Chapter 15

1.7K 22 2
                                    

Bia's POV

"Yo, beautiful ladies!" si Charles ang unang bumati. Teka may kasalanan pa pala to sakin. Tumayo ako at ambang lalapit palang ako sakanya ng pumunta sya sa likuran ni Kevin na parang alam niyang susugurin ko sya. "Woah! Ano nanamang kasalanan ko?" takang tanong niya.

"Bakit mo sinabing ...." napatingin ako kay Kevin, hanggang ngayon di pa ako sanay na ganyan sya kagwapo-este kung tumitig sakin. "B-b-boyfriend ko tong si K-Kevin!" lakas loob kong tanong.

"Eh bat ka nag-stutter?" natatawang asar naman ni Andrei kaya sinamaan ko sya ng tingin

"eh bat kaba nakikisali ha? Gusto mong makaltukan?" umamba ako sakanya pero lumayo din ito at pumunta sa likod ni Kevin.

"Papayag ako kung hahabulin moko! Hahaha" natatawang sabi niya kaya sa inis ko. Pinilit kong hablutin sila ni Charles ng di nasasanggi si Kevin na pinang-haharang nila na tawa ng tawa.

"Hoy unggoy umalis ka nga jan sa harapan at iharap mo sakin yang mga gorilla mong kaibigan! Kanina pa yang mga yan eh!" inis na sigaw ko kay Kevin. Pero di siya natinag at tinitigan lang ako "A-ano ba! Wag ka ngang tumitig ng ganyan!" sabi ko.

Ngumiti siya at lumapit sakin ako naman humakbang patalikod. Nung huminto sya sa pag-abante, huminto din ako. Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sakin.

"Bakit President? Naiinlove kaba?"

and with that question. Parang magic na sya lang ang nakikita ko. Biglang nag-blurred ang paligid at ang mukha niya lang ang malinaw. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga, amoy ko din ang pabango niya pati narin ang freshness na nanggagaling sa buhok niya.

*lubdublubdublubdub* halo halo na ang nararamdaman ko. Di ko na maintindihan kung ano ba yung parang maliliit na lumilipad sa loob ng tiyan ko. Nakikiliti ako, kinakabahan ako at lakas lakas ng pintig ng puso ko.

Kevin, ano ba tong ginagawa mo sakin? Ano to? Kailangan ko nabang magpa-admit sa Hospital?

"President! Are you okay?" tiningnan ko si Lyca na biglang sumulpot sa tabi ko habang nakatingin sakin ng nag-aalala

"Ha?" diko alam kung paano mag-rereact! Tiningnan ko si Kevin na nasa kabilang side na ng pool kasama yung tatlo. Napapikit ako ng mariin. What was that? Nag-hallucinate lang ba ako?

"Ano ba yung sinabi sayo ni Kevin at bigla ka nalang jan natulala?" tanong ni Lyca sakin.

Tinitigan ko sya as in. Gustong iproseso ng utak ko ang lahat pero masyadong distracted ang brain ko sahil sa pintig ng puso ko.

"Hoy! Are you okay? I'm really worried!" Yugyog muli sakin ni Lyca, and with that para akong nabalik sa katinuan ko.

"A-ah oo naman hehe. Ano, medyo maiinit lang kaya ahm, upo muna ako dun! Sige!" paalam ko. Nakita kong napatingin sa paligid si Lyca at parang nawiwierduhan sa sinabi ko. Kasi di naman mainit eh! Huhuhu ang tanga ko talaga na mag-alibi!
















"Hey Guys!" napatingin kaming lahat sa kakarating lang na si Doc Kyle. Sa Gazebo kung saan kami nakaupo ni Lyca sya tumuloy at kinawayan lang ang mga lalaki sa may kabilang pool side kung saan nagkukwentuhan sila habang naglalaro ng ewan ko kung anong tawag dun, Scrabble ata.

"Oh bat di kayo makisali sa laro nila? Mukhang masaya pa naman. Tara ! Bond tayo!" aya niya samin ng makalapit.

"Anong games? Pang-apat lang ang Scrabble kaya di na kami nakisali" sagot naman ni Lyca.

"Ako bahala! Tara!" napatingin sakin si Kyle at umiling ako "Tsk! Halika na!" nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Hawak parin niya ang kamay ko hanggang sa makalapit kami sa mga lalaki.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon