Chapter 14

1.5K 23 0
                                        

Bia's POV

"Yo, Lolo. Happy Birthday!" ang akala ko ay hahalik ito sa pisngi ng Lolo niya at yayakap pero nagulat ako ng mag-bless ito sa Lolo niya.

Ngumiti naman ang Lolo niya at niyakap si Kevin. Pagkabitaw nila ay bigla syang napatingin sakin pero ewan ko ba kung bakit ako ang unang nag-iwas ng tingin. Feeling ko naco conscious ako sa presence niya.

"President, magbless ka naman sa future Lolo mo!" si Louie ang nagsalita tapos ay tinulak ako, dahil sa lalim ng iniisip ko muntik na akong ma-out of balance buti nalang at nahawakan ako ni Kevin sa braso. Bigla akong nakaramdam ng kuryente ng magdikit ang skin naman. Ano bang nangyayare at ganito ako magreact?

Tumingala ako at tiningnan sya. Ewan ko kung bakit pero bigla akong namula ng makita kung gaano kami kalapit sa isa't isa.

*LubdubLubdub* Omygad! Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong pumintig ng mabilis.

"Ayiiiiiiie!" pareho kaming napatingin sa tatlong bugok at kay Lyca, sinamaan ko sila ng tingin kahit na namumula ako at tsaka ako umayos ng tayo. Nakita kong natawa si Doc Kyle at Parents ni Kevin. Ang Lolo naman niya ay nakangiting nakamasid samin kaya naconscious nanaman ako.

"H-happy Birthday p-po Mr. Lee." pinilit kong papormalin pero diko magawa dahil ma-bilis parin ang pagpintig ng puso ko.

"Thank you Hija!" sabi nito tsaka ako niyakap, ewan ko pero komportable yun siguro kasi diko narasanang magkaroon ng Lolo.











Nakakabinging katahimikan ang namayani ng magsimula na kaming kumain. Sanay ako sa bahay na tahimik kumain dahil yun ang nakasanayan sa bahay. Pero this time parang gusto kong isumpa ang nag-pauso nito!

Di ako komportable sa kinauupuan ko paano ba naman kasi ganito ang upo namin.

Si Lolo (Yes sabi niya lolo na itawag ko sakanya) ay nasa pinaka-harapan ng lamesa. Sa kaliwa nito ay si Doc Kyle, Ako, Kevin, Charles, Andrei at Louie. Sa kanan naman ay si Lyca, si Lokey (Baby Brother ni Kevin na super cute.) tapos ay si Tita, Tito (He insist it okay?).

Marami ang nakahain na pagkain at lahat sila masasarap. Pero diko maenjoy kasi bukod sa di ako kumportable na katabi ko ang dalawang ito, conscious pa ako kung bakit ba ako tinititigan ni Lokey.

Simula ng dumating sya dito kasama ang tuta niya ay palagi nalang syang nakatitig sakin. Ewan ko kung bakit kasi masyado syang tahimik.

"Hoy Lokey, wag mo ngang titigan ng ganyan si Bia!" napatingin kaming lahat kay Kevin na nagsalita. Napansin din pala niya, pero teka ngayon ko lang narinig na tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Bakit bawal ba?" this time napatingin naman kami kay Lokey na cool lang tapos ay tinitigan ulit ako. Sa sobrang cute niya napa-smile ako, at lalo syang naging cute ng mamula ito at nag-iwas ng tingin.

"Oo bawal." casual na sabi ni Kevin.

"Bakit? Diko ba pwedeng titigan ang babaeng ... Papakasalan ko kapag lumaki na ako?" napalaki ang mata ko ng sabihin yun ni Lokey.

Nabulunan naman ang karamihan kasama na si Kevin. Natawa naman sila Tito at Tita ganun din si Lolo, kalaunan ay natawa narin ako. Tanging si Kevin lang ang seryosong nakatingin sa kapatid niya.

"At gaano ka naman kasiguradong papakasalan ka niya?" hamon na tanong ni Kevin.

"Edi bubuntisin ko nalang sya para pakasalan niya na ako agad." nanlaki ang mga mata naming lahat. To think na 7 years old palang sya! Gosh!

"Lokey! Saan mo ba natutunan yan?" Suway ni Tita "Sorry hija." nagsmile naman ako kay Tita.

"O-okay lang po." sagot ko.

Napapout naman si Lokey tsaka nagsalita "Titigilan ko lang si Bianca kapag napangasawa mo na sya kuya!" Lokey.

Nagkatinginan kami ni Kevin tapos ay sabay kaming namula. Pwede bang pumatol sa bata? Sige na kahit isang kaltok lang oh! Plsss?

Napayuko ako sa hiya bat ba di sila maghanap ng mapag-titripan? Bat ako? Huhuhuhu. Ayoko na, Mommy! Uuwe na ako! huhuhuhu.








Natapos kaming kumain ay iginala ako ni Lyca sa may Poolside ng Mansyon. Yung nakita ko kanina na may Gazebo? Mas maganda sya sa malapitan. Inaya niya ako para magpahangin dahil sa dami ng nangyari kanina

Medyo malayo sya sa mansyon pero di nakakapagod maglakad dahil bawat makikita ng mata mo eh talagang naaalis ang pagod mo.

Naupo kami ni Lyca sa may gilid ng pool. Di mainit dito dahil maraming puno. Tinatangay din ng hangin ang buhok namin. Pareho kaming nag-alis ng sandals ni Lyca at isinawsaw ang paa sa pool. Parang gusto ko tuloy mag-swimming.

"Mukhang buong pamilya namin gusto ka President." napatingin ako kay Lyca.

"Huh?"

"Haha, botong boto sayo sila Tita at Tito lalo na ang Lolo. Ang kailangan mo nalang ay mamili ng mapapangasawa mo na parte ng pamilya namin hahaha." natatawang sabi ni Lyca. Natawa din ako.

"Sira." maikli kong sagot.

"Alam mo, ikaw ang kauna unahang nagustuhan na babae ng pamilya namin syempre bukod saming mga apo. Lalo na si Tito Luis at Lolo." pagkukwento niya, napatingin ako sakanya "Pati nga si Arabella ay di pumasa sakanila."

Napakunot ako ng noo "Arabella?" tanong ko.

Napatingin sakin si Lyca tapos ay ngumiti "Arabella Marquez, ang babaeng minsang kinabaliwan ng isang Kevin Lance Lee." patuloy niya.

May naging kasintahan na pala sya? Wala sa itsura ah? Parang sya kasi yung taong YOLO masyado at di sumiseryoso.

"Maganda, galing sa kilalang pamilya, matalino pero di ganun kaganda ang ugali." patuloy ni Lyca. Sino ba naman kasi ang may gusto sa taong pangit ang ugali? "Mahal na mahal yun ni Kevin. Lahat ng gusto ni Bella, binibigay niya ultimo nga kaluluwa niya gusto niyang ibigay kay Bella eh."

Nagulat ako. Ganun magmahal ang isang Kevin Lee?

"Pero tutol si Tita at Tito sakanya. Feeling kasi nila is ginagamit lang ni Bella si Kevs. You know, para makuha ang lahat ng gusto niya ganun. Pero dahil tinamaan nga ang lintek na lalaki, di siya nagpapigil. Hanggang sa nahuli niya mismo si Bella na may kahalikang iba."

Napatakip ako ng bibig. Nako! Nanggigigil ako sa babaeng yan!

"Halos mamatay sa pagmamakaawa noon si Kevin. Nawala sakanya ang lahat. Yung saya sa mata niya yung mga tawa niya, yung totoong Kevin. Ganun magmahal si Kevin, kaya nga natatakot kami na mangyari ulit yun sakanya. Feeling ko kasi sariwa pa ang sugat na yun sakanya." nalungkot ako at the same time naawa sakanya. Kaya ba, naging bully sya para takpan yung kungkot na nararamdaman niya?

"Kaya sana minsan pagbigyan mo nalang sya na mang-asar hahaha. Pero kapag sumobra, sapukin mo na hahaha." tumatawang sabi ni Lyca kaya natawa narin ako.

"Hmm. Asan na yung Arabella?" tanong.

"Ang alam ko, nasa States na sya."

"Ahh, nagkausap ba sila ni Kevin after mangyari yun?"

"Yah. Kasama ako nun ni Kevin together with Andrei. Pinuntahan namin si Bella sa bahay nila dahil gusto syang makausap ni Kevin pero pinalayas nya lang kami. Hanggang sa unti unti napagod nalang sya." malungkot na kwento niya "Malaki nga ang pasasalamat namin kila Andrei kundi dahil sa kanila baka dipa nakakabalik si Kevin sa kung sino sya ngayon. Ginawa talaga nila ang lahat para maibalik ang kaibigan nilang nawala."

With that napatingin ako sa apat na lalaking papunta dito sa kinauupuan namin ni Lyca. Nagtatawanan sila at nagbibiruan.

Nakita ko kung paano tumawa si Kevin, dati naiinis ako kapag tumatawa sya dahil bully sya pero ngayon alam ko na ang kwentong yun, narealize kong deserve niya ang tumawa. Ang maging masaya.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon