Bia's POV
Tinitigan ko ang chocolates na hawak ko ngayon at diko maintindihan kung bat ako nangingiti ngayon.
Papasok na ako ng school kanina ng biglang ihabol sakin ni Manang ang chocolate na hawak ko ngayon.
Goodmorning Bia. Ingat ka sa pagpasok, sana mapangiti kita dahil sa maliit na regalo ko.
- Kevin❤Basa ko ulit sa letter na naka-attached sa ibabaw ng box ng chocolates.
Ewan ko ba pero di ko itatangging kinikilig ako. Seryoso ba talaga syang liligawan niya ako? Tsk. I'm still confuse.
"Ma'am Bia, nandito na po tayo." Napatingin ako kay Manong Driver at tsaka ako tumingin sa labas.
Sa lalim ng iniisip ko diko alam na kanina pa pala kami nasa harap ng school. Itinago ko sa bag ko yung chocolates at tska ako bumaba ng kotse..
Deretso agad ako sa gate kung saan marami na ang naka-pila para pumasok. Karamihan sa kanila ay di pinapasok ng guard dahil narin sa mga nilabag nilang rules.
"Good morning Bia." bati sakin ni Kuya guard. Nginitian ko siya "Mabuti naman at nandito kana, naku. Kanina pa ako napapagod makipag-usap sa mga to."
"Ako na bahala dito kuya." sabi ko naman. Inilapag ko sa lamesang maliit ang bag ko at tska ako nagtungo sa harapan ng gate.
"Hindi niyo pa ba kami papapasukin? Gosh, ang init init kaya dito!" reklamo nung babaeng mukhang espasol together with her julalay. May pabrika ba sila ng polbo?
"Kung ayaw mong naiinitan edi sana nagsuot ka man lang ng mahaba habang palda Miss. Ano? Kinulang ba ang mananahi niyo ng tela panggawa jan sa palda niyo?" tanong ko.
Kalma lang Bia. Unang student palang yan.
"Hello? Di naman kami manang para magsuot ng mahahabang palda." Julalay 1
"Hello?" gaya ko sa boses niya "Hindi ko naman sinabing hanggang talampakan ang gawin niyo no? Alam niyo ang rules ng school na to! Bago pa kayo mag-enroll dito na-orient na kayo na below the knee ang palda!"
"Eh ano bang pinagkaiba. Eeh palda parin naman to?" Julalay 2
"Bastusin kasi tignan te. Maupo ka nga lang jan makikitaan kana eh. Basta, rules is rules! Kung gusto niyong papasukin ko kayo pumirma kayo dito sa notes ko at magkita kita nalang tayo sa reflection room!"
Inirapan lang ako ng tatlo tsaka sila nagsisulatan ng pangalan nila sa notes ko. Good.
Binilang ko ang mga pangalan na nailista sa notes ko. 8 Juniors at 5 Seniors. Total of 13 students. Itatago ko na sana yung notes ko sa folder ko ng parang bigla akong may naalala.
Teka, parang may mali? Parang may kulang.
Habang nag-iisip ay kinuha ko na yung bag ko at binitbit iyon. Pero napatigil ako ng masilip ko yung box of chocolates sa loob.
Tiningnan ko ang wrist watch ko 7:15, wag mong sabihing late sila? Teka, pero sabi ni Manang maaga daw na idinaan itong chocolates sa bahay ah?
"Kuya Guard!"
"Oh, may kaylangan ka pa ba Bia?" tanong naman niya.
"Ahm hehe... Kuya wala naman po kayong napapasok kanina na, alam niyo na kuya..." nahihiyang tanong ko.
"Hmm, wala naman Bia. Alam mo namang, kampi tayo." kunot noong sabi naman ni Kuya.
Napatango ako, imposible namang absent ang apat na unggoy na yun?
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Roman pour AdolescentsThe ultimate troublemaker and the School Campus President.