Chapter 3

2.5K 32 0
                                    

Bianca's POV

"Happy birthday Pinsan!" masayang bati ng mokong kay Lyka.

Napa-sigh nalang ako tsaka medyo lumayo. Ayokong mapansin niyang nandito ako dahil sure akong mang-aasar lang to.

"Thanks Kevin!" pagpapasalamat naman ni Lyka sa pinsan niya tsaka ito yumakap.

"Happy birthday Lyk's" bati din ng mga kasamahan ni Kevin. Its, Andrei, Charles and Louie.

"Thank you Guys! Oh wag kayo mahihiyang kumain ah? Di ko kayo maaasikaso lahat oras oras haha kaya feel at home!" Lyka.






Nagsimula ang kainan, kantahan at sayawan. At ang nakakatuwa lang, di pa ako napapansin hanggang ngayon ni Kevin. Phew! Mas ok kung ganun, sana nga ay di na ako mapansin nito hanggang sa matapos.

Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng sofa. Katabi ko si Maica na kasalukuyang nakikipagdaldalan sa iba pang SC. You see? Di ako friendly, at di ko rin masyadong ka-close ang ibang SC. Si Maica at Lyka lang ang medyo nakakausap usap ko.

Kinuha ko yung baso ko na may lamang juice at uminom ng biglang--

"President!"

Muntik ko na maibuga ang iniinom kong juice dahil sa gulat. Sinamaan ko naman ng tingin ang tumawag sakin.  Si Kevin.

"Ano bang problema mo?" pigil inis kong tanong.

Naupo ito sa sofa na kaharap ng inuupuan ko.

"Sayaw tayo." medyo malakas ang pagkaka-sabi niya niyan kaya napalingon samin sila Maica.

Nginitian ko naman si Kevin, my oh so bitter smile.

"Ayoko." sagot ko.

Mas lalo naman itong nangiti. Urgh! May pinaplano nanamang di maganda to!

"Ayaw mo? Sure ka?" tanong niya ng may halong pang-asar.

"Ayoko." matigas na tanggi ko.

"Ok." sabi nito tsaka tumayo na.

Mabuti naman at nakakaintindi sya. Akala ko iinisin niya ulit ako at di na tatantanan--

"Hello mic test 123." napatingin kami sa harap kung saan nang-galing ang nagsalita gamit ang mic. Its Kevin.

"Sorry for the interruption Ladies and Gentlemen's. May gusto kasi akong isayaw na babae, kaso ayaw niya." patuloy nito.

Nanlaki naman ang mata ko. Oh Gosh! Don't tell me---

"Pwede niyo po ba akong tulungang mapa-Oo sya kahit isang sayaw lang?" patuloy pa nito.

Aaaaaahhh. You! Napatingin sakin sina Maica, alam kong nagkakaroon na sila ng clue kung ano ang tinutukoy ni Kevin.

"Sino ba iyon hijo?" tanong ng isa sa mga bisita.

Napatingin naman sakin si Kevin kasunod ang iba pang mga bisita.

Parang gusto ko atang umalis nalang at umuwe.

Unti unting lumapit si Kevin sakin ng may nakakalokong ngiti. Asar! pigilan niyo ko bibigwasan ko to!

"Ms. President, can I have this dance?"

Sasagot palang sana ako ng mag-sayaw ka mag-isa mo, pero napatigil ako ng sabay sabay ang mga bisitang sumigaw ng 'Sige na'

Napa-roll eyes ako at nanggigigil na inabot ang kamay nito. Ngumiti ito sakin at ako sinimangutan ko lang sya.

Kinuha ni Andrei ang mic na hawak ni Kevin tsaka kami nagtungo sa gitna ng dance floor.

Nagsimula ang tugtog.

Hinawakan ni Kevin ang bewang ko at ako naman sa balikat niya. Still nakangiti parin ito, naalibadbaran ako.

"Wag ka ngang ngumiti, nagmumukha kang asong ulol!" singhal ko dito.

I heard him chuckled.

"Halatang halatang napipilitan kalang ah." sabi nito. Ewan ko kung imagination ko lang ba yung nakita kong sadness sa mata niya na mabilis ding nagfade.

Diko sya sinagot. Alam naman niya ang sagot sa tanong niya eh.

"Ms. President." tawag nito sakin.

Tumingin naman ako sakanya. Nagtagpo ang mga mata namin, pero ewan ko parang nalulunod ako sa mga titig niya kaya agad din akong nag-iwas.

"Ano?" tanong ko.

"Kitang kita na ayaw mo sakin. May nagawa ba ako sayo?" tanong nito.

Medyo natigilan ako sa tanong niya. Pero sumagot parin ako.

"Pansin mo naman pala." sagot ko.

"Ano bang nagawa ko sayong mali President?" tanong nito.

Tiningnan ko sya.

"I'm the school council's President, and you are the troublemaker. Hindi paba sapat na dahilan yun para mainis ako sayo?" sabi ko sakanya, natigilan sya sandali bago ngumiti at magsalitang muli.

"Kapag ba nagbago ako, magiging close kaya tayo?" tanong nito. Muli akong natigilan pero in the end natawa ako.

"Haha magbago? Tsk. Imposible naman ata yan. Magpagupit nga lang ng buhok di mo pa magawa, magbago pa kaya." sabi ko dito.

Tumigil ako sa pagsasayaw kaya napatigil din sya.

"Masakit na ang paa ko. Gusto ko ng maupo." sabi ko sakanya.

Tumango naman ito at inihatid na ako sa inuupuan ko.

"Hey. Kanina kapa busangot. Pinanunuod kita habang kasayaw si Kevin, di ka man ngumiti." salubong sakin ni Maica.

"Wala ako sa mood." simpleng sagot ko.

"Woah, ang cold" sabi naman ni Lyka na ngayon ko lang napansin na nakaupo sa sofa malapit sa akin.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. 8:54 na. Gabi narin pala. Mukhang kailangan ko ng umuwe.

Kita kong nag-eenjoy palang si Maica kaya magpapasundo nalang ako kay Manong.

Tinext ko muna yung driver namin bago ako magpaalam.

"Ahm Lyka, guys. I need to go. Hanggang 9:00 lang kasi ang paalam ko kay Mommy kaya kailangan ko ng umuwe."

"Di kaba pwedeng mag-extend president?" tanong ni Joel, co-SC ko.

Umiling ako "Pagod narin ako at inaantok, sorry pero kailangan ko na talagang umuwe." sagot ko.

"Sabay na tayo kung ganun" sabi naman ni Maica.

"Oh, no need. Nagpasundo na ako sa driver namin. I don't want to interrupt you Maica, alam kong nag-eenjoy kapa." sabi ko dito.

"You sure?" tanong niya.

Tumango naman ako.

Mga 50mins. siguro may narinig na kaming busina mula sa labas kaya inihatid na ako ni Maica at Lyka sa labas.

"Ingat President." paalam ni Lyka "thank you sa pagpunta." patuloy nito.

"Thank you din Lyka, happy birthday ulit. And Oh! Yung Oplan-Linis natin bukas sa school don't forget. After lunch, see yah!" paalam ko naman.

"Copy!" sabay naman nilang sabi.

Sumakay na ako sa kotse at umalis na kami.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon