Chapter 6

2.2K 28 0
                                    

BIA's POV

Kanina pa nagsimula ang klase pero di ako makapagfocus at talagang nakatitig lang ako sa sticky note na hawak ko. Bat ganun kalakas ang impact ng ginawa ni Kevin sakin? Simple lang naman ang ginawa niya. Binigyan lang niya ako ng meryenda kasi nalipasan ako ng gutom dahil di ako nakapag-break.

(Ah baka kasi iniisip mong nag-aalala din sya sayo kahit paano)

Ganun ba yun? Pero ang weird. Diba enemy kami? Posible bang mag-alala ka sa kaaway mo?

(Kaaway nga ba ang turing niya sayo?)

Yah! Kinakalaban niya kaya ako sa lahat ng rules sa school na ito.

(Sigurado ka)

Oo naman.

(Baka naman way niya lang yun para magpapansin sayo?)

Bakit naman niya gustong kunin ang atensyon ko?

(Beacuse he likes you?)

"NO.NEVER.AS.IN.NOPE." napatayo ako habang sinisigaw yan. At huli na ng mapagtanto ko kung nasaan ako ngayon.

"Miss School President, you don't need to shout if you have an answer on my question. I can hear you even though you are not shouting." nakita ko kung paano nagpipigil ng galit si Miss Cass. Napapikit ako ng madiin. Bago yumuko at humingi ng sorry.

"I'm sorry Miss. Its just that---"

"Maybe our School President is too tired." nakita ko si Gio na tumayo "Miss, mukhang masyadong napagod si Bia ngayon. Marami rami din kasi siyang ginawa kaninang break, and I think naubos ang oras niya ng hindi siya nakakakain." dagdag ni Gio.

"Is that so..." para namang nakahinga ako ng maluwag ng makitang naniwala si Miss Cass sa partly truth na sinabi ni Gio "You should take a nap and go get some food Miss Park."

Yumuko ako at nagsorry ulit bago ako lumabas ng room habang hawak hawak ang gamit ko.

Napahinga ako ng malalim ng makalabas ako! This is a looooooong  tiring day! Napabuga ako ng hininga kaya medyo nalipad ang bangs ko. Yes, since kinder may bangs na ako. Yun kasi ang gusto ni Mommy ang lagi akong may bangs, cute daw kasi.

Anyways, ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko kaya pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain.

"Oh Bia! Late ka ata magbibreak ngayon?" sabi sakin ni Manang Vanie, ang cashier sa canteen namin

"Alam mo naman ang trabaho ko Manang Vanie." sagot ko nalang ayoko namang sabihing pinalabas ako ng teacher dahil napasigaw ako habang iniisip kung bakit ako binigyan ng pagkain ng troublemaker na yun!

"Oh sya, ano bang gusto mong kainin?" tanong niya sakin.

Nagtingin tingin ako sa mga paninda sa harapan ko "Isang burger at .... hmmmm dalawang chuckie, yung malalaki po!" sagot ko. Natawa naman si Manang bago kinuha ang order ko. Kung nagtataka kayo kung bakit dalawang chuckie, dahil favorite ko yun haha. Tuwing umiinom ako nun, laging dalawa or minsan tatlo. Di ako nasisiyahan sa isa lang.

Diko feel kumain sa canteen kaya magdecide ako na umakyat nalang sa rooftop at doon magpahinga. Tutal naman at may maliit na tent dun, project namin yun na mga SSC. Madalas kasi mas gusto ng mga students na tumanaw sa mataas na lugar lalo na kapag stress sila kaya I decided na yun nalang ang first project na gagawin namin which is marami naman ang natuwang estudyante.

"Chuckie Monster."

"Ay Pusang Gala!" sa gulat ko natapon ang isang chuckie na iniinom ko. Ang kawawa kong Chuckieeee T.T

Dahil sa inis ko tiningnan ko ng masama yung nagsalita na naging sanhi ng pagdadalamhati ko sa Chuckie ko!

"Oooops! Ano nanamang ginawa ko ngayon?" nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Kevin. Tsk! Nagsisimula nanamang mag-apoy ang mga mata ko!

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon