Chapter 37

622 10 2
                                    

A/N: Our Doctor Kyle 😍

A/N: Our Doctor Kyle 😍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


BIA's POV

Biglang uminit ang ulo ko kaya malakas ko syang hinampas sa dibdib niya nakapagpadaing sakanya.

"Ouch!" daing niya. Pero lalo lang ako nagkalakas ulit ng loob para ulitin ang ginawa ko. Hinampas ko sya ng hinampas dahil naiinis ako. Naiinis ako kasi pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang ako!

Halos mamatay ako sa pag-aalala sakanya, tapos eto? Eto lang ang madadatnan ko? malalaman kong pinagkaisahan nila ako? Including my Mom and my kuya? Ahhhhh!

"Ouch---A-aray! Aw! Hoooh tama na Bia. Ouch!" daing nanaman niya.

"You! Naiinis ako sayo! Dapat sayo pinapatay eh! Dapat sayo binubugbog! Alam mo bang halos mamatay ako kanina dahil sa pag-aalala sayo? Tapos eto? Eto? Eto ang gusto mo diba? Pwes tototohanin ko sayo ang pagiging baldado mo." Tuloy ako sa paghampas sa iba't ibang parte ng katawan niya hanggang sa maramdaman kong umiiyak nanaman ako.

Naiinis ako sakanya at --- natigil ako sa paghampas sakanya ng bigla niya akong yakapin, pinilit kong kumawala pero mas malakas sya sakin kaya nung mapagod ako ay hinayaan ko nalang syang yakapin ako.

Bigla akong nakaramdam ng panghihina at diko itatangging lumuwag ang pakiramdam ko na wala naman talagang nangyaring masama sakanya.

"I-I'm sorry for making you worried." bulong niya sakin "Dalawang araw. Dalawang araw akong nakatingin lang sayo mula sa malayo dahil ayaw mo naman akong pansinin. Alam mo bang, halos mabaliw na ako dahil sa pagkamiss sayo?" dagdag niya.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin ng maramdaman niyang medyo kumalma na ako, hinarap niya ako sakanya.

"And you didn't think twice to make this stupid stunt? At kinuntsaba mo pa talaga ang pamilya ko?" naniningkit ang matang tanong ko sakanya.

Napakamot sya ng ulo "Charles the one who make this plan." sabi niya "At dahil gusto ko na talagang makuha ang atensyon mo, pumayag na ako. And I succeeded, did I?" dagdag pa niya.

Inirapan ko sya "Baliw." sabi ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay ko kaya napatingin ulit ako sakanya. "Pero, yung mga sinabi mo, totoo yun diba?" tanong niya.

Automatic na nag-review ang utak ko sa mga sinabi ko kanina nung akala kong wala syang malay.

Habang nagpiplay yun sa utak ko. Automatic na pumula ang mga pisngi ko kaya tinakpan ko yun ng mga palad ko. Sinabi ko bang mahal ko sya? Umamin ba ako? Gosh! Nakakahiya.

I heard him chuckled kaya napatingin ako sakanya. Nginitian niya ako tsaka niya hinila ang mga kamay ko na nasa mukha ko.

"Hindi mo kailangang mahiya Bia. Alam mo ba kung gaano ako kasaya na marinig ang mga salitang yan galing sayo? Aware ka naman siguro kung bakit diba? Mahal na mahal kita President. At ayoko ding mawala ka pa sakin." dagdag pa niya tsaka niya ako hinala payakap sakanya.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon