Bia's POV
"Maligayang pagdating po Madame Lyca." nakayukong bati ng dalawang katulong kay Lyca. "Ganun din po sainyo mga senyor at magandang binibini." dagdag nila.
"Nako Manang Rose, di po Binibini ang isang to. Nag-bihis babae lang hahaha." nagtawanan sila Andrei sa sinabi ni Charles. Ako naman nawala ang pag-kagoodvibes kaya mabilis akong lumapit kay Charles at hinawakan ang collar ng damit niya. Thanks to my High heels kaya ko syang abutin ng walang kahirap hirap.
"Gusto mo talaga ng sakit ng katawan Charles?" cool kong tanong. Nagtawanan naman sila Andrei at Louie pati narin si Lyca.
"Woah woah, n-nag bibiro lang President. Di bagay sayo ang manapak. Binibini ka ngayon eh. Hehehe." tinaasan ko sya ng kilay, signal na wala akong pake kung nakadress ako ngayon.
Napabitaw lang ako sakanya ng bumukas ang pintuan at lumabas ang always magandang Mommy ni Kevin. Hanggang ngayon di ako makapaniwalang ganito kaganda ang Mommy ng unggoy na yun, well aaminin ko naman na gwapo si Lee pero mukha lang talaga silang magkapatid ng Mommy niya.
"Omo! Bianca Eunice" ako agad ang pinuntahan ni Ahem Tita. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Omo, your so beautiful as ever hija. Gusto talaga kitang maging baby." sabi pa niya tsaka niya inayos ang buhok kong nasa mukha ko. Nag-smile lang ako, hanggang ngayon nahihiya parin ako.
Lumapit samin si Lyca at humalik sa pisngi ni Tita. Ganun din yung tatlo na halata namang close na sa pamilya ni Kevin.
"Let's go." aya ni Tita sa loob ng bahay. Akay parin niya ako. Habang papasok sa bahay nila diko mapigilang mapanganga sa magandang desensyo ng bahay nila. Feeling ko nakakaligaw ang bahay nila dahil sobrang lawak ng bahay nila pero di halata kasi sobrang dami din nilang gamit na halatang mahal lahat. "Feel at home hija. Malakas ang kutob kong magiging tirahan mo rin ito in the near future." nakangiting sabi ni Tita. Kaya napalingon ako sakanya.
"Po?" takang tanong ko.
"Sa madaling salita. Darating ang panahon na mapapangasawa mo rin si Kevin Hahaha." sabi ni Andrei tsaka nakipag-apir sa dalawa ganun din su Lyca na halatang tuwang tuwa.
Tiningnan ko si Tita at nagwink lang sya sakin kaya nakaramdam ako ng hiya kaya naman alam kong pulang pula na ako ngayon. Dadagukan ko talaga tong si Andrei kapag wala ng nakatingin.
Naglakad kami patungong Dinning Room at WOW! Again napa-nganga nanaman ako di lang sa lawak ng Hapag-kainan nila kundi pati narin sa dami ng pagkain sa harap na karamihan ay di pa familiar sakin at guess what ang dami katulong na nakahilera sa gilid ng mesa pare pareho silang nakayuko. Waaaaaah! Feeling ko talaga bahay to ni Jun Pyo eh!
"Papa, I told you not to worry about the business. I can take care of them okay? Now just enjoy the day because its your birthday." rinig kong sabi ng isang malalim na boses ng lalaki na galing sa may staircase sa may sala nila.
"I know Luis. I know! But how can I enjoy my day? Ni wala man lang nakaalalang birthday ko sa mga kapatid mo!" sabi naman ng striktong boses din ng lalaki.
Sinalubong ni Tita ang dalawang nag-uusap. Kaya napatingin din ako sa kanila.
Nakita ko ang isang lalaking halatang strikto at ma-autoridad na nasa mid 40's na siguro. Humalik dito si Tita kaya, feeling ko asawa niya to. Ito siguro ang Papa ni Kevin, di ko itatangging gwapo sya kaya lang laging nakakunot ang noo.
Ang isa naman ay siguradong ang Lolo nila at syang may birthday ngayon. 80th birthday niya ngayon pero dipa halata ang katandaan niya sa itsura. Sigurado akong gwapo sya ng kabataan niya.
"Halabeoji, Saengil Chukahamnida!" lumapit si Lyca sa Lolo niya at humalik dito tsaka ito niyakap. Naintindihan ko ang sinabi niya ang ibig sabihin ay 'Happy Birthday, Lolo'
"Buti pa ang Apo kong ito hindi nakakalimutan ang kaarawan ko. Di kagaya ng magulang niya." malungkot na tinignan ng matanda si Lyca
"Aww Lolo. Alam mo namang busy si Mommy at Daddy sa Office. But don't worry, pinadalhan ka naman nila ng gift eh. Here" inabot nito sa Lolo niya ang maliit na box "Happy Birthday!" again humalik nanaman sya sa Lolo niya tsaka ito umakbay.
Ang matanda naman ay binuksan ang regalo at. Isang mamahaling relos ang laman nito. Nahiya yung mug na binili ko huhuhu. Dapat pala bumili ako ng mas mahal!
"Thank you hija!" sa wakas ay ngumiti na ang matanda. "Welcome Lolo."
Sumunod na bumati ang tatlong unggoy na halatang close na close sa matanda dahil nabibiro nila ito na nakakapag-patawa sa matanda kaya napatawa din ako. Puno talaga sila ng sense of humor! Eto pala ang purpose hahaha.
"And who's this gorgeous lady here? Matanda na ako pero kabisado ko ang anim kong apo. At kabisado ko din ang kaibigan nila." sabi niya sakin.
Napalunok ako at magsasalita na sana ng umakbay sakin si Charles "Lo, sya si Bianca gf po ng apo niyong si Kevin." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at the same time ay namula ako.
Oh Gosh! Ipaalala niyo saking papatayin ko si Charles mamaya. Nakita kong tumingin sakin ang Mommy at Daddy ni Kevin tapos ay pareho silang ngumisi. Nagliwanag naman ang mukha ng Lolo ni Kevin at nagpipigil naman ng tawa si Lyca at yung tatlo. Omygahd! Somebody help me?
And with that miracle comes "LOLO! HAPPY BIRTHDAY MY SUPER DUPER HANDSOME LOLO!" napatingin kaming lahat sa lalaking biglang yumakap sa Matanda pagkatapos ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang lalaking yun.
Si Doctor Kyle! Magpinsan sila ni Kevin?
"Kyle, siguro naman ay kasama mo ang Mama mo?" nagbabakasakaling sabi ng Lolo nila
"Ah sorry Lolo. Nasa abroad ang Mama ngayon eh. Pero pinapasabi niyang Happy birthday sayo!" nakangiting sabi ni Kyle.
"kailan kapa dumating dito Kyle?" sabi ni tita kaya napatingin naman si Kyle sakanya
"Ah Hello tita, tito!" humalik siya kay Tita at yumakap naman sa Papa ni Kevin "Last month pa ako nandito. Busy lang ako sa Hospital kaya di ako nakakadalaw. Pero nasabi ko kay Kevin. Di ba niya nabanggit!" Kyle
"Obviously, not." sabi naman ng Papa ni Kevin.
Tiningnan ni Kyle ang tatlong bugok sa tabi ko at nagfist bomb sila, close talaga tong tatlo sa pamilya Lee no? At dahil katabi ko lang si kyle ay napansin niya din ako
"Oh Bia! I never thought na kaibigan mo ang tatlong to!" sabi niya with matching gulat.
Lumapit si Lyca at umakbay kay Kyle "Oh sis!" bati ni Kyle saka humalik sa pisngi ni Lyca
"Magkakilala kayo? How come Bro?" sabi ni Lyca
"Ah accidentally lang." sabi niya tapos ay nag-wink sakin parang sinasabing di niya na ikukwento yung first meet up namin hahaha. Nakakahiya nga naman.
"Nga pala, nasan si Kevin at Lokey?" tanong ni Kyle.
"Did I hear my name?" napatingin kami sa lalaking kakapasok lang ng Dinning room.
He's wearing Blue longsleeves na tinupi niya hanggang siko with pants and black shoes. He's wearing his always charismatic smile. At guess what ngayon ko lang to sasabihin.
Ang gwapo niya sa clean cut niyang buhok. Jaw drop talaga ako as in. Ngayon lang ako aaminin.

BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.