Chapter 11

1.8K 24 0
                                    

Bia's POV

Halatang halata sa mukha ko ang puyat. Ang laking ebidensya ng eyebags sa mata ko Huhuhu okay sana kung wala akong lakad ngayon eh, kaso ngayon yung araw na ininvite ako ng Mama ni Kevin sa birthday ng Lolo niya. Waaaah! Wala sana akong pake kaso sigurado akong ibubully ako ng Kevin na yun!

Kasalanan to nung creepy unknown no. eh. Di ako nakatulog dahil sa pagooverthink! Pano kung lagi niya akong sinusundan? Paano kung alam niya kung saan ako lagi pumupunta tapos lumabas ako mag-isa, tapos nasa likod ko pala sya at sinusundan ako. Tapos bigla niya akong hihilahin sa may iskinita tapos waaaaaaah! Ayokong ma-rape huhuhuhuhuhu.

"Bia?"

"Ay pusang galang nasa iskinita!" napatalon ako sa gulat ng may pumasok sa kwarto ko. Si Manang pala. "Manang, uso po ang kumatok! Mamamatay ako ng maaga niyan eh!"

"Naku hija, kung alam mo lang kung ilang beses na akong kumatok sa pintuan mo. Kinabahan nga ako dahil ang tagal mong sumagot eh nakita naman na kita kaninang lumabas ng kwarto mo, kaya pumasok na ako." mahabang paliwanag ni Manang. Ganun naba ako nawala sa katinuan kanina? "Nga pala, tumawag ang Mommy mo kanina. Bilin niya na ikaw ang magpunta ng Hospital ngayon at idala ang attaché case niya. Kailangan niya daw iyon mamaya, nakalimutan niyang dalhin." sinasabi yan ni Manang habang inaayos ang kama kong pagkagulo gulo dahil sa kakaikot ko kagabi.

"Eh bat di palang si Manong Alfred, Manang? May lakad din kasi ako ngayon eh." sabi ko.

"Naku, sinabi ko na sa Mommy mong si Alfred na lamang ang magdadala kaso sabi ng Mommy mo eh may sasabihin din daw kasi siya sayo. Mabuti pa bago ka pumunta sa lakad mo ngayon, puntahan mo muna ang mommy mo." sabi ni Manang.

Tumango nalang ako, tapos ay tumingin ulit sa salamin at muling prinoblema ang eyebags ko huhuhu.

Tumango nalang ako, tapos ay tumingin ulit sa salamin at muling prinoblema ang eyebags ko huhuhu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Yan yung cup na regalo niya. )

Lunch ang sinabi sakin ni Lyca na pagpunta sa bahay nila Kevin. At dahil hindi ko naman alam ang bahay ng mokong na yun sinabi ko nalang kay Lyca na sabay na kami pumunta.

At dahil likas na sakin ang early bird at ayaw maging paimportante, syempre 10:00 palang nagbihis na ako. Syempre pupunta pa ako sa Hospital para idala yung gamit ni Mommy malay niyo matraffic ako.

Anyways, sinabi din sakin ni Lyca na semi-formal ang theme ng Party kaya no choice ako kundi magdress. Marami akong dresses, halos lahat dipa nagagamit. Di naman kasi ako girly girly na pumorma tsaka hello? Ngayon lang ako aattend ng formal na party. Well, ngayon nalang ulit ako magsusuot ng dress. Kung di ako nagkakamali last time na nagsuot ako nito is nung elementary pa ako, nung minsang may business gathering kaming dinaluhan ni Mommy kasama si Kuya at Abba.

Anyways, so ayun nga. Pinili kong isuot yung medyo kerry kong isuot. Karamihan kasi ng dresses ko si Mommy ang pumili kaya karamihan eh masyadong lantad ang skin. Eto lang atang suot ko ang pinaka-komportable.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon