Bia's POV
"Hijo, hindi ka dapat basta basta naglalakad. Hindi ba ibinilin sayo ng Doctor mo na wag mong uubusin ang energy mo dahil nagrerecover ka palang?" kita ko kung paano mamula ang mukha ni Kevin ng alalayan siya ni Mommy pabalik sa kama niya.
"A-ako na---"
"Stop it hijo. I am the Doctor here, kaya hayaan mo akong gawin ito. Its my job so makinig ka sakin." walang nagawa si Kevin kundi mapakamot.
Nang makahiga sya sa kama ay inayos na ni Mommy ang pagkakakumot niya. "Did they checked your temperature?" tanong ni Mommy tapos ay tiningnan ang dextrose na nakakabit kay Kevin at parang may inayos dun.
"Yes po Doc." simpleng sagot ni Kevin.
Natawa naman si Mommy "Ano kaba hijo, tawagin mo nalang akong Tita." napalaki naman ang mata ko, iniisip ba niyang kaibigan ko tong damoho na to?
"Ho?" nagtatakang tanong ni Kevin tapos ay nagpalipat lipat sya ng tingin samin.
"I am Sylvia Park. The one and only gorgeous Mom of the young lady over there!" pakilala naman ni Mommy tsaka niya ako tinuro.
Tiningnan ako ni Kevin, at nakita ko kung paano sya lalong pumula. Pati tenga niya ay para ng kamatis. "Ah... eh ahm! Ah ano po Tita, a-ako na po mag-aayos niyan hehe nakakahiya!" medyo parang tarantang sabi ni Kevin
"Ha? Nako hayaan mo na ako hijo." sabi ulit ni Mommy. Na ngayon ay nagbabalat ng mansanas sa may table niya. Feeling ata niya anak niya yung may sakit. "Sweety, malalanta yang mga dala mo kung hahawakan mo lang maghapon!" baling sakin ni Mommy, napatingin naman ako sa bulaklak na hawak ko. Ganun din ang tatlo "Hugasan mo na yung vase jan sa tabi ni Kevin at ipalit mo yang hawak mo. Alam kong mas gustong makita yan ni Kevin sa tabi niya." taas baba pa ang kilay na sabi ni Mommy.
"Mom!" halos mamula ako sa sinabi ni Mommy. Bat ba lagi nalang ako inaasar sa Lee na to? tsk!
"Haha. Oo na eto na, tatahimik na." sabi ni Mommy. Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Lumapit ako sa may vase sa tabi ni Kevin, ramdam ko ang titig niya sakin kaya napatingin ako sakanya pero bigla nalang syang nag-iwas ng tingin tsaka parang ngumisi. Tsk!
"Papalitan ko na itong flowers mo ah? Or pwede ring hindi kung ayaw mo." paalam ko.
"Hi-hindi, sige palitan mo na." sagot niya ng di ako tinitingnan.
"Okay." sagot ko tapos ay itinabi ko na yung flowers sa basurahan at inilagay doon ang roses na dala ko.
"Anak, pwede bang ikaw nalang maghiwa dito? May kukunin lang ako saglit sa office ko." napatingin ako kay Mommy at sa hawak niyang tatlong apple na nabalatan na.
"Ako na po jan Tita." prisinta ni Lyca pero umiling si Mommy
"Hindi hija, si Bia na dito kaya na niya to. At kayong dalawa sumama kayo sakin. Tutulungan niyo ako sa kukunin ko sa office."
"Pwede naman ako nalang ang sumama sa o--"
"Anak diba nga pumunta ka dito para dalawin si Kevin? Maiwan kana dito at ikaw ang magbantay sa kanila. No buts." pagtatapos ni Mommy kaya wala akong nagawa ng ibigay sakin ni Mommy ang plato na may apples at inakay yung dalawa palabas.
"Weird" nasabi ko nalang.
Binalingan ko si Kevin at ipinatong sa side table niya yung apple tapos ay lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay bago ako bumalik ulit sa tabi niya at naupo habang hinihiwa ang apples.
Tahimik lang si Kevin, at medyo naaasiwa ako aa katahimikan niya. I cleared my throat, nakuha ko ang attention niya na kanina lang ay nanunuod ng TV.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.