Bia's POV
Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin kanina Keviiiiiiiiin! I will surely make this year such hell for you! Aaaaaaaaaaaaah!
Dahil sa nangyari kanina hindi ko na nagawang makabalik sa room namin kaya nagtuloy nalang ako sa SSC Room or Office namin.
Naiinis parin ako di lang dahil sa pagkakatapon ng Chuckie kundi dahil Buset talaga ng buhay ko ang Buang na yun! Gosh! Halos atakihin ako sa puso sa sobrang highblood ko sakanya!
Nako nako!!!!!! Kapag ako talaga nakaisip kung paano ko magagantihan yun, Nakooooo! Baka bukas paglalamayan na yun!
"Kawawa naman yung Papel, nasasaktan na kakadutdot mo ng ballpen." napatingin ako sa nagsalita.
Si Gio, together with Maica and Lyca. Lunch break na ngayon at nakasanayan ng lahat na dito kumain sa Office. Bat di ko man lang napansing pumasok sila?
"Let me guess, Kevin encounter again President?" tanong ni Maica.
Napabuntong hininga nalang ako
"I knew it. Ano nanaman bang ginawa ng magaling kong pinsan. Nag-vandalize nanaman ba sila ng walls? Nagcutting classes or something like that?" sabi naman ni Lyca.
Napapikit ako. Alangan namang sabihin ko ang nangyare kanina? Na dahil lang sa Chuckie nagkainitan nanaman kami? Kahit malaking gulo sakin yun, alam kong iisipin nila ang iniisip ngayon ng mga readers ko. I'M SUCH A CHILDISH LADY. Tsss, muka niyo!
"Forget it. Hindi naman ganun kalaki ang gulo namin kanina kaya----"
Napatigil ako sa pagsasalita ng may balahurang nagbukas ng pinto ng Office. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Isang junior.
"Do I need to read it loud on your face what was this paper said?" sabay punit ko dun sa karatulang naka-sabit sa may pintuan na nakalagay ang 'Knock before you open' "Hindi kaba marunong magbasa?" mahinahon pero may halong inis na sabi ko.
Nakita ko naman kung paano natakot sakin yung lalaki. "Bia. Chill ka lang." natatawang sabi ni Gio tsaka lumapit samin nung lalaki.
"Ano bang pinunta mo dito bata?" mahinahon na tanong ni Gio. Tsss napatalikod naman ako dahil naguumpisa nanaman akong mainis! Gutom na ako gusto ko na kumain!
"Gio!" tawag ko. Natigil naman sa pagsasalita yung lalaki at pareho silang napatingin sakin "Mauna na ako. Ikaw na bahala jan."
Hindi ko na inantay na magsalita siya. Pumunta na ulit ako sa table ko at inayos ang gamit ko, sila Maica at Lyca naman ay lumapit sakin "Dika sasabay?" tanong ni Maica.
"Mas trip kong kumain sa labas ngayon." sabi ko naman ng hindi tumitingin sakanya.
"Okay sige inga--" hindi na natapos ni Lyca ang sasabihin niya ng lumapit samin si Gio.
"Ano?" tanong ko. Wala na talaga akong energy! Jusko kawawa naman yung mga bulati ko sa tiyan! Nagugutom na!
"Si Kevin. May napagtripan nanaman."
Dahil dun walang sabi sabing ibinalik ko ulit ang bag ko sa upuan "Saan?" tanong ko.
"Sa Canteen. Ayaw daw paawat."
Aaaaaah! Really huh? Ano nanamang ginawa niyaaaaa?
Tumakbo na ako palabas. Nakasunod naman sakin yung tatlo.
"Ugh! Siguradong lagot nanaman si Kevin!" rinig kong sabi ni Lyca. At sigurado akong di na siya makakalusot ngayon!
Sa harap palang ng Canteen ay rinig ko na ang kalabog sa loob at ang boses ni Manang Vanie. Pati narin ang mga estudyanteng nagkakagulo. Medyo malayo ang Office ng mga teacher dito pati narin ang mga classroom kaya siguro wala pa hanggang ngayon na mga teacher.

BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.