Chapter 34

658 9 0
                                    

BIA's POV

Halata sa buong campus ang paghahanda sa gaganaping Party. Kaliwat kanan kasi ang pag-uusap tungkol dito.

"Haaaay! Buti pa sila nagsisihanda nalang sa gaganaping Ball. Samantalang tayo eto pinipilit ienjoy ang paggawa ng decoration." Dinig kong reklamo ni Maica na sinundan naman ng iba pang SSC member.

"Kaya dapat bilisan na nating tapusin ang paggawa natin dito. Para makapagready narin tayo. 3Days na tayong nabubulok dito sa Office natin." Lyca

"Marami paba tayong dapat tapusin President?" Gio.

Tiningnan ko naman ang mga natapos na naming mga pangdecoration. Tingin ko naman konti nalang ang mga kailangan namin matatapos na kami.

"Konti nalang ang kailangan natin. After matapos ang mga Sash, tapos na rin tayo. Kaya dapat matapos natin lahat ngayon at ng magawa niyo na lahat ng mga gusto niyong gawin like paghahanda sa gaganaping ball." Sagot ko naman.

Nagsi-Yes naman sila at lalong ginanahan sa paggawa ng mga decoration.

Maya maya pa ay nakaramdam na kami ng gutom kaya kanya kanya muna kaming ligpit ng mga gamit para kumain narin. Wala nga pala kaming klase ngayon dahil narin sa paghahanda sa Ball na gaganapin sa Friday. Two days from now. Buti nga at nauna to kesa don sa Birthday ko.

"Una na ako sainyo Girls, inaantay na ako ni Mika sa Canteen eh." Paalam ni Gio, Mika is his 5years girlfriend.

"Yie, lumalovelife ang aming frenny! haha." Biro sakanya ni Myca "Ikaw na inloved fren." dagdag pa niya.

Gio is one of our closest colleagues kaya nabibiro sya ng mga ganyan.

"Ikaw lang naman tong Bitter hahaha." Gio.

"Boom!" Natatawang sang-ayon naman ni Lyca natawa naman ako.

"Hetchu." Sabi naman ni Myca ng nakapout, cute.

Anyway, kaming tatlo nalang ang natira dito sa office bukod kasi sa makupad gumalaw tong dalawa eh dito talaga namin planong kumain sa office. Bibili lang kami ng pagkain tapos babalik na kami dito.

"Tara na--" natigil ako sa sasabihin ko ng biglang may pumasok sa office.

"Hello! Hi! Mabuhay! Special Delivery para sa mga magagandang binibini." Bungad ni Andrei.

Napatingin kami sa hawak nila. Jollibee? Wow! Special nga hahaha.

"Oh eto na mga pagkain niyo mga Prinsesa. Eto para kay Myca, aking iniirog." Louie

Namula naman si Myca. Nagsi-Yiee naman kami. Kahit di parin malinaw kung anong meron sa kanilang dalawa. Masaya narin kami kasi kahit papaano nagpapansinan na sila.

"At eto naman para sa pinakamagandang dalaga sa aking mata, Lyka..." Andrei.

Ngumiti naman si Lyka. "Bola." sabi nito kaya nagtawanan kami lalo na ng mapakamot sa batok si Andrei. Ayaw pa kasi umamin nito eh.

"At eto namang dala ko eh, pinabibigay ng isang Prinsepeng galing sa malayong lugar para raw sa Prinsesang bumihag ng kanyang puso." Iniabot sakin ni Charles ang dalawang Plastik na punong puno ng pagkain. Anong akala niya? Gaano ba ako kalakas kumain? Tsaka teka, asan sya?

Inantay ko ang pagpasok niya sa pinto, baka kasi may pa-grand entrance lang sya. Pero, nabigo ako.

"Kung inaantay mo ang pagdating niya, well, he can't come." napatingin ako kay Andrei na syang nag salita.

"Wala kaming idea kung saan sya laging nagpupunta basta palagi nalang syang nagmamadali umalis lalo na kapag uwian na." Dagdag pa niya.

Tumikhim ako. "Okay" di ko pinahalata ang pagkadisappoint ko. Wag lang talaga tungkol sa babae ang dahilan. Napailing ako, eh ano naman ngayon? Di naman kami. Tsk.

















She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon