BIA's POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba. Kaya bumangon ako agad at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto ko. Mula sa hagdan ay nakita ko si Mommy na may kausap sa phone. May iilang tao din na nasa sala na diko naman kilala. May inaayos silang mannequin doon. Para san yon?
"Mom.." tawag ko sa atensyon ni Mommy. Nilingon naman niya ako, tapos ay nagbabye na sya sa kausap niya at nakangiting lumapit sakin and greeted me Good morning.
"Hija, napaaga ata ang gising mo? Did we interrupt your beauty rest?" tanong ni Mommy. Umiling ako.
"No." sagot ko "Pero diko alam na may mga bisita ka po pala." napatingin naman sakin yung dalawang, I guess, bakla na nag-aayos ng mannequin kanina.
"Oh! Sila nga pala sila Trisha at Maxine." pagpapakilala ni Mommy "And guys, this is my unnica hija, Bianca."
"Hi dear." I say hello to Trisha "Ang ganda ganda naman ng anak mo madam. Ang kinis kinis!" puri niya pa.
"Oo nga at tignan mo ang buhok, pak na pak!" dagdag puri naman ni Maxine.
"O'come on, kanino paba magmamana?" natatawa namang sabi ni Mommy. Nagtawanan sila..
"They are here for business Mom?" tanong ko. Curious parin ako bat nandito sila eh bat ba.
"Ah no anak. Sila ang nakatoka na mag-ayos sayo for tonight. Diba Night Ball niyo mamaya? I rent Trisha at Maxine's service para mag-ayos sayo. And sa kanila din galing ang pinagawa kong gown." and with that as if on cue, inilabas na nila ang gown.
Its a black long gown na pa-baloon sa dulo. Simple lang sya and I love it! Gusto ko naman talaga lahat ng taste ni Mommy pagdating sa mga ganito eh.
A/N Above is the actual photo of Bia's Gown 😍
Pero "Teka, paano mo nalaman ang tungkol sa ball eh diko matandaang sinabi ko sayo yon Mommy." Yeah, hindi ko sinabi sakanya kasi alam ko namang paghahandaan nanaman ng bongga ni Mommy yon kagaya yung sa Birthday planner na kinuha niya haynako.
Ang nakalaan na isusuot ko is yung simple kong long gown sa cabinet ko. Matagal na sya, pero never pa nagagamit kaya yun ang nakaplano kong suotin.
"Your boyfriend told me." hindi ko mapigilang mamula sa sinabi niya.
"He has a name, no need to mention na bf ko sya kasi diko naman makakalimutan." sagot ko na ikinatawa niya. Alam niya ba ang epekto nun sakin? Hayst!
"Okay okay! haha. Anyways, pinagpaalam niya sakin na ikaw ang date niya mamaya. Natuwa nga ako kasi kahit payag kana, pinagpaalam parin niya. At nakakatampo ka Bia, alam mo namang tuwang tuwa ako tuwing binibihisan kita ng mga gowns pero pinagkakait mo sakin yon! Haaaaaay!"
I rolled my eyes "Alam mo namang ayokong napapagastos ka ng malaki dahil sakin mommy diba?" sabi ko naman.
Pinalo naman ako nito sa braso, Ouch.
BINABASA MO ANG
She's the Boss
Teen FictionThe ultimate troublemaker and the School Campus President.