Bianca's POV
"Ilang beses ko bang dapat ipaalala na kapag Monday kailangan naka-polo shirts!" nagtitimpi kong sabi sa isang studyante na naka-tshirt na pumasok. 1st year ata to. Aaaaahhh!!!! Freshmen palang sakit na sa ulo!
"Sus! Ano namang pinagkaiba nun eh naka-white parin naman ako at may logo naman ng school natin!" page-explain niya.
Tiningnan ko sya ng masama. Napalunok naman ito. Sirang sira nanaman ang Monday ko! Kairita! Bat ba ako napasok dito sa pagiging SC president? 😒 Yeah right! Pustahan ang lahat ng ito. Kwento ko later.
"After your first and second class, meet me at the reflection room! Got that?" naiinis kong sabi sakanya na ikinatango naman niya. Pinapasok ko na sya ng gate.
"Goodmorning!" maarteng bati sakin ng sumusunod na student. Tiningnan ko sya.
"I.D mo?" tanong ko.
"OM! Nakalimutan ko eh. Pwede bukas nalang please?" maarte parin niyang tanong. Ugh! Naiirita na ako sa mukha niyang napakakapal ng make-up.
"Hehe. Marunong ka magbasa?" may halong sarcasm na tanong ko.
"Of course I can! Anong akala mo sakin stupid?" balik tanong niya.
"Marunong ka pala. Pakibasa ang karatula sa harap mo!" utos ko.
Tumingin naman sya sa sinabi kong karatula na nag-sasabing 'NO I.D NO ENTRY.'
"Oh Gosh! Diko naman kasalanan kung nakalimutan ko eh!" reklamo niya
"So sinong sisisihin mo? Yung ID mo? Yung ID mong di nagkusang pumasok sa bag mo o kaya sumabit sa leeg mo? Tsk!" naiinis nanaman ako. "Reflection or Go home?" tanong ko.
"Of course reflection." sagot naman niya.
Binuksan ko ang gate para makapasok sya.
"Hi President!" pairap akong tumingin sa nagsalita. Si Kevin kasama ang mga barkada niya.
"Kailan pa nagkaroon ng estudyante ang school na to ng mga koreano?" sarcastic kong tanong.
"Ang HB. Aga aga President!" Andrei
"Yun na nga eh ang aga aga niyong nambubwisit!" sagot ko "Hindi niyo na nga napagupitan ang mga buhok niyo, nakuha niyo pang magpakulay! Ano kayo mga sisiw na binibenta sa harap ng simbahan?" kaasar! Mg pasaway!
"Style yan President! Ano? Feel old yet?" si Charles ang nagsalita na ikinatawa ng lahat
"Umayos ka Charles, baka di kita matantya! Mabatukan kita jan!" ani ko.
"Hep hep. Ayaw President. Lugi ako, marunong ka mag-wushu ako pogi lang." dagdag niya.
I rolled my eyes heavenwards in frustration tsaka ko napa-face palm.
"Maaga akong tatanda sa mga katulad niyo. Bat di nalang kayo makidlatan?!" sigaw ko.
Pagkabitaw ko nun. Nagulat kaming lahat ng biglang kumulog. Kulog sa gitna ng maaliwalas na paligid?
"Woah! May lahi ka atang mangkukulam!" si Louie naman ngayon.
Tiningnan ko sya ng masama as my deadliest eye contact!
Nag-cross naman ito gamit ang daliri na animo'y nakakita ng demonyo.
"Papapasukin mo ba kami President? Malilate na kami eh!" si Kevin naman ngayon.
Binuksan ko ang gate "Alam niyo na ang regulation. Sa reflection tayo magtatapat tapat mamaya!" huli kong sabi.
Kasalukuyan ng nag-uumpisa ang klase ko ng dumating ako dun.
"Morning Miss Alvarez, sorry I'm late." bati ko.
"Mukhang napasubo ka nanaman sa pasaway na students Ms. Campus President!" natatawang sabi ni Ma'am. Napa-sigh naman ako. Alam kong ang haggard na masyado ng itsura ko dahil sa frustration. "Maupo kana Bianca, we will continue the lessons."
Naupo na ako sa upuan ko, seatmate kami ni Maica at Gio.
"I really hate Mondays!" sabi ko ng makaupo.
"Sabi kasi sayo President, mag-sama ka ng kasama mo sa gate kapag Monday." suggestion ni Maica.
"No need. Nahahandle ko pa naman eh. Bukas, kayo ni Joel ang bantay?" tanong ko.
Tumango naman ito.
"Goodluck." huli kong sabi bago magsimulang makinig sa lessons.
Break time na, at imbes na mag-memeryenda na sana ako sa canteen ay kailangan ko pang pumunta sa reflection room Haaaaay!
Pagkarating ko dun. jusko! Ang gulo gulo at ingay ingay nila. Nakakita ako ng walis tambo at pinukpok ko sa pintuan upang makuha ang attention nila.
"Oy! Anjan na si President!" sabi ng isa. Jusko feeling ko isa akong teacher sa isang kindergarten.
"Di ko naman na kailangang i-explain sa inyo kung bakit kayo nandito. I far as know, lagi na kayo dito." panimula ko. "May 30mins. lang kayo para magsulat. Wala ng lalagpas! Gutom ako ngayon at pagod. Ayokong mainis at baka ako mismo ang magparating sa Guidance na kailangan na kayong i-expelled! Got it?" dagdag ko.
"Ok Ok!" sagot naman nila.
"30mins. starts!" naupo na ako sa pinakaharapan. Nagsimula narin naman silang mag-sulat. Nilabas ko yung mga folder nila, bale 15 sila ngayon. Jusko padami ng padami ang pasaway!
Halos sa 20mins. palang kalahati na ang tapos. Ang iba ay nagsusulat parin. Ang iba ay nagrereklamo kung bakit kailangang English. Jusko! Isa yan sa mga parusa nila at dagdag narin sa English communication skills nila.
3mins. left yung apat na bugok nalang ang natitira (Louie, Andrei, Charles and Kevin)
Gutom na gutom na ako. Kailangan ko din naman kumain! Huhuhuhu.
"Aaaaah ayoko na talaga!" si Charles yun. Lumapit na sya sakin at binigay sakin ang papel niya.
"Ano? Uulit kapa?" tanong ko
"Wala naman kasing masama sa paglalabas ng pagiging stylist! Old fashioned ka lang talaga President!" sagot naman niya.
Tiningnan ko sya ng masama "Mahal mo naman siguro buhay mo no?" pagbabanta ko.
"A-h Eh. Sabi ko nga aalis na ako." buti tinablan "Mga pre, sa labas na ako mag-aantay!"
"Sandali, sasabay na ako. " pigil naman ni Andrei na nagpass narin at sumabay na sa paglabas.
"Done!" si Louie ang sumunod na natapos. Lumabas narin naman sya agad pagkatapos niya mag-pass.
"Oh ikaw? Di kapa ba tapos? 5mins. nalang magsisimula na ulit ang klase." tanong ko kay Kevin.
"Sandali nalang to." sagot niya.
I rolled my eyes heavenwards. Haaaay, nag-nap muna ako parang inaantok ako. Pero di ko kailangan matulog! May klase pa ako.......
Kriiiiiiiiiiinnnnngggg!
Napabalikwas ako ng tayo ng makarinig ako ng mag-ring. Tumingin ako sa oras, late na ako!!!!!
Waaaaaaah! Bat ba ako nakatulog?Aaaaah kasalanan to ni Kev-in. Asan na yun? Ugh! Bat di niya ako ginising? Asar!
Kinuha ko na yung mga gamit ko pero napatigil ako ng makita ang nasa ibabaw ng table sa harap ko. Yung letter ni Kevin, may kasama itong juice at sandwich. May nakadikit na sticky notes sa sandwich. Kinuha ko ito.
MUKHANG NAGUTUMAN KA KAKAHINTAY SAKIN HEHE, SORRY PRESIDENT.
-KevinDi ko alam kung bakit ako nakangiti ngayon! Aaaah crazy Bia!
Tuluyan na akong umalis sa reflection room.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.