday ang baby girl ko eh kaya dapat palaging glamorous!" naka-pout na sabi ni Mommy. Alam kong di halatang matanda sa itsura ang Mommy ko, pero ang makitang mag-pout ang Nanay mo? Gosh!

"Pumayag ako sa Party Mommy. Okay tayo sa pa-dress na sinasabi mo. Pero ang manguha ka ng Party Organizer at Designer ng isusuot ko? OA na Mom!" reklamo ko "It isn't my Debut! Okay sana kung debut ko na, eh ang problema hindi pa!" sabi ko pa.

Biglang lumungkot ang mukha ni Mommy. Eto nanaman po tayo "Eh ang gusto ko lang naman ang maging masaya at special ang anak ko sa birthday niya" binitawan niya ang kamay ko "Pero she didn't appreciate it! Ang sakit sa Heart!" nagkunwari pa syang umiiyak.

Aaaaaah! Sabi ko nga papayag na ako eh! KAINIS! "Fine. Do what you want! Do what makes you happy Mom! Pumapayag na ako!" pilit na pilit na sabi ko.

Mabilis namang lumapit sakin si Mommy na may ngiting wagi "Talaga? Omo! Guys, bilisan niyo ng sukatan ang anak ko ng gawan niyo sya ng napakagandang damit! Dali naaaa baka magbago nanaman isip nito eh!" sabi ni Mommy.

Dali dali namang lumapit sakin yung babaeng, isang sikat na designer. Ang alam ko mga artista lang ginagawan nito ng damit? Paano kaya nakilala to ni Mommy?



"I'm sorry. Nangulit pa kasi si Mommy kaya medyo nalate ako. Sorry Lyca!" paghingi ko ng tawad kay Lyca, 10minutes late na ako sa usapan namin dahil kay Mommy.

Pinapili niya pa kasi ako ng mga ihahandang pagkain pati narin ang magiging cake ko. Yung totoo? Debut ko ba o kasal ko? May pa-catering eh tapos may pa-motif pa si Mommy! Buti nalang pumayag na alisin na ang motif na yan!

"Nukaba President, okay lang yun. Maaga pa nga tayo kasi 2:00 simula ng Party ni Lolo." natatawa namang sabi ni Lyca, tsaka kami sumakay sa Lincoln Uber na pag-aari nila. "You looked stunning as ever President. Maganda kana dati pa, mas lumala nga lang ngayon." seryosong sabi niya.

"Tsk. Di nga eh." sabi ko tapos ay pinasadahan ko sya ng tingin "You are the one who looks stunning." I smile. Naka-purple dress siya ngayon na off shoulder. Maganda ang katawan niya at talaga namang matutulala lahat ng lalaking makakakita sakanya lalo na sa ayos niya ngayon.

Sa aming tatlo nila Maica na well tinuturing kong groups of friends eh si Lyca ang pinaka-Goddess. Sya yung simpleng Kikay, while Maica is super kikay at ako naman Simple lang walang kakikay kikay. Kumbaga si Lyca ang balance samin.

"Oh its Andrei, Louie and Charles!" napatingin ako sa labas ng kotse kung saan nakaturo si Lyca.

Nakita ko naman ang tatlong unggoy na nakaporma. Naks! Mukhang invited din sila at di ngayon palang sigurado akong di ako mageenjoy sa Party na yan. I sigh.

"Manong, please stop the car!" may respetong utos ni Lyca sa driver kaya gumilid ang kotse at huminto sa harapan ng tatlong unggoy. "Andrei!" tawag pansin niya sa tatlo na nakatingin sa kabilang bahagi ng highway. Parang may inaantay.

"Oh Lyca, ikaw pala." sabi ni Andrei with matching rosy cheeks! Oh c'mon something fishy huh?

"I remember, Kevin invited you on our Lolo's birthday? How come nandito pa kayo?" tanong ni Lyca. Kung nagtatak kayo kung bakit di pa ako napapansin ng tatlo is dahil nagtatago talaga ako. Baka mang-asar nanaman sila. Dipa naman ako confident ngayon dahil sa ayos ko.

"Actually, were on our way na eh. Nasiraan lang kami. Dinala ng driver ko yung kotse sa talyer. Kaya eto kami nag-aantay ng taxi." si Charles naman ang sumabat.

"Ah. If you want, sabay na kayo samin. Papunta narin naman kami." Lyca

Shocks! Di yan magandang ideya Lyca!

"Nako, nakakahiya naman Lyca. Mag-aantay nalang kami" Andrei

Oo Andrei! Mag-antay nalang kayo kasi di talaga magandang ideyo kung sasabay kayo tsk!

"No I insist! Sige na! Manong pabukas ng passenger seat jan na ako uupo tapos kayong tatlo dito na kayo sa tabi ni President." Lyca

Omaygad! Pwede namang dito ka nalang Lyca! iiwanan mo talaga ako dito sa backseat? huhuhu.

"Oh? Hi President! Woah! Ganda natin ah." sabi ni Charles na syang naunang naupo. So sya ang katabi ko. I smiled bitterly

"Halla- ikaw ba yan? Ang ganda mo pala kapag babae ka President!" Andrei. I gave a deadly glare to him

"Matagal na akong babae." may irap na sabi ko.

"Mukha kasing hindi Eh." its Louie na huling pumasok pero di siya nakaligtas ka hampas ko! Badtrip to ah! "Aray! Ma-pisikal talaga!" reklamo niya.

Tinaasan ko sya ng kilay. Tapos ay buong byahe na akong di umimik. Si Lyca naman ay natatawa lang kapag inaasar ako nung tatlong unggoy!Wag niya akong sisisihin kung mabatukan ko din siya ng minsan.










"Sa wakas nandito na tayo sa Heaven!" napatingin ako sa paligid ng sabihin yan ni Andrei.

Napa-wow ako ng bumukas ang malaking gintong gate na may naka-engrave na malaking 'PROPERTY OF LEE'. Matagal ko ng alam na mayaman sila pero I didn't expect na ganito sila kayaman.

Pagbukas ng malaking gate ay bumungad samin ang nagtataasang puno at naggagandahang mga bulaklak. Ang lawak ng lupain Mygahd! Binuksan ko ang bintana para mas ma-feel ang hangin. At lalo akong namangha dahil sa sobrang peaceful ng lugar.

Maraming iba't ibang uri ng puno at mga halaman. Malilim ang lugar. Yung mga damo is pantay pantay sa pagkaka-gupit. Tanging ang daan lang ang sementado. May iilang bench sa ilalim ng mga puno. Pero ang talagang nakahagip ng tingin ko ay isang magandang Gazebo na may puting kurtina na nililipad ng hangin. Sa tabi nito ay dalawang malalaking puno ng Narra na may nakasabit na duyan. Tapos sa likod naman ng Gazebo ay isang parang maliit na pool. Gaaaaaad! Kanila ba talaga to? Bakit parang Private resort?

Naramdaman kong huminto ang kotse kaya napatingin ako sa harapan. Nakita ko ang dalawang gwardiya na nagbukas ng isa pang gate kung saan kita ang isang malaking mansyon as in Mansiyon talaga sya ! Ang gandaaaaaaaa!

Feeling ko nasa isang fairy tale ako at may dadaluhan akong ball kaso di akma ang suot ko. Dapat pala nag-gown ako! Umikot ang sasakyan sa malaking fountain. As in malaki sya na may anghel sa tuktok na syang nagbubuga ng tubig. Ang gandaaaa! Feeling ko gusto ko ng tumira dito huhuhu. I-rerequest ko talaga kay Mommy at Papa na magpalagay din ng ganito sa bahay tapos magtanim mas marami pang puno.

Huminto ang sasakyan namin sa harap ng Mansyon. Tapos merong dalawang katulong ang nasa pintuan.

Bumaba na kami ng sasakyan. Tinulungan ako ni Charles na bumaba, tinanggap ko naman yun dahil naooverwhelmed ako sa paligid at in fairness mukhang babawiin ko ang sinabi kong di aki mag-eenjoy. Dahil ngayon palang nageenjoy na ako Hahaha

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon