Bia's POV
"Waaaaaaah! I am so kinikilig!" exaggerated na sabi ni Maica ng ikwento ni Lyca yung nangyari sa may Hospital.
"Wag ka ngang kiligin jan, pauso lang yun ni Kevin. Hindi totoo yun." sabi ko naman.
"Hindi totoo? Pero binilin niya sakin na sabihin sayong sumabay na tayo ng lunch sa kanila mamaya." sabi ni Lyca.
Napakunot naman ako ng noo "Mag-isa ka." simpleng sagot ko.
"Wag ka nga maarte jan President, di ka kagandahan okay?" nagulat ako sa sinabi ni Maica, aba at "Syempre joke lang hehehe. Dali na sama na tayo sa lunch nila President." dagdag niya.
Tumaas ang kilay "Tapang ah, akala mo talaga kayang harapin ang ex niya." sabi ko.
Napasimangot naman sya sa sinabi ko "Sabi ko sayo di maganda yang plano mong lunch, Lyca eh." bulong niya.
Natawa lang si Lyca "Hahaha. Ano ba naman tong mga kaibigan ko. Isang bitter at isang pabebe."
"Hindi ako Pabebe/Bitter!" sabay naming sabi ni Maica sa mukha hi Lyca.
"Then, prove it." makahulugang sambit niya.
Nagkatinginan naman kami ni Maica. "Col."
LYCA's POV
Pinakikiramdaman ko lang tong dalawang kasama ko na naglalakad, papuntang parking kung saan kami magkikita kita nila Kevs.
Kita ko ang pagiging kalmado ni President, well what do I expect? Magaling sa pagtatago ng nararamdaman ang isang to. Mahirap mabasa, hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip. At higit sa lahat, di mapagpaniwala lalo na kung di naman niya nakikita or nararamdaman. Gaya ng pagmamahal na meron ang pinsan ko para sakanya.
Seryoso sakanya si Kevin. Alam ko dahil madalas ay nakikita ko kung paano ngumiti at tumawa si Kevin kapag naaasar niya si President. Well, part lang talaga yun ni Kevs para magpapansin kay President. Diba, worth it naman dahil napapansin naman sya? Yun nga lang in bad ways hahaha. Pero I find it cute though.
Napalingon naman ako sa broken hearted kong kaibigan na si Myca. She looks nervous, kaya pala nitong mga nakaraang araw palagi syang problemado. Yun pala, broken hearted.
Myca, is so sensitive. Madali lang syang masaktan, kahit na minsan nagpapaka-strong sya. Alam ko deep inside na may nararamdaman syang iba. Magugulat nalang ako, umiiyak na yan sa isang tabi tapos ay pinagsasabihan ang sarili niya. Sya yung tipo ng babae na dapat tinitreasure kasi she's soft. Kaya nga dadagukan ko talaga tong si Louie kapag di ako nabigyan ng maganda gandang paliwanag kung bat sya pumayag sa arranged marriage na yan.
"Lyca..Hoy!" napahinto ako sa pag-iisip ng kulbitin ako ni Maica.
"Hmm?" takang tanong ko.
She roll her eyes. "Bat ba nawawala ka sa sarili?" tanong nito, sorry naman daw "Anyways, mauna ka paglalakad. Ikaw naman may pasimuno nito eh." diko mapigilang matawa ng makita kong umirap si Bia sakin.
"Haynako. Diko naman kayo pinilit na sumama dito no. Feel free to go back sa canteen."
"Para ano? Para isipin mong pabebe ako?" Bia
"at bitter ako?" Maica
"Wag kami!" they said in chorus. Kaya lalo akong natawa at nailing nalang akong nanguna na sa paglalakad.
"Insan!" bati ko kay Kevs na prenteng nakaupo sa unahan ng kotse na gamit nya. Sa tabi naman niya ay yung tatlong kaibigan niya na prenteng naka-sandal sa sari sarili nilang mga kotse.
Nakangiting lumapit samin si Kevs, at lalong lumawak yung pagkakangiti niya ng makita sa likod ko si Bia na nakakunot ang noo. Hahaha kyut.
"Ahm, tara?" aya ni Kevin.
Tiningnan ko si Bia at Maica, lumapit sakin si Maica at kumapit habang si Bia naman ay nanatili lang na nakatayo sa pwesto niya.
"Lets go! Alin ba gagamitin natin?" tanong ko.
"Ah bali, kotse ko at ni Andrei ang gagamitin natin. Di tayo kasya lahat sa kotse ko eh." sagot naman ni Kevin. Tumango ako.
"Okay then. Sayo na sasakay si Bia, at Charles. Kaming apat sa kotse ni Andrei." sabi ko.
"Okay. sooooo, lets go?" tanong ni Kevin kay Bia, tumango lang naman si Bia at lumapit na sa kotse ni Bia. Akmang sasakay na sya sa backseat pero pinigilan sya ni Charles.
"Hep hep! Dun ka sa Passenger seat President. Jan ako sa likod." Charles.
"At bakit?" mataray na tanong ni Bia
"Kasi sabi ko." Kevin.
Tiningnan lang ni Bia si kevin at walang sabi sabi na nagpunta na sya sa harapan at naupo. Mabait naman pala hahaha.
"Ahm, dun kana sa likod maupo. Maica at Louie, feel ko sa Passenger eh." diko na inantay na makasagot sila, basta nalang ako sumakay at nginisian ko si Andrei na nasa loob narin ng kotse. Kinindatan naman niya ako.
Bia's POV
"Pambihirang buhay, nagmukha akong chaperon." rinig kong bulong ni Charles, habang kumakain kami dito sa isang resto. Maganda ang paligid, open area sya kaya sariwang hangin ang pumapasok.
"Paano mo naman nasabi yan Charles?" Si Lyca ang nagtanong. Sya lang naman ang kanina pa daldal ng daldal eh.
"Pambihira naman Ly. Si Kevs, may Pres. Si L may Maica. Tapos kayo ni Andrei. So asan ako?"reklamo niya.
"Inangkin ka ng author nito kaya wag kana maghanap ng love team mo." natatawang sabi naman ni Andrei. Napasabunot nalang si Louie sa narinig.
"Ahm, Bia..." napalingon ako sa katabi ko. Kay Kevin...
"Hmmm?" tanong ko.
"Ahm, kamusta yung chocolates. Nagustuhan mo ba?" nahihiya at alangin niyang tanong.
Ngayon ko lang naalala, diko pa pala natitikman yun "Ahh, diko pa sya natitikman pero, I'm sure I will going to loved it. Thanks for the chocolate anyways." sincere kong sabi.
"Anything for you.." sagot niya..
"Uyyyyyy nag haheart talked yung dalawa " Sabay kaming napatingin kay Maica na syang nakahuli samin ni Kevin na naguusap. Nagiwas agad ako ng tingin at ramdam ko naman ang titig sakin ni Kevin. Badtrip na to, sisikmuraan ko talaga sya.
Tiningnan ko ang wrist watch ko its 12:36 ilang minutes nalang magsisimula na ulit ang klase pero mukhang mga walang balak pumasok tong mga to!
"Ahem!" pagtikhim ko. Kaya napatingin silang lahat sakin. "Ano? Di pa ba tayo papasok? ilang minuto nalang magsisimula na ang afternoon class natin." sabi ko more like paalala sakanila.
"Pambihira ang hirap mo naman kaibiganin President. Masyado kang grade conscious. Try mo umabsent minsan, masarap sa pakiramdam." Banat ni Andrei.
Sumang-ayon naman si Charles at Louie.
"Tsk. Kung ayaw niyo pa pumasok pwes mauna na ako. Magtataxi nalang ako pabalik." sabi ko. Di naman sa KJ ako or what kailangan ko lang talaga makabalik sa school dahil kakausapin pa ako ni Sir Johnny.
Tumayo na ako at kukunin ko na sana yung bag ko pero may mas nauna sakin na kumuha nun.
"Tara." maikling sabi ni Kevin habang bitbit yung shoulder bag ko. Hindi ko alam pero nangiti nalang ako, kinagat ko nalang yung labi ko para pigilan ito. Nauna na syang maglakad palabas.
"Uy may kinikilig." napatingin ako sa limang tao sa likod. Tumikhim lang ako at sumunod na kay Kevin palabas. Narinig ko naman ang mga tawanan nila. Kaasar.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Genç KurguThe ultimate troublemaker and the School Campus President.