Chapter 32

1K 8 7
                                    

Bia's POV

Maaga akong natapos sa pagbabantay ng gate, himala nga at aanim ngayon ang naging pasaway.

Inayos ko na agad ang mga gamit ko at inilagay ito sa bag ko.

"Kuya Guard mauna na ako. Salamat sa alalay!" paalam ko kay Kuya Guard.

"Ay oo nga pala Miss Bianca. Meron palang nag-iwan nito sayo, pinabibigay." kinuha ko naman yung paper bag na iniabot sakin ni Kuya Guard.

Bigla akong nakarinig ng kabog sa dibdib ko. Parang bigla akong naexcite sa kung kanino galing to. Nakita ko ang tatak ng paper bag, Blue magic.

Waaaaaah! Ano kayang klaseng teddy bear to? Yiiie naeexcite ako.

"Kanino galing yan?" napatingin ako sa nagsalita. Hindi agad ako nakasagot.

Bat...Bat ang pogi niya sa uniform? *gulp* feeling ko namumula na ako ngayon.

Lumapit sya sakin ng nakakunot ang noo, halaaa bat kaya highblood nanaman to?

"Kanina kako galing yan?" ulit niyang tanong na nakapagpabalik sakin sa realidad.

"Ah.. eh, hindi ba sayo?" mukhang tanga lang yung tanong ko. Malamang hindi sakanya, kaya nga tinatanong niya diba?

"Kung bibigyan man kita ng teddy bear, yung human size na. Yung tipong pwede mong yakapin kapag namimiss moko." halos mamula ako sa banat niyang yun. Parang gusto ko bigla sumigaw sa kilig. Oo na! Ako na kinikilig! Ikaw kaya banatan ng ganyan ng pinaka-gwapong lalaki sa campus niyo? Hindi ka kaya mahimatay?

Inagaw niya bigla yung paper bag na hawak ko at binasa yung maliit na card doon.

Tiningnan ko ang pagbabago ng reaksyon niya. Noong una ay kumunot ang noo niya pero ngumiti naman sya, yun nga lang parang asar na asar ang ngiti.

"Hindi ko alam na close pala kayo ng pinsan ko." ramdam ko ang pagka-sarcastic ng tono niya.

"Ha?" tanong ko.

"Tss. Oh! Para sayo daw, PRINSESA NIYA! TSSS." halos pagdiinan niya ang salitang Prinsesa niya, ng ibalik sakin ang paper bag.

Binasa ko naman yung card at halos lumuwa ang mata ko ng mabasa ang nakalagay dun.

Para sa pinakamagandang Prinsesang nakilala ko. Bianca Eunice Park.
- Kyle

Take note, sya lang ata ang kilala kong Doctor na maganda ang Penmanship.

Teka, ano naman kaya ang nakain ng isang to at nagbigay pa sya ng ganito sakin? Bahala na nga, mamaya ko nalang iisipin.

Pansin ko lang, bakit parang disappointed ako na hindi si Kevin ang nagbigay nito?

Iniling ko nalang ang ulo ko. Haaaays.

"Bia!" napalingon ako sa tumawag sakin pagkarating ko ng school. Nakangiti akong kinakawayan ni Maica katabi nito si Lyca na nakangiti rin sakin.

Lumapit ako sa kanila "Anong meron?" takang tanong ko ng mapansin kong sakin sila nakatingin lahat.

Lumapit sakin si Maica tapos aymay pinakita sya saking Black and gold na papel na tingin ko ay invitation.

"Thank you for inviting us on your birthday President! Super saya naming lahat kasi ngayon ka lang nag-invite sa birthday mo. Karaniwan kasi, ilag ka samin eh. " Maica.

Invitation? Oh c'mon pakana nanaman ba to ni Mommy? Diba ang usapan namin ako nalang amg-iinvite? Ano ba naman yan.

Nginitian ko sila "I will be expecting all of you on my birthday. Sana makapunta kayong lahat."

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon