Bia's POV
Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. At hindi na ako nagulat ng makita ang isang panda na tulad ko dahil sa sobrang laki at itim ng eyebags.
Gusto ko umiyak. Gusto kong magwala dahil GUSTO KO PANG MATULOG!
Narinig kong nag-ring ang alarm ko sa inis ko ay hinablot ko yun at ihinagis sa gilid. Kawawang Alarm clock! Tsk.
Dahil sa bwisit na panaginip na yan... wait! Nightmare! Oo tama, nightmare! Dahil sa bangungot na yun, hindi na ako nakatulog! Jusko naman nakakainis, kahit sa panaginip ayaw akong tantanan ng Kevin na yan!
"Hijaaaaaaaa?" napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon. Maya maya ay unti unti itong bumukas at iniluwa nito si Manang na may magandang ngiti sa labi. "Hija, bumangon kana jan!" sabi nito, ako lang ba o talagang kinikilig siya?
Anyari kay Manang at parang kakatapos lang manood ng Romantic Drama at na-Last Movie Syndrome pa.
"Hija, dali na. Wag mo na akong titigan ng ganyan. Bumangon kana jan at mag-ayos na. Tignan mo ang eyebags mo! Jusko hija, natulog kaba kaganbi o hindi?" sunod sunod na sabi ni Manang.
Para namang robot akong bumangon sa kama at nagtuloy sa banyo para mag-ayos na ng sarili para pumasok.
"Hija, bat ka ba dumiretso jan sa banyo ng wala man lang dalang tuwalya o kaya ay kahit yung bathrobe mo lang. Ikaw talaga oo." rinig kong sigaw ni Manang sa labas.
Ewan pero nahihirapan akong maprocess ang mga bagay bagay ngayon dahil narin siguro sa puyat.
Medyo nahimasmasan ako ng pagkatapos kong maligo dahil sa lamig ng tubig. Lumabas ako ng banyo at nandun parin si Manang.
Napataas ang kilay ko ng makitang nakaayos na ang isusuot kong uniform. Naka-undies lang ako ngayon pero naka-bathrobe ako, yung inabot kanina ni Manang.
Nakita ko ring nakahanda na sa may harap ng salamin ang suklay, face powder, concealer? at lip gloss?
Lumapit ako sa salamin ko at kinuha doon ang concealer at lip gloss, at tsaka ko ito inangat ng nangtataka kung bat nasama yun dun eh di naman ako gumagamit nun.
"Manang, ano to?"
Huminga ng malalim si Manang at kinuha sakin ang concealer at Lip gloss "Hija, eto ang tinatawag nilang concealer. Ginagamit ito para itago yang malalaki at maiitim mong eyebags. At eto naman, lip gloss na ginagamit para magmukhang malambot yang labi mo. Kita mo at napaka-dry na ng labi mo."
Diko maiwasang irapan si Manang "Manang, alam ko kung ano at kung saan ginagamit yan ang tinatanong ko. Bat yan nanjan eh di naman ako gumagamit niyan." sabi ko tapos ay umupo na ako sa harapan ng salamin at nagsimula ng magsuklay ng buhok.
"Pero hija, mukha kang zombie dahil jan sa mga mata mo---"
"It doesn't matter Manang. Okay na ako dito, baka may gagawin kapa. Thank you!" sabi ko nalang tapos ay nagpatuloy ako sa pagsusuklay ng buhok ko.
"Hija eto eh payo lang naman." tiningnan ko si Manang "Dalaga kana. At hindi maiiwasan ng mga lalaking maattrack sa kagaya mo. Anak, alam nating pareho na maganda kana. Pero kailangan mo ring paminsan minsan eh umayon sa edad at ayusin ang sarili mo." dagdag ni Manang
Bakit? May defect ba ako na kailangang ayusin? Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Siguro nga this time may tama si Manang na kailangan kong ayusin ang itsura ko, pero ano naman ngayon kung ganito ako papasok?
"Osige na, mauuna na ako sa baba. Ihahanda ko ang breakfast mo." sinundan ko ng tingin si Manang hanggang makalabas ng kwarto ko tska ako nagpatuloy sa pagsusuklay habang naiiling pa.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Novela JuvenilThe ultimate troublemaker and the School Campus President.