Bia's POV
Unti unti ay lumapit ako sa may pintuan at ipinasok sa butas ang susing hawak ko.
Mahinahon ko itong pinihit
*CLICK*
Napalunok ako. Bat ba feeling ko ay horror ang kalalabasan ng story na to? Bat ba ako kinakabahan eh si Kevin lang naman ang nasa loob nito!
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko unti unting binuksan ang pinto.
*Eeeeeeck.* Duh? Ang cheap ng Author na to ayaw gumamit ng Audio!
(Manahimik ka nga. Eh sa mahirap lang ako eh!)
K.
Anyways, dahan dahan akong pumasok sa kwarto.
Madilim na paligid ang sumalubong sakin. Pero di naman yung madilim na madilim. Actually may konting liwanag naman na nanggagaling sa may bintana sa pinakagitna, 5:00 na ng hapon so palubog na ang araw kaya di na masyadong maliwanag ang sinag niya nakadagdag pa na may malalaking kurtina ang nakatakip sa dalawang malalaking bintana.
Pero teka! Asan na ba si Kevin? Humakbang ako para sana hawiin ang kurtina para magkaroon ng kahit konting liwanag kaso napatigil ako ng bigla akong may matapakan. Tiningnan ko kung ano ang nasa paanan ko pero diko makita.
Yumuko ako para sana hawakan kung ano yun pero natigilan ako ng may humawak sa braso ko at hinila ako palayo sa kinatatayuan ko kanina.
Naamoy ko agad ang isang familiar na pabango! Kilalang kilala ko kung kanino yun. Pero, parang may halong amoy alak yun.
"Kevin..." mahina kong tawag sa pangalan niya. Aware ako kung gaano kalapit ang distansya niya sakin. Kaya napa-lunok nanaman ako.
"Anong ginagawa mo dito?" halos magtayuan ang mga balahibo ko ng marinig ang boses niya.
Parang diko kilala kung kanino galing yung boses niya. Sobrang lamig ng pagkakasabi niya, ibang iba sa boses na nakasanayan kong marinig mula sakanya.
"Uulitin ko. Why are you here?" tanong niyang muli kaya napapitlag ako. Teka lang naman, dipa nga ako nakaka-get over sa cold voice mo may kasunod na agad!
Medyo tinulak ko sya para makalayo ako sakanya at mabitawan niya ako, bago ako nagsalita "I... I just want to ... ahm to check if you are okay?"
Naramdaman ko ang pag-lakad niya, habang tumatagal ay nag-aadjust na ang paningin ko sa dilim kaya medyo naaaninag ko na sya. 2 meters away sya sakin. Nakatalikod at nakaharap sa may side table sa kabilang side ng kama niya.
Teka? Bat ang bilis niya akong kinaladkad mula pintuan hanggang dito? Parang dalawang hakbang lang ang ginawa ko ah? Di kaya binuhat ako nito?
"I'm okay. You can leave my room now." sabi niya at nakita kong may nilagok sya. Biglang humangin kaya nilipad ang kurtina at nasinagan ang isang boteng hawak niya at isang baso. Nabasa kong isang bote ng brandy ang hawak niya kaya humakbang ako ng mga tatlo palapit sakanya.
"You said you're okay. Then why are you drinking?" nakakunot noong tanong ko.
Nilingon niya ako at nakita ko kung paano sya ngumisi ng nakakatakot, kaya napa-atras ako.
"This is the best way to relax Bianca." kinilabutan ako ng bigla niya akong tinawag sa pangalan niya adding some weird kind of voice! Yie scary! "Being a disappointment to this family, is killing me!" dagdag niya tapos ay lumakad ito hawak ang alak at naupo sa kama niya. Sinundan ko sya ng tingin.
"Okay naman ang lahat dati. Proud sakin si Daddy, kulang nalang noon ipagsigawan niyang 'Hey this young man is my son!' Pero nagbago ang lahat because of the fvcking legacy!" nakita ko kung paano umapoy sa galit ang mata niya.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.