Chapter 8

1.9K 26 5
                                    

Bia's POV

Dahil lang sa Chuckie? Gosh! Seriously? Kahit ako na tinawag ni Kevin kanina na 'Chuckie Monster' di ko kayang makipagbuno dahil lang sa isang Chuckie! Juskoo! Di lang iisa ang bilihan ng Chuckie sa Mundo!

Tumagilid ako sa pagkakahiga at kinuha ang phone ko. Pero kahit papaano, nag-aalala parin ako kay Kevin. Kahit naman marami ng nagawang panbubuset sakin yun, nag-aalala parin ako sa kalagayan niya

Yun ngang madapa ka at masugatan sa tuhod masakit at mahapdi na. Yun pa kayang paluin ka ng bote sa ulo? Jusme! Aatakihin siguro ako sa niyerbios.

Anyway, tinext ko na si Lyca para makibalita dahil alam ko namang pupunta yun ngayon sa Hospital kung saan dinala si Kevin, or else sa bahay nila kung nakauwe na sya.

How was he?

Kevs is now Okay President :) Tita says, thank you!
- Lyca

Its nothing. I'm one of the supreme student, he's one of responsibility.

Tita is so thankful, really. Kanina kabado si Tita at muntik ng atakihin sa takot buti nalang at sinabi ng Doctor na tumingin kay Kevs na magaling ang naglinis ng sugat niya kaya mas madali nilang nagamot ito at natahi. Achievement again President :)
- Lyca

Napangiti naman ako ng mabasa ko ang text message na yun! Kung alam lang nila kung anong takot ko kanina! Thankful din ako na si Kevin yun! Dahil alam kong malaki ang natulong niya kaya nagawa ko ng mabuti at malinis ang trabaho ko.

Anyways, Tita wants to meet you.
-Lyca

Nanlaki ang mga mata ko! Waaaaah! May nagawa ba akong mal? Omygad! waaaaaaaaaa----

She says, she wants to personally says thank you to you President. Are you free this weekend?
-Lyca

Para naman akong nabunutan ng Tinik. Awts! Hooo ayan! Magtithank you lang naman pala eh mygad! Ang hart ko ah! Ang OA!

Hmm, Sure. Magpapaalam ako kay Mommy. Update me Where and When.

Papatayin ko na sana ang cp ko at handa na akong matulog ng biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, si Lyca.

Sinagot ko ito agad.

"Hel--"

"President.."

Natameme ako bigla! Gosh! Is this Kevin? Bat ang ganda ng voice--- Aaah erase erase! Ok enough!

"Hmm?" Do I sound like pabebe? Gosh! Bat ba ako kinakabahan?

"I.... I just want to say thank you. Alam kong takot ka sa dugo, pero ginawa mo parin kanina."

Diko alam pero napangiti ako "I know your trembling when you saw bloods running on my head. At sorry din sa paghawak ko kanina sa ...k-kamay mo. I didn't mean to take advantage okay? Yun lang kasi yung alam kong way para sabihing mag-relax ka lang. Diko na kasi magawang sabihin kanina dahil nahihilo na ako." mahaba niyang litanya kaya natawa ako.

"Take Advantage mo muka mo haha. Diko naman inisip na ganun ang dating nun no! Hmm sa katunayan nga niyan I just want to say Thank you to you too, dahil sayo nalagpasan ko yung fear of bloods ko kanina! May magic ka atang pampakalma eh." natatawa kong biro "Pero di dahil ikaw ang nakatamo ng much injury, eh panig na ako sayo ah! Mali parin yung ginawa mo kanina! At dahil naka-admit ka hanggang bukas jan sa Hospital, sa Monday na tayo maghaharap harap!" Paalala ko baka isipin niya prends prends na kami! Ah di pwede yun no!

I heard him chukled.

*dugdugdugdug* Ano nanaman hart? Tsk! Dapat ata magpa-admit narin ako! Abnormal na ata tong tibok ng puso ko Badtrip!

"Pero... alam mo na ba ang dahilan kung bakit ko binugbog yung lalaking yun?" seryoso na siya ng tanungin niya ako nun. Kaya nag-serious mode narin ako.

"Bakit nga ba? Ang dinig ko lang kanina dahil sa Chuckie?.... "

Nanahimik siya bigla "Yah part of."

"Anong ibig mong sabihin? Hindi lang dahil dun yun?" tanong ko.

"Hmm" naiimagine ko na tumatango tango siya "May isang babae kasi kanina na nakatulog sa reflection room na muntikan ng manyakin ng lalaking yun. Pasalamat siya dumating ako at di siya nahipuan sa legs ng gagong yun." Halo ang inis at irita sa boses niya. Pero a-ano daw? Babaeng tulog? Ako ba yun?

Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko "Uupakan ko na sana eh, pasalamat ang lalaking yun may hawak akong pagkain para sa babaeng tulog na yun" dagdag niya. Ako ba tinutukoy niya?

"Tapos nagkita nanaman kami ng babaeng yun sa ground. Diko alam na Chuckie Monster pala siya na handang makapatay dahil lang sa natapon niyang Chuckie. Eh dahil sa takot ko sa babaeng yun, naisipan kong ibili niya at palitan ng bago yung Chuckie niya. Diko alam na makakasalubong ko yung lalaking nambastos sakanya kaya di na ako nag-aksaya ng panahong upakan siya lalo na nung nakikipag-agawan yung lalaking yun sakin ng Chuckie sa canteen." Now revealed. Ako nga yun! Dahil sa kapabayaan ko, muntikan na akong mahipuan at dahil sa kahibangan ko sa Chuckie! Ayan! May lalaking nasa Hospital ngayon! Ako pala talaga ang may kasalanan ng lahat #FeelingGuilty.

"Pero sana yung babaeng yun, si Chuckie Monster. Pasabi naman sakanya President na wag niyang sisihin ang sarili niya sa nangyari, kasi ginusto ko namang ipaghiganti siya. Ginusto ko namang protektahan sya kase...."

*dugdugdugdugdug*

"Kase ... kahit papaano, importante sya sakin."

*dugdugdugdugdugdugdugdug*

"Kahit na lagi niya akong sinisigawan. Lagi niya akong inaaway at lagi niya akong pinagsusulat ng sandamakmak na Sorry Letter" dagdag niya

*dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug*

"Sana dumating yung panahong maging importante din ako sakanya. Tingin mo President?"

"H-ah? ah, eh------"

Narinig ko siyang tumawa, pinagtitripan nanaman ba ako ng bugok na to? Alam niya ba ang epekto niya sakin? Nakooooo! Sasapukin ko na talaga to kahit na dipa siya magaling!

"Sige na President. Salamat sa lahat. Mag-iingat ka palagi. Papa-ibigin pa kita."

"A-ano-----"

*toooooot-toooooot*

Ano daw yun? Nasulyapan ko ang itsura ko sa salamin na malapit sakin and Gosh! My face is red as tomato!

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon