Bia's POV
"Ahm Guys, CR lang ako ah?" paalam ko sakanila. Feeling ko puputok na ang pantog ko dahil kanina pa din kami tawa ng tawa. Eto kasing tatlong kaibigan ni Kevin ang lakas ng Sense of Humor sa katawan hahaha. Sayang nga lang at wala siya, bat nga pala nagkaganun yun?
"Samahan na kita. Naiihi narin ako!" sabi naman ni Lyca, kaya sabay na kaming pumunta sa CR nila.
Pagkatapos namin pareho na mag-CR, naglakad na kami pabalik.
"Oh! Pwede bang antayin mo ako sa sala? May kukunin lang ako saglit!" tumango ako kay Lyca. Sya naman nagtungo na sa kung saan sya pupunta.
Ako naman tumuloy na sa Sala. Wala sila Tito, Tita at Lolo kasi may mga dumating din sila kaninang bisita kaya ang tingin ko nasa taas ata sila kung saan gaganapin ang totoong party. Nagkayayaan lang kami kanina sa Pool para mag-palipas ng kabusugan. Pero maya maya ay aakyat na kami sa taas tapos chibugan na ulit hahaha.
Napadpad ako sa mga pictures sa may gilid ng sala. Dinampot ko ang isa doon, napangiti ako ng makita kung sino yun.
It was, I think a 7 year old Kevin holder a bunch of flowers. Ang taba taba ng pisingi niya. Ang cuuuuuute!
"Ahem." napatingin ako sa taong tumikhim mula sa gilid ko. I went out guard ng makita kung sino to. It was Kevin, wearing his smile. Bat ba di na ako naiirita sa ngiti nito? Dahil ba sa haircut niya? Kaya nabawasan ng konti ang pagkaasar ko?"It was my 7th birthday. That was taken in Seoul, Korea by Mom. Am I that charming President?" nakangiti parin niyang tanong.
Diko mapigilang mapataas ng kilay. Aba, napakayabang ng batang to ah.
"Di kaya naghahallucinate ka lang? Never kang naging Charming sa paningin ko no! Tabi nga!" Umalis ako sa pwesto at tsaka ako naupo sa sofa. Ganun din ang ginawa niya.
Kahit na gwapong gwapo ako sayo ngayon, never akong aamin na charming ka no! Kahit na gusto kong pucturan yung picture mo nung bata ka dahil ang cute mo di ako aamin no! Tae ka baka lalong lomobo ulo mo eh.
Naupo lang ako sa sofa, bat ba ang tagal ni Lyca? Dapat pala sumama nalang ako! Napa-nguso ako, narinig ko namang nag-chuckle si Kevin kaya tiningnan ko sya at sinimangutan.
"Ano nanamang tinatawa tawa mo jan?" singhal ko.
"Wala haha." maikling sagot nito.
"Tatawa tawa ng walang dahilan, tsk! Siraulo!" sabi ko tsaka ako umiwas ng tingin.
Narinig ko naman syang napabuga ng hininga "Ahm. Tapos na ba yung kwentuhan niyo sa labas? Bumida nanaman ba si Kyle? Close na kayo niyan?" sunod sunod na tanong niya.
Tiningnan ko sya bago ako nagsalita "May pa-walk out ka pa kasing nalalaman kanina ayan! Tapos tatanong tanong ka ngayon! Tsk!" pagsusungit ko. Ewan ko ba kung bakit ang bilis ko mag-mood swing kapag sya kausap ko.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.