Chapter 33

613 8 0
                                    

Bia's POV

"Hindi namin alam na nililigawan ka pala ni Kevin, President. Yiiieee! Hanggang ngayon kinikilig parin ako!" -Classmate 1

"Ah hehe." nahihiya kong sagot. Hindi ko alam kung paano irereact ko eh bat ba? Tssk! Kung bakit kasi grabe kung magpakilig yun eh. Oo na! Kinikilig na ako!

"Kailan mo sya balak sagutin?" Classmate 2

"Ha?" gulat kong tanong. Kahit sino naman magugulat sa tanong niya! Ni hindi ko nga alam kung paano maramdaman ang love eh.

"Ayaw mo ba sya?" - Classmate 3

"Mabait naman si Kevin eh madalas nga lang magpasaway. Hehe pero malay mo naman President dahil sayo eh magbago sya diba?" Classmate 4.

Nagsitanguan naman ang iba pa naming classmates, bilang pagsang-ayon.

"Guys! Excuse lang ha? Mawalang galang na, kung pwede lang tigilan na natin ang pagtatanong kay President hano?" Singit ni Maica "Maging masaya nalang tayo kung anong magiging resulta ng lahat sa dulo, sa ngayon hayaan mo natin sila magkaroon ng konting privacy. And I, thank you" dagdag pa niya na ikinatawa namin ni Lyka.

"Mabuti pa, magsi-lunch na tayong lahat. Gutom lang lahat to!" agaw naman ni Lyka sa eksena. Tapos ay kinuha na ang bag niya ganun din si Maica at syempre sumunod nalang din ako..



















Gaya ng dati, sa SSC Room kami tumuloy.

"President, labas muna kami ha? Bibili lang kami ng lunch." sabi ni Lyka.

"Guys, wag na kayo mag-abala. Pinag-pack ako ni Kuya Min ng baon, at marami rami to. Pagsaluhan nating tatlo." nakangiti kong aya, lumapit naman sila sakin habang inaayos ko yung lunch bag na inihanda ni Kuya sakin.

"Wow! Sushi and Kimchi! Ang tagal ko na simula nung huli ako makatikim niyan!" amazed na sabi ni Maica

"Haha, Go ahead. Specialty ni Kuya Min, ang Korean foods kaya di ako mapapahiya jan." inabutan ko sila ng chopstick na agad naman nilang ginamit pang-kuha ng pagkain.

"Hmmmm! Ang sarap! Bat hindi nag-Culinary yung kuya mo? Tapos magtayo ng resto! Siguradong papatok. Ang sarap niya mag-luto ha." sabi ni Lyka.

"Actually, hilig talaga ni Kuya ang magluto. Bata palang kami, mahilig na siyang magluto ng kung ano ano kasama ni Mommy. Pangarap kasi niyang maging Professional Chef, pero nag-business course sya dahil sa business namin." pagkukwento ko.

"Pwede naman siya ulit mag-aral diba? Sayang naman, kasi feeling ko passion niya talaga ang pagluluto." Maica

Ngumiti naman ako "Sabi niya kasi hindi nalang daw, kasi after he graduate sya na ang aasikaso sa buong business namin dahil magreretire narin ang Papa namin. So ang sabi niya baka kami nalang nila Mommy ang makatikim ng luto niya."

"Sabagay. Eh ikaw President? Anong kukunin mong course sa college?" tanong ni Lyka.

Ngumiti ako "I want to be a newscaster o kaya a writter. Kaya baka mag-MassCom. ako but, gusto kasi ni Mommy mag-Flight Attendant ako kaya medyo undecided pa ako. Kayo?" tanong ko.

"Hmm ako baka mag-Lawyer ako. Hehe. Gusto ko kasing tumulong sa mgw mahihirap na kailangan ng tagapagtanggol pero walang sapat na pera. Kapag ako nag-tagumpay, libre ang serbisyo." nakangiting sabi ni Maica.

"Ako naman, I want to be a professional fashion designer kaya yun ang kukunin kong course sa college. " Sabi naman ni Lyka.

"Basta ako, ang gusto ko lang kuhanin after graduation ay ang matamis na oo ng taong mahal ko." napatingin kami sa taong nagsalita.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon