Chapter 19

1.5K 21 0
                                    

Bia's POV

"Oh eto na pala sya eh." si Andrei ang unang nakapansin sakin pagka-rating ko sa sala ng mansyon.

Nandun silang lahat pati narin si Tita. "Hija, I am sorry kung kailangan mo pang makita ang eksenang ganun ng Tito Luis mo at ni Kevin." nakita ko ang sincerity ni Tita. Nginitian ko sya at hinawakan ang kamay.

"Its okay Tita. Sanay na po akong makakita ng ganung eksena." sagot ko.

"Sus Tita. Sisiw lang kay President yang ganyang eksena eh since nagtransfer yan sa school namin SSC na yan eh." Charles.

Oo nga pala I almost forgot to tell na transferee lang ako sa School ko ngayon. Bale Two years lang ako dun na nag-aaral at naging Presidente agad ako. Galing kasi ako sa All Girls Academy pero napag-desisyunan ni Mommy na ilipat ako sa School ko ngayon dahil narin sa Relocation ni Mommy ng trabaho bilang Doctor.

"Is Kevin okay? Susunod sana ako dun kaso pinigilan nila ako dahil sabi nila You can deal with it." sabi ni Tita ng may nag-aalalang tingin. "Alam mo bang ikaw lang ang naglakas loob pumasok sa kwarto niya? Pati ako ay di nakakapasok doon dahil talagang magagalit sya, even Andrei, Charles and Louie, di rin sila pinapasok dun. Is it possible na may magic ka hija?"

Tiningnan ko ng masama yung tatlo na nag-sipagtunguhan. So? Alam nilang magagalit talaga si Kevin kapag pumasok sinuman samin sa kwarto niya? Pero di man lang nila ako inabisuhan? Jusko paano nalang pala kung napahamak na ako dun? Tsk.

Tiningnan ko naman si Tita "Ahm, okay na po sya Tita. Nakatulog na nga po eh, nalasing po ata dun sa ininom niyang Brandy."

Nangunot ang noo ni Tita, yung tatlong bugok naman ay biglang napatingin sakin na may nag-aalalang tingin ganun din si Lyka.

"Thats impossible Hija. Hindi umiinom ng alak si Kevs. Bawal sakanya ang alak." sabi nito.

Kaya napalaki ang mata ko. "Ho?"

"Jusko!" sabi bigla ni Tita tapos ay bigla itong napatakbo sa kwarto ng anak niya kaya napasunod kaming lahat.

Bigla akong kinabahan. Ano bang nangyayari?








Walang atubiling binuksan agad ni Tita ang pinto ng kwarto ng anak niya. Tapos ay dali dali syang lumapit dito.

"KEVIN! ANAK WAKE UP!" niyugyog niya si Kevin pero walang response na nanggaling dito.  "KEVIN I SAID WAKE UP!" napatalon ako ng biglang sumigaw si Tita tapos ay biglang umiyak ito. "DO SOMETHING!" sigaw ni Tita.

Biglang tumakbo si Andrei palabas ng kwarto ni Kevin. Si Lyka naman ay lumapit sa tulog paring si Kevin tapos ay chineck nito ang palapulsuhan niya. "Tita, kailangan na natin syang madala sa hospital!" nagpapanic na sabi ni Lyka.

Napatingin ako ng biglang dumating si Andrei kasama si Kyle at Tito Luis "Anong nangyari?" tanong ni Kyle tapos ay lumapit ito kay Kevin tapos ay pinulsuhan niya ito. "Humihina na ang tibok ng puso niya. Kailangan na syang madala sa Hospital." binuhat ni Charles at Louie si Kevin.

Si Tito Luis naman ay inalalayan ang asawa niya. Nakita ko ang pag-aalala ni Tito.

Pinanuod ko lang sila makalabas, diko alam pero hindi ako makagalaw. Feeling ko may kasalanan ako.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko. Kung sana noong una palang pinigilan ko na sya, sana ay okay pa ang lahat! Ang tanga tanga ko!

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko . Nakita ko ang nakangiting si Andrei "Alam kong iniisip mong may kasalanan ka Bia. Pero trust me, wala kang kasalanan. He will going to be okay." sabi niya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero diko parin mapigilang sisihin ang sarili ko.









She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon