Bia's POV
Patuloy sa pagsigaw at pagaalboroto si Kevin sa ginawa ni Lokey. Akala mo naman sya ang hinalikan OA maka-violent reaction! Okay lang naman talaga sakin kahit na first kiss ko yun pero di ko sya ituturing na first ko kasi naman di naman romantic yun kaya balewala lang yun. Halik lang yun galing sa isang nakababatang kapatid.
Kaso ewan ko ba kung bakit nagka-violent reaction ang isang to! Epekto ata to ng pagkaka-palo niya sa ulo. Hmmm, paluin ko kaya ulit para bumalik yung dati niyang pag-iisip. Yung mapang-asar na side! Mas sanay ako dun eh kesa sa ganito, mabait tapos sweet tapos biglang magsusungit.
Tamo no pansin nanaman pagkatapos mag-alboroto! Buti nalang dumating na ang iba pati narin si Lyca na natagalan dahil tinawag daw sya ng Lolo niya kanina at sinabing paakyatin na kami.
Si Lyca din ang nagpahinahon sa muret na Kevin. Tinanong niya ako kung anong nangyari, pero epal tong si Kevin feeling talaga niya sya si Bia! Kaya sya ang sumagot sa tanong! Epal sing epal ni Author!
Pinagtitinginan narin kami kanina ng mga maids nila, akala ata nila inagawan ko ng candy yung amo nila! Excuse me! Hindi kaya!
"Nagseselos ka ba? Para tumigil kana jan, halikan mo nalang din kasi!" si Andrei ang nagsalita.
Tiningnan namin ni Kevin siya ng masama as in talagang sabay kaming napatingin. Sya naman natatawang napa-sign of the cross lang. Matunaw ka sana!
"Tsk. Mabuti pa tara na sa taas! Baka hinahanap na tayo nila Lolo." si Kyle ang nag-suggest niyan.
"Mabuti pa. Tara na!" sang-ayon ni Lyca na nauna ng umakyat sa hagdan hawak ang kamay ni Kevin. Sumunod ang tatlo kaya sumunod narin ako, sinabayan naman ako ni Kyle.
"Are you okay? Pasensya na magulo talaga ang pamilya namin haha." Kyle.
ngumiti ako "No. Its really okay! Walang kaso sakin yun." sagot ko "Namimiss ko narin tuloy yung mga pinsan ko." sabi ko.
Ganito din kasi kami kakukulit at kagugulo nila Kuya. Minsan talaga napapaisip ako. Pumunta kami dito sa Pinas para maging close kami sa mga pinsan namin, tapos sila naman tong mga nagsipag-abroad! Haaaay ang gulo talaga mag-isip ng plot twist ng Author nito! Buti nalang talaga at magaganda ang lahi namin.
Anyways, pag-akyat namin sa taas. Madami dami rin palang tao. Lahat sila naka-business attire ang mga babae naman ay mga naka-long gowns! Pero di yung mga pang-laban ah? Yung may class! Nahiya tuloy ako bigla sa suot ko.
"Oh, eto na pala ang mga bata." si Tita ang unang nakapansin samin. Mommy ni Kevin. Kasama nito si Tito Luis at si Lolo.
Lumapit kami sa kanila "Oh! Gentlemen's this are my apo's. Kyle, Kevin and Lyca." nag-bow naman ang tatlo. "Together with their friends!"
Isa isa naman kaming bumati sa mga lalaking nasa harapan namin. I think, sila talaga ang may malalaking pangalan sa business industry.
"Oh, eto naba ang anak ni Gavin? Manang mana ka talaga sa Papa mo. Napakatalinong bata." isa sa tatlong lalaki ang nagsalita. Si Kyle ang tinutukoy niya. Ngumiti naman sya na parang proud na proud. "I heard, you finished medical course within 2 years. That's wow." patuloy niya.
"Really? Now I'm a fan" yung isa naman ang nagsalita.
"I'm sure, Senior Lee will surely proud that this young guy is his grandson." sabi naman ng isa. Author? Bat kailangan kong isalaysay lahat? Pwede wag na? Kapagod eh.
(Maka-reklamo akala mo talaga sya ang nagtatype eh)
Tsss. Whatevah!
"I am. Actually, proud naman ako sa lahat ng apo ko. I'm happy na ginagawa nila ang gusto nila." Lolo
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.