Chapter 41

499 8 1
                                    

BIA's POV

"Alam mo napaka-childish ng act mong yun! Nakakainis ka!" irap na sabi ko kay Kevs. Naiinis talaga ako!

"Sorry na please?" lambing naman niya.

"Heh!" bulyaw ko.

Natawa naman ang mga kasama namin sa table.

"Tumigil na nga kayong dalawa jan haha." pigil samin ni Lyca.

-----
"LADIES AND GENTLEMEN! I AM HENRY YOUR GORGEOUS MC FOR TONIGHT." nagpalakpakan naman kaming lahat. Pwera lang sa katabi ko, inis parin kasi siya dahil diko siya pinapansin. At nageenjoy akong asarin siya hahaha. Well oo naiinis ako sakanya KANINA pero hindi naman ganon kalaki kasalanan niya kaya okay na sakin yun, gusto ko lang talaga sya asarin.

"FIRST OF ALL I WOULD LIKE TO HAPPILY WELCOME YOU TO THIS YEAR EVENT." ngumiti ito bago nagpatuloy "WELCOME TO THE EAREST INTERNATIONAL ACADEMY'S GRAND BALL!"

"Woooooh"

"Kyaaaaaaaah"

At ayun nga kanya kanya ng ingay ang mga students. Ganito palagi ang ganap sa Grand ball namin.

"AND YEARLY, ALAM NAMAN NATING LAHAT NA MAY MGA PA-SURPRISE ANG ADMIN HEADS. BUT THIS YEAR IS REALLY REALLY SPECIAL, WANNA KNOW ABOUT IT?"

"yesssss"

"Goooo spill it!"

"We're so excited!"

"CALM DOWN STUDENTS! NAGSISMULA PALANG ANG GABI. WE WILL ANNOUNCE IT LATER. BUT FOR NOW, LETS GIVE AROUND OF APPLAUSE TO OUR SCHOOL BAND TO SERENADE US. THE SERENITY!"

At ayun, as usual kanya kanyang cheer ang lahat. Lalo na ng umakyat na ang apat na lalaki na naggwagwapuhan. Nagsimula na silang tumugtog. First song is Party party lang.

"Lets goooo! Lets break a leg!" sigaw ni Maica kaya nagtawanan kami. Hinila ni Maica si Lyca na hinila naman ako. In the end nasa gitna na kami.

At to think na kaming tatlo ang kauna unahang pumunta don para magsasayaw buti nalang nakamask kami hahahahaha. Maya maya lang din ay napuno na ang dance floor. Lumapit narin samin ang tatlong lalaki at nakipagsayawan samin. Nagform kami ng malaking bilog at doon sa loob ng bilog ay may mga nagshoshow down.

"Love..." napalingon ako sa katabi ko alam niyo na kung sino...

Hindi ako sumagot wala lang para asarin lang siya. Sungit sungitan ako ngayon eh.

"Love... pansinin mo na ako! Please?" dahil maingay ay kailangan niyang lumapit sakin para lang magkarinigan kami.

"Naiinis parin ako sayo." sabi ko sakanya.

"Sorry na, bati na tayo. Please?"

Kung hindi lang siya nakamaskara siguradong kanina pa ako bumigay hahahaha pero hindi tayo marupok!

"Pag-iisipan ko!" sabi ko. Hahaha bahala ka jan.

Nagpatuloy ako sa pag-indak pero natigilan ako ng bigla akong hilahin ni Kevin sa gitna ng bilog. Narinig ko namang nagcheer ang lahat.

"Hindi na ako makapaghintay Love. Kailangan mo na akong pansinin ngayon!" sabi nito. More like sigaw na nakakuha ng atensyon ng lahat ng nasa malaking bilog.

Nagbigay ito ng sign sa lead singer ng banda na tumango naman sakanya. Kasabay nun ay ang pagpalit ng tugtog.

NP: TEACH ME HOW TO DOUGGIE

"Woooooh!"

"Alright!"

"Woah!"

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon